★Last Moment★ 1/2

258 6 0
                                    

Hospital

Hindi na alam ni Jini ang kaniyang gagawin ngayong nasa harapan na niya ang dalawang mahalaga sa buhay niya na habang pinagmamasdan niya ay tila unti-unti gumuguho ang mundo niya.

Si Shone na wala ng buhay at si Calexy na nag-aagaw buhay.

Sabay niyang hinawakan ang kamay ng kaniyang mag-ama habang walang humapay pa rin ang pag-iyak niya.

Samantalang ang mga nasa labas ng ICU ay nag-iiyakan din. Pinuntahan ni Jeric ang kaniyang pinsan kung nakalabas na ba ng E.R. at sakto namang lumabas na ang doktor.

"Dok, k-kumusta ang pinsan ko?" Kinakabahang tanong ni Jeric.

Inalis ng doktor ang kaniyang mask sa bibig at marahan siyang umiling. "I'm sorry, iho.. Pero kritikal na rin ang buhay ng pinsan mo. Kailangan din siyang dalhin ICU."

Natulala si Jeric kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha. "Matapang si Insan, a-alam kong gagaling siya. Silang dalawa ni Calexy."



----



Nahuli na ng mga pulis si Ivan at kaagad na ikinulong sa rehab. Si Miguel naman ay hindi pa rin matagpuan ang katawan pagkatapos samabog ang kotseng ginamit niya para banggain sina Calexy at Lorelei na parehong nasa kritikal na kondisyon.

Nakalipas ang dalawang araw.. Tuluyan ng namatay si Lorelei sanhi ng "Death Brain".

Sila Simon at Lian naman nag-antabay kina Jini at Shashine. Si Alecsa naman ay naiwan para bantayan si Calexy sa hospital. Hinayaan ng malalapit sa kanila at mga media sa labas ng bahay nila na makapagluksa ang buong kamag-anak sa puntod ni Shone.

Ngayon lang din nalaman ng mga empleyado ng Hanston Corporation na ang kanilang Boss ay isang Alien, ganun din nalaman nila kina Lian at Simon.

"Kami ng bahalang humarap sa kanila at maipaliwanag ang lahat-lahat tungkol sa amin." Sabi ni Lian kay Jini natulala pa rin habang nakatitig sa litrato ng asawa.

Tinignan ni Simon si Jett. "Ikaw na munang bahala sa Ate mo."

"Sige, idol." Tumabi naman agad siya sa tabi ng kaniyang Ate Haine. "Shine, maupo ka na muna." Tawag niya kay Shashine habang pinagmamasdan ang kaniyang Daddy sa loob ng kabaong.

"Parang natutulog lang si Daddy. Ang gwapo-gwapo pa rin kahit tulog." Sabi na Shashine at nagawa pa nitong nginitian ang kaniyang Uncle Ian. "Dito muna po ako. Ayokong iwan si Daddy."

Napayuko na lamang si Jett sa awa para sa kaniyang ate at pamangkin.



----



"We came from the Star." Sandaling huminto si Lian at nagsimulang nagbulung-bulungan ang ilang reporters. "Yes, we are Aliens who came here just to protect your world. Maraming taon na nakalipas nang magtungo kami rito. Others don't know that we're already existed. We are not like an Alien na gustong sakupin ang mundo niyo, and we admit na nagustuhan namin dito. Marami na rin kaming napagdaanang pagsubok hindi lang sa aming planeta, pati na rin sa mundo niyo. Pero heto lang ang hindi namin inaasahan, na ang isang kasamahan namin na isa ring magiting namandirigma ay pumanaw na."

Napakagat ni Lian ang kaniyang ibabang labi para pigilan ang kaniyang emosyon, at mahigpit din siyang hinawakan ni Simon sa kamay

"Ngayong alam niyo na ang tinatago naming katauhan. Kung maaari lang na sana ay ituring din niyo kami na parang ordinaryong tao lang din tulad niyo."

Sumunod na nagsalita si Simon. "But for now. Hayaan niyo muna kaming magluksa. Give us some peace.."

Hindi na nagtanong pa ang mga reporter at tila natameme na lang sila pagtalikod ng mag-asawa para makapasok na sa loob ng bahay nila Jini.



Starnet Warriors [Next Generation]Where stories live. Discover now