CHAPTER 51 - Hangyaku to Himitsu

Beginne am Anfang
                                    

GEIKPARWTCNFXZLYUOQMBSDHVJ

"Damn! This is hardcore!" Nasisiyahang komento ko. Agad kong isinulat sa notebook ko ang mga letrang naka underline. Naka ngiti akong tumungo sa lamesa at sinimulang idecode kung sino ang spy.

Nawala lang ang ngiti ko ng mula sa mga letrang iyon ay lumitaw ang isang pangalang napaka pamilyar sa akin. Bakit sa lahat siya pa? I treated him as my second father. He's also the one who trained me.

Bitbit ang notebook na naglalaman ng pangalan ng spy ay agad ko ng nilisan ang kwartong iyon. I need to get to the bottom of this. I need to investigate more further.

Pag dating ko sa kwarto ko ay naagaw ang atensiyon ko ng isang gold na envelope na nakapatong sa study table ko. Dala ng kuryosidad ay binuksan ko iyon. Isa palang inbitasyon para sa auction na gaganapin sa isang cruise ship? Looks interesting. Mas lalong lumaki ang interes ko ng makita ang mga piyesang ipapa auction nila.

"Ang susi ng Pandora's Box. Hahahaha. Paniguradong marami ang mag nanasang makuha yan. Isang antigong punyal na kayang magbukas sa kahong naglalaman ng mga pinaka madidilim na sikreto ng tatlong pinaka makapangyarihang Famiglia sa buong mundo. Worth every penny lalo na kung alam nila kung nasaan ang Pandora's Box."

Ibinalik ko na sa envelope  yung inbitasyon. Marahas kong inilapat ang likod ko sa kama ko. Masyado ng nagiging mgulo ang lahat. Nararamdaman kong malapit ng magsimula ang madugong laban. Sana lang hindi alam ng traydor na ito ang totoo mong katauhan at ang papel mo sa labanang magaganap, Mayonaka. Sana nga hindi niya pa alam dahil baka gamitin niya ang pinsan ko para lang makuha ka.

Napangisi nalang ako.

"Kaya ka kayang protektahan ng mga kuya mo kung hindi naman ikaw ang prayoridad nila? Di hamak na mas mahalaga ang buhay ng taga pagmana ng dalawang angkan kumpara sa taong kumuha at nag tago ng Pandora's Box."

LANCE's



Naalimpungatan ako at labag sa loob na napabangon sa kama ko. Inabot ng isang kmay ko ng kanina pa tumutunog na telepono.

"Hello." Walang ganang sagot ko.

"Son." Napaayos ako ng upo ng marinig ang boses niya. Bigla ko tuloy naramdaman ang sakit ng katawan ko. Hindi pa nga pala tuluyang magaling ang mga sugat ko. Tsk.

"Dad. Napatawag ka?" Tanong ko sa kanya. Bihira lang kasi siyang tumawag eh.

"I'm in the country son, bakit hindi mo man lang ako dinadalaw?" Tila batang nagtatampo ang tono ng pananalita ni dad. Haay di na nag bago.

"Wala namang nabanggit sila mom sa akin eh." sagot ko sa kanya na para bang nang aasar. Kahit naman hindi ko nakakasama ang pamilya ko ay close pa rin naman kami.

"Really? Hahaha gusto ata akong solohin ng mom eh." Grabe parang teen ager lang. Dinaig pa ako eh.

"Whatever dad." Kontra ko sa kanya. Kung hindi kasi ako mag sasalita ay hindi matitigil ang pag tawa niya eh.

"Anyway son, accompany me to a party. I'll e-mail you the details. You can go back to sleep now son. Haha I'll just see you there." Sabi ni dad sabay agad na pinutol ang tawag. Hindi man lang ako pinagsalita. Makabalik na nga lang sa pag tulog, masyado pang maaga para sa school.

KIYOMIKO's




Nagising ako dahil mahinang ingay na nadidinig ko sa sala. Hahayaan ko n asana pero bigla akong tinalunan ng baby ko.

"Ohayoo Karupi." Bati ko sa baby ko. Sinagot naman niya ako ng isang ngiyaw habang nilalaro ng isang paa niya ang whiskers niya. Waah  kawai Karupi~chii. 

WMAMTG (Unedited)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt