BB membership

5.7K 108 0
                                    



DYLAN JAMES POV

NANAWAGAN ho ako sa lahat nang santo na sana tulungan niyo pa pong madugtongan ang buhay ko.

Hindi ko pa ho pweding iwan ang tatay ko dahil kailangan niya ho ako ngayon.

Kamamatay lang din nang Mama ko. Alam ko alam niyo na namimiss ko na si Mama pero wala pa ho akong balak sumunod sa kanya.

30minutes nalang at hahatulan na ako nang bitay.

Ni hindi ko matignan itong katabi ko dahil nakakatakot ang aura niya.

Jusmiyo' may ganito palang tao?

Ayan na...

Juice colored..

Kringgg kringgg

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko kahit ang mga katabi ko ay nakaalis nadin. Ngunit ako ay nanatiling nakaupo lamang.

Kinakabahan na ako.

Kong magsulat kaya ako para sa tatay ko nang huling habilin?

Mababaliw na ata ako.

Hindi...

Hindi yan...

Promise' naiihi na ako sa kaba.

"Ang tagal mo, kanina kapa hinihintay ni Master." Biglang sulpot nang maputing babae. Kaya napatalon ako sa gulat. Mas lalo atang domoble ang kaba ko.

"Ahh ehh. NagCR lang ako" palusot ko kahit di mabenta.

Nginisian niya ako.

"Wag kang mag-alala. Wala siyang balak patayin ka' pwera nalang kong papalag ka" tapos nginisian niya na naman ako. Nakakatakot yong ngisi niya.

Bakit? Bakit niyo sinasayang ang mga ganda niyo?

Grabe, mga walang puso ke gagandang babae.

"Pasok" tinulak niya ako papasok sa isang Ford Ranger na pula. Ang ganda naman nang sasakyan nito,

Pagpasok ko mukha agad ni Kria ang nakita ko.

May inabot siya saking folder.

"Read" utos niya. Pansin ko lang no? Palaging isang word lang sinasabi niya.

-BLACK BUTTERFLY MEMBERSHIP FORM-

"P-para san to?" Kinakabahan kong tanong. Imbis na si Kria ang sumagot yong kaninang maputi ang sumagot.

"Yang hawak mo ay isang Membership form. Kailangan mo lang sagutin at pirmahan ang lahat nang nakasaad diyan. Dahil nalaman mo ang totoo naming identity, dalawang option ang ibibigay namin sayo, magiging kasapi ka saamin o tatapusin namin ang buhay mo ngayon din. Kaya wala kang choice kundi maging kaisa saamin. Mag-aundergo ka nang training. Una, magte-training ka sa loob nang BB Village sa loob nang isang buwan, doon ka titira hanggat matapos mo ang training mo. Pangalawa ,may ipapagawa kaming Mission sayo na kailangan mong magawa nang hindi papalpak at dapat napagtagumpayan mo. Pangatlo, isasabak ka namin sa isang one on one gang fight, at kapag nanalo ka. Magiging official member ka nang BB."

Mahabang explaination niya na sa tingin ko ay pinaikli lang nang torture.

Oo torture ang tawag dun. At ganun padin naman ang kakalabasan mamamatay ka. Tingin ba nila? Kaya kong gawin ang lahat nang yan.

"Paano kapag hindi ako nagtagumpay?" Tanong ko.

"Tutuluyan na namin ang buhay mo. Simple" see? Mamamatay ka parin kahit anong mangyari.

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon