~> Chapter 4 " Explanations "

76 3 0
                                    

~♥~♥~♥CoolPinkGirl

~ Chapter 4

( A/N : Yes Chapter 4 na ! Haha :D Nai type ko rin ! )

~¤~¤~¤ 

Isang linggo na, isang linggo na ang nakalilipas simula nung mag usap si Gerard at Shaley. Simula nun lagi na silang sabay pumasok, sabay mag lunch, hinahatid pa nga ni Gerard si Shaley e. Samantalang ako ? Ito mag isang pumapasok, mag isang kumakain, mag isang umuuwi, loner na kung loner pero naiinis na talaga ako sa kanila. Bakit ba lagi silang magkasama ? Tuloy parang nagdududa na yung mga tao sa paligid namin kung kami pa ba ..

Kahapon nga may nag Post sa facebook ko ng Picture ni Gerard At Shaley at may nakalagay pang " Third Party " binasa ko yung mga comments at halos lahat sila naiinis kay Shaley. Nung nag Home naman ako nakita ko yung Post ni Amber na " Moving On </3 "

Ang dami ring nag comment at nagtatanong kung bakit nag break sila ni Hermes. Tumitingin pa ako ng ibang Comments nang may mag Text sa akin

Message :

Chanelle, si Hermes to. Magkita tayo sa park malapit sa school please ?

Nag isip muna ako at nagreply

Reply :

Ok, I'll see you 

" Chanelle buti dumating ka " - Hermes

" Bakit ka pala nakipagkita ? " tanong ko

" May importante kasi akong sasabihin "

" Ano yun ? "

" Siguro naman nabalotaan mo na yung break up namin ni Amber .. "

" Oo .. "

"Alam mo bang ikaw ang dahilan nun .. "

" Ako ? Bakit naman ? "

" Dahil na realized kong hindi si Amber ang mahal ko. Chanelle pinagsisihan kong niloko kita noon, at sana bigyan mo ako ngayon ng Second Chance. Lahat ng sinasabi ko ngayon papatunayan ko, pumayag ka lang "

" I'm sorry may boyfriend na ako "

" Sigurado ka bang mahal ka nya ?? " 

Tama sya .. mahal nga ba ako no Gerard ? Pero ..

" Wala ka nang pakialam dun Hermes "

" Pero Chanelle "

" I'm sorry "

" No ! Wag kang mag sorry. Bibigayan kita ng time mag isip. Please ? "

" Fine, pag iisipan ko "

" Thanks, sa Saturday .. Sa Saturday mo sabihin sakin ang sagot mo .. "

" Ok " 

Hinatid na ako ni Hermes sa Dorm.

Pagpasok ko sa kwarto nandun si Gerard .. nilapag ko yung bag ko

" San ka galing ?? " tanong nya

" Sa park "

" Sinong kasama mo ? "

" Si Hermes " pagkasabi ko nun nag iba bigla ang timpla nang mukha nya

" Bakit ? Anong ginawa nyo dun ? Bakit kayo magkasama ?? " sunod sunod nyang tanong

" Nag usap lang kami. Ok ? "

" Anong pinag usapan nyo ?? " 

Naiinis na ko ah ! 

" Pati ba naman yun itatanong mo ? Pati ba naman personal na buhay ko pakikialaman mo ?? "

" Oo dahil boyfriend mo ako ! "

" Boyfriend ? San banda Gerard ? May Boyfriend na palang iniiwanan ang Girlfriend nyang mag isa, hahayaang pumasok mag isa, kumain mag isa, umuwi mag isa kasi may kasama syang iba ! In short props lang yung Girlfriend nya ! "

" Bakit ikaw ? Hindi ba kayo lumalabas ni Hermes ?! Lumalabas ka kasama yung Ex mong Niloko ka ! "

" Isang beses lang yun Gerard, sa totoo lang hinihintay nga kitang yayain mo akong mag date e, pero ano nga bang ie expect ko ? e Boyfriend lang naman kita sa Contract diba ?? Ni hindi nga ako nagreklamong lagi kayong magkasama ni Shaley ! Kahit minsan nagseselos na ako .. minsan nasasaktan na ako . " hindi ko napigilang pumatak ang luha ko

" I'm sorry Chanelle. I'm sorry .. " pinunasan nya ang luha ko at niyakap ako.

□ Gerard's POV□

Yun lang ang nasabi ko kay Chanelle. Hindi ko kaai alam kung pano ko sasabihin sa kanyang gusto ko sya ., na gusto kong gawing totoo yung relasyon namin ..

Isa lang naman kasi ang dahilan kung bakit ako lumalayo sa kanya eh ..

* Flashback *

" Gerard .. pwede bang ibalik natin yung dati ? Pwede bang maging tayo ulit ? "

" Bakit ? "

" Dahil ikaw parin ang mahal ko kahit nag break tayo noon. May chance pa naman tayo diba ? I still Love you and I know that still love me too. Diba sabi mo pa nga dati ako na yung first at last mo... Gerard alam kong tumatayo ka lang ngayon na Boyfriend ni Chanelle dahil sa Deal nyo nila Hermes "

" Mali ka Shaley. Kumalas na ako sa Deal na yun ng barkada na lolokohin ni Hermes si Chanelle tapos magiging kami at lolokohin ko rin sya. Yung pinapakita ko ngayon totoo na yun .. people do change . Yung pagmamahal ko sayo dati wala pa sa kalahati ng Pagmamahal ko kay Chanelle. I really love her. At balak ko nang sabihin sa kanya yun "

" Ang laki na talaga ng pinagbago mo .. matured ka na nga. Pero sa tingin mo kaya mahal ka rin ni Chanelle ? "

" Hindi ko alam .. pero ok lang kahit hindi nya pa ako kayang mahalin ngayon, kaya ko namang mag hintay "

" Well, mukhang wala na nga akong magagawa dahil mahal mo talaga sya .. pero gusto sana kitang tulungang malaman kung mahal ka rin ba ni Chanelle "

" Pano ? "

" Let's have a deal, we will be dating for one week, ihahatid mo ako, sabay tayong mag l-lunch. But the point is hindi tayo, pagseselosin lang natin si Chanelle .. Kapag nag selos sya, then it's over. Isusuko ko narin ang pagmamahal ko sayo .. "

" Deal " sagot ko

" Good "

* Ends of Flashback *

Nung unti unti kong inalis ang pagkakayakap ko kay Chanelle, nakita kong nakatulog na pala sya habang nakayakap sakin .. kaya binuhat ko na sya at inilipat sa higaan nya. Inayos ko yung buhok nya ..

" I Love You " I wisphered to her.

Hindi ko pa alam kung pano ko sasabihin sa kanya nang naririnig nya at gising sya na Mahal ko sya .. pero ang mahalaga ay na dapat handa ako sa magiging sagot nya.

~¤~¤~¤ 

Please Vote and Comment. Tenkyooww ^__^

My Bestfriend [ Finished ]Where stories live. Discover now