Prologue

19.4K 228 5
                                    



"1,2,3,4,5,6,7,8,9,10.... And Black Butterfly win the Battle"

Naghiyawan ang mga kasapi nang Black Butterfly nang e-announce na sila ang nanalo.

Bagamat marami ang namatay sa kanila ay sila parin ang tinanghal na nanalo.

Dumerecho sila sa Black Butterfly Village na ipinatayo ni Kria 1 year ago.

Ang Black Butterfly ay itinayo ni Kria Dalawang taon palang ang nakakaraan.

Naisipan niya ito nang pakiramdam niya lahat nang tao ay wala na ang atensyon sa Kanya.

Lalo na nang mag-asawa at mag migrate sa Ibang bansa ang ate Xyrel at kuya Bugoy niya.

Tanging ang tatay na lamang niya Ang nakakasama niya, kong minsan pa ay wala siyang makasama dahil busy ang tatay niya sa kakasunod sa Nanay niya na walang ibang ginawa kundi ang magtrabaho na halos sa Kompanya na nakatira.

Pakiramdam niya ay wala na siyang Kasama at siya nalang mag-isa.

Kaya naisipan nilang magkakaibigan. Si arisse at pamu na magtayo nang Gang.

Hindi basta basta Gang. Dahil meron din silang Tinatawag na Mission, na kong saan ay ninanakaw nila ang pera nang mga Businessman bago ito patayin.

Hindi malabong mangyari yun. Sa ganda nang mukha at sa ganda nang katawan nila ay nabubulag ang mga ito sa kanila.

Walang nakakakilala sa Kanilang tatlo kahit ang mga meyimbro nila.

Dahil tuwing nagkakaroon sila nang pagtitipon ay nakasuot sila nang maskara na hugis Butterfly.

Ayaw din nilang magpakita nang totoong identity dahil mas delikado ang buhay nila kong makikilala sila.

Kong may balak kang alamin ang Black Butterfly? Wag mo nang subukan. Dahil manganganib ang buhay mo.

Lahat nang nagre-reaserch tungkol sa kanila ay pinapatay nila.

*

Gabi na, at naisipan nang umuwi ni Kria sa bahay nila. Bagamat nakainum siya ay nakapagmaneho parin.

Hindi niya napapansin ang mga signage sa daan na kahit naka-stop ay derederecho lamang siya.

Kaya naman may mga nakasunod nang mga Pulis sa Kanya.

Napansin niya ito sa Salamin niya kaya napamura na lamang siya.

Ang akala niya ay hindi siya maaabutan nang pulis, ngunit nang makaliko siya ay may nakaabang na palang back-up sa kanya.

Napahampas na lamang siya sa monobela niya.

"Baba" madiing sabi nang Pulis.

Walang ganang bumaba siya sa Kotse niya at nagawa pa nitong sumandal.

Hahawakan na sana siya nang Pulis nang itinaas niya ang kamay niya.

"Don't touch me" galit na sabi niya sa pulis.

Ipinasok siya sa isang Police Cab at dinala sa Presento.

"Miss, kong ako sayo tawagan mo na ang magulang mo para may magpyansa sayo." Sabi sa kanya nang pulis habang pinapasok siya sa kulungan.

Hindi na bago sa kanya ito. Dahil ilang beses na siyang nakukulong.

"Ayoko" walang gana niyang sabi.

Naupo siya sa gilid at isinandal ang kanyang ulo. Ipinikit niya ang mata niya.

Pagod na pagod siya, gusto na niyang magpahinga pero anu? Nasa kulungan siya at hindi niya alam kong kelan siya lalaya.

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon