Bumalikwas si Rhian sabay bangon at mahigpit na niyakap ang ina.

"I want to bring back the life we had, yung masaya, yung buo... ikaw, ako... si Dada, si Ahya at Paul... pero hindi na pwede. Bakit nangyari sa pamilya natin to Ma? Bakit??? *Sniffs* Ahya is a good person, deep inside him, I know sya pa din ang mabait at mapagmahal na kuya... pero bakit sya nagpatalo sa envy at jealousy? Why all of the sudden he turned into a beast?!"

"Anong ibig mong sabihin anak... naguguluhan ako. Enlightened me"

Humagulgol si Rhian.

"Si Ahya... sya ang naging utak sa pagkamatay ni Paul at ni Dada..."

"Ano?!!"

Hindi malaman ni Amanda kung ano ang magiging reaksyon nya sa  narinig. Tila gusto nyang mahimatay na parang nawala lahat ng lakas  na meron sya. Unti unting namuo ang mga luha sa mata nya at maya maya pa ay tuluyan na  din itong napaiyak.

Nagyakapan ang mag ina at napuno ng pananaghoy ang silid na iyon.

Sa isang sulok, nakatayo si Glaiza at dama din ang pinagdadaanan ng mag ina.
At nakakadagdag pa sa bigat  kanyang dibdib ang kalagayan ng pinakamamahal but she really hope and pray na sooner or later this will all come to an end... magiging maayos din ang lahat.

"Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ni Amanda.

"Sa tingin mo Ma..? Kayo na po ang magdesisyon pero sa ngayon ay pinaghahanap na nang mga authorities si Ahya"

Saglit na natahimik si Amanda at napatingin kay Glaiza

"Sa tingin ko, mas mabuting ipaubaya na natin sa batas ang nararapat na  parusa ng Ahya mo..." ani nang ginang na hindi pa din inaalis ang tingin kay Glaiza

"Pero nagmamakaawa ako Glaiza, wag mong pabayaan si Gabriel... alam kong may magagawa ka para tulungan sya. Wag mong hayaang masaktan ang anak ko. Tanggap ko kung makukulong man sya pero wag nang humigit pa dun. Please?"

Napatango si Glaiza. Lumapit ito sa dalawa at umupo sa tabi ni Rhian

"Ipinapangako ko po. Nakausap ko na din naman ang ibang opisyal namin na kung maaari wala nang karahasang mangyari. Lahat naman nang bagay ay nadadaan sa mahinahong usapan. Wag ho kayo mag alala... tutupad ako sa pangako kong ito. Walang mangyayari kay Gabriel bastat makumbinsi lang natin syang sumuko ng mapayapa."

"Sana nga. I hope Ahya will not make it hard for us..." sabat naman ni Rhian.

Masakit para sa kanila ang nangyari sa kanilang pamilya lalo pa ang mga maling nagawa ni Gabriel pero umaasa si Amanda at Rhian na pasasaan ba at magiging maayos din ang lahat ng ito at babalik sa katiwasayan ang buhay nila.

Kinagabihan.

Maagang naghapunan sina Rhian, Glaiza at Amanda para makapagpahinga ang mga ito.

Dahil wala sa Plano nila na dun sila matutulog sa bahay ng mga Tanchingco, walang dalang gamit si Glaiza kaya pinahiram na lamang ito ni Rhian

Naalala nito ang t-shirt na ibinigay ni Glaiza sa kanya nung unang araw silang nagkita.

"Use this." Sabay abot ni Rhian ng damit kay Glaiza at ikinagulat nya ang nakita

"Uy akin to ah..."

"Oo, sayo nga"

"Bat napunta sayo to?"

"Hello?! You lend that to me, remember???"

"I see... oo nga pala. Nung natapunan kita ng kape sa school." Pagrerecall ni Glaiza

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now