Kabanata 22

2.6K 60 0
                                    

Hindi ko mapigilan ang wagas na pagngiti habang nasa kalagitnaan ng klase. Ang sarap lang kasing isipin na sa pag-uwi ko ay meron na si Abraham. Hindi ako mahihirapan sa mga takda ko dahil nandiyan na siya upang tulungan ako. Sa sobrang saya ko nga ay parang tumatalon ang puso ko sa galak!

Ganitong ganito talaga ako kapag may taong nagpapasaya at pinapadama na nandiyan siya lagi sa tabi ko. Natural na saakin ito pero kapag si Abraham na ang nadadawit, lubos lubos at hindi mapagsidlan ang saya ko.

"Sa wakas at natapos na ang report natin! Grabe! Kabado parin ako." anas ni Candy paglabas ng room namin.

"Oo nga eh, wala na tayong aalahanin. Paggawa na lang ng projects ang kailangan." sagot ko.

Naghiwahiwalay na kami nila Candy. Dumiretso sila sa canteen, ako naman ay sa library para magbasa muna ngayong vacant namin.

Umupo ako sa may bandang gilid at naghanap ng librong pwedeng babasahin. Nang makahanap ay bumalik ako sa pinaglagyan ng bag ko.

Binuklat ko ang libro at nagsimulang magbasa ngunit hindi ako maka pokus, na kay Abraham parin ang isipan ko! Napapangiti kong sinara ang libro.

Excited na akong umuwi at makita siya! Magpapatulong ako mamaya sa isa kong assignment. Para na akong mababaliw kakaisip sa kanya at alam ko kung saan patungo ang nararamdaman kong ito. Ganito ako. Ganitong ganito ako kapag gustong gusto ko ang isang lalaki.

Iyong tipong, kulang na lang ay didikit ako sa kanya at mag paposas huwag lang mahiwalay. Binaliw na ako ni Abraham… kapag nag patuloy ang kabaliwang ito ay baka sa mental ang bagsak ko.

Hindi pa man nag papadismiss ang guro ay linigpit ko na ang gamit ko. Nang tumunog ang bell ay ako ang unang lumabas. Halos tumakbo na ako palabas ngunit natigilan din ng makita si Jonas.

"Lena!" tawag niya saakin at linapitan.

Isang iglap ay nakaramdam ako ng inis. Ayoko namang maging rude kay Jonas pero kating kati na talaga akong umuwi. Gusto ko ng makita si Abraham!

"Uy! Ikaw pala." tumawa ako ng hilaw.

"Kamusta kana? Maayos ka na ba? Pasensya ka na at hindi kita naihatid kagabi." malungkot niyang sabi at dinama pa ang noo ko.

Umilag ako at inilisi ang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Kinagat ko ang ibabang labi.

"Ayos na ako, Jonas, sumakit lang ulo ko kagabi. Pasensya narin at hindi ako nakapag paalam ng maayos."

"Ayos lang, naiintindihan ko." ngumiti siya.

Umiwas ako ng tingin ng titigan niya ako. Noon hulog na hulog ako kay Jonas. Siya ang first love ko at hindi ko maitatangging siya rin ang unang lalaking nagpadama saakin kung ano talaga ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal.

Siya rin ang unang lalaking nakasakit saakin ng husto. Alalang alala ko pa noong iniwan niya ako matapos kaming mahuli ni Mama na patagong nagtatagpo. Ngayon, para saakin ay isa na lamang magandang karanasan iyon.

Siguro nga ay teenage love, puppy love lang ang naramdaman ko sa kanya noon. Ngayon kasi, unti unti nang nawawala ang pagmamahal na minsan kong naramdaman sa kanya. Nandoon parin iyong pagmamahal ngunit hindi na katulad dati.

Pagmamahal ng isang kaibigan na lang ang nararamdaman ko sakanya dahil unti  unti na akong linamon ni Abraham.

"Uuwi ka na? Hatid na kita." akmang kukunin niya ang libro ko ngunit mabilis ko iyong iniwas.

"Uhm… huwag na Jonas, kaya ko naman. Maglalakad na lang ako para maexercise narin."

"Huh? Lena, ihahatid kita, atsaka may sasabihin ako kay Aling Mayet." dumagundong ang dibdib ko.

I'd Rather Where stories live. Discover now