Kabanata 36

2.7K 52 3
                                    

Noong hapon ay dumating ang isa sa mga tauhan nila Abraham dala dala ang isang bag at laptop niya. May dala rin siyang mga pagkain na pinaluto pa raw sa cook nila.

Inaayos ni Abraham ang mga pagkain sa hapag habang ako naman ay kinakalkal ang bag niya. Linagay ko sa kama ang mga damit niya. Grabe at mukhang balak nga niya talagang mag tagal dito. Kompleto sa gamit mula sa sabon hanggang toothbrush at kung ano-ano pa.

"Love, let's eat."

Iniwan ko ang nagkalat niyang gamit at hinarap ang pagkain. Siya na ang nag lagay ng kanin at ulam sa plato ko. Kulang na nga lang ay subuan na niya ako. Nagpipigil ako ng ngiti habang ngumunguya. So ganito pala mag-alaga ang isang Abraham?

Napaka sweet niya at maalagain. Pero hindi ko parin maiwasang isipin na panandalian lang ito. I've made up my mind. Sasakyan ko ang kagustuhan niya. Tutal ilang araw lang din naman ito. Sa Friday ay uuwi ako sa probinsya. Pagbalik ko sa Monday ay balik sa dati.

Na parang hindi kami nagkita at wala lang saakin ang lahat ng nangyari. Although hindi ko pa nasasabi sa kanya ang kagustuhan ko. Atsaka kung sasabihin ko man ay alam kong hindi siya papayag. Gagawa at gagawa siya ng paraan upang magbago ang isip ko.

Pangako ko ito sa sarili at sana ay magampanan ko ng maayos. Masyado akong nasaktan at nawasak sa panloloko niya saakin noon. Kating kati akong magtanong ngunit pinipigilan ko. It's useless dahil hindi naman magbabago ang desisyon ko.

Nangangamba lang ako dahil baka hanapin siya noong girlfriend niya. May tinawag siyang sweetheart sa telepono noon at sigurado akong kasintahan niya iyon. Ang akin lang ay ayokong madawit sa kanila tulad kay Jake at Alexis. Baka mamaya ay pagbuntungan nanaman ako ng galit.
Pero the way na magsalita at titigan ako ni Abraham, may kung ano sa mata niya at hinihila ako na bumalik sa kanya. Kung sana nga ay tangayin na ng hangin ang sakit na nadarama ko, ipapanalangin ko na pati puso ko ay isama narin para hindi ako nakakaramdam ng ganito.

Tinititigan ko lang siya habang busy sa laptop niya. Nag latag siya ng comforter sa sahig at doon siya matutulog. Mabuti at naisip niya kaagad iyon at hindi ipinilit ang gusto na tumabi saakin.

Sa totoo lang ay miss na miss ko na rin si Abraham. Wala paring nagbago sa kanya bukod sa medyo tumangkad siya at ang buhok niyang army cut. Iyong personality niya at pananalita ay ganoon parin. Tulad parin noong nasa Abra pa kami. Mga katangian niyang minsan ko ng minahal sa kanya.

Ngumiti ako ng tumingin siya saakin. Linapag niya ang laptop at tumayo. Inayos ko ang higa ng umupo siya sa kama.

"Masakit balikat mo?" umiling ako.

"Are you sure, love? Did you take your medicine?" muli akong tumango.

Napakabango niya at fresh na fresh. Gusto ko siyang hilain at daganan. Gusto ko siyang lambingin ngunit pinipigilan  ko ang sarili. Ayokong mag expect siya. Ayokong bigyan niya ng malisya ang bagay na ito.

"How about your module? You already done?" umiling ako. Bumuntong hininga siya at kinuha ang kamay ko. Hinaplos niya ang kamao ko.

"You're so silent. Is there a problem, Magdalene?"

"Ba't hindi na love ang tawag mo?"

"It's just that… I thought you're angry or what."

"Ba't naman ako magagalit?"

"Because you're so silent, love." ngumiti ako. Kinikilabutan talaga ako sa tuwing tatawagin niya akong love.

"Hindi ako galit. Naboboring lang ako."

"Did I bore you?" tumawa ako at umiling.

"Uhm… hindi naman. Alam ko namang busy ka. Wala lang makausap." bumuntong hininga siya at inalalayan akong tumayo. Nanlaki ang mata ko ng buhatin niya ako at dalhin sa comforter.

I'd Rather Where stories live. Discover now