Tahimik akong kumain. Wala naman kasi akong masabi kay King. na-conscious ako dahil sa nangyari nung nagjoke ako kanina. Dapat naiinis ako. Ako na ngang naghintay ng matagal, ako pang bumanat ng “Corny” na joke. Nakakaasar talaga! Kasi naman, sa dinami-dami ng pwedeng maging kapartner, siya pa. Kung iba sana, edi nakapag-enjoy pa ako sa araw na ito. Ugh! Ang sarap batukang ng lalaking nasa harap ko--!

Bigla kong nakagat yung labi ko at naibuga ang ILAN sa laman ng puno kong bibig. (dire-diretso akong kumain kapag malalim ang iniisip.) Tumalsik tuloy yung laman ng bibig ko sa mukha ni King. Kitang-kita ang iritasyon sa mukha niya.

“Sorry!” sabi ko, sabay punas sa makinis niyang mukha. Makinis. Ano ba yan? Ano bang iniisip ko?

“Maghinayhinay ka kasi sa pagkain. Ang takaw mo kasi eh!”

“Bakit ba? Tyan mo ba ‘to? Tyan mo ba? Matalsikan ka na agad ng pagkain ang sungit mo na agad!”

“Tara na nga,” tumayo siya at hinila ako patayo.

“S-saan tayo pupunta?” nagulat ako sa biglang pagbabago ng pinag-uusapan. May hang-over pa ko sa mga gusto kong sabihin sa kasungitan niya.

“Sasakay sa tandem bicycle. Para matapos na itong araw na ito. Gusto ko nang umuwi.”

“Ang sungit talaga.” Bulong ko sa sarili ko. Tinignan niya ako ng masama. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Nag-rent kami ng tandem bicycle. At syempre, dahil kuripot itong mayamang mokong na ito, hati kami sa bayad. Sa harap na basket, nilagay niya si Chi. Tapos pumwesto siya sa likod na bike. Ibig sabihin sa akin ung harap.

“Ah, King,”

“Hmm?”

“Hindi ako marunong mag-bike?” I murmured. Nahihiya akong sabihin iyon sa kanya.

“Ha?”

“Hindi ako marunong magbike.” Nilakasan ko ang boses ko pero mahina pa din talaga.

“Ha?!”

“SABI KO, HINDI AKO MARUNONG MAG-BIKE!” napasigaw na ako. Nakakahiya kayang paulit-ulitin iyon! Noong tumingin na ako sa paligid, saka ko lang nakita na pinagtitinginan kami ng mga tao sa park. Namula naman bigla yung mukha ko. At pagtingin ko kay King, nakita ko ang effort niya sa pagpigil tumawa.

“O sige,” kinagat niya yung labi niya. “Doon ako sa harap. Dito ka sa likod. Sundan mo lang ako.”

Inikot namin yung buong park. Ang sarap ng feeling! Ganito pala kapag nakasakay sa bike! Yung hangin, dumadampi sa mukha mo. Feeling ko tuloy nasa isa akong commercial ng Ponds facial wash. Haha. Eme.

Nung maisoli na naming yung bike, nakasimangot sa akin si King habang minamasahe yung braso niya.

“Oh, bakit ganyan mukha mo?”

“Tinatanong mo pa. Eh ikaw kaya mag-bike para sa dalawang tao, tignan ko kung ngingiti ka pa!”

He-he. Nakalimutan ko palang sabihin. Si King lang ang nagbike sa tandem.

“Thank you King!” Para di naman sayang yung effort niya.

Dinedma niya lang yung pasasalamat ko. Nagtuloy-tuloy na siya palabas ng park.

“Teka, King!” hinila ko yung braso niya. “Kailangan pa natin ng picture!” Nilabas ko yung Polaroid na hiniram ko kay Kuya Paolo tapos may isang kuyang nakaupo lang sa bench. Nilapitan ko siya. “Kuya, pwede mo ba kaming kuhanan ng picture? Isa lang, kuya. Salamat.”

Tumabi ako kay King. Ako ang humawak kay Chi. Manong nakangiti na ako at nakasilip na si Kuya sa lens nang ibinaba niya ito.

“Excuse me, pare, ang stiff niyo kasi eh. Pwede ba medyo maglapit kayo tsaka lagyan ninyo ng buhay yung ekspresyon ninyo?”

Lumapit sa akin si King at bumalik naman ako sa dating pose ko.

“Oh sige ah, kukuhanan ko na kayo. 1… 2…”

Bigla akong hinila ni King papalapit sa kanya. Ipinatong niya yung kamay ko sa bewang ko. Bigla akong napatingin sa kanya.”

“3!”

Nagulat ako sa mga pangyayari. Natigil ako sa pwesto ko habang kinukuha ni King yung Polaroid at yung picture na na-develop na.

“O. Iyan na. Ingat na lang sa pag-uwi.” At umalis na si King.

Tinignan ko yung picture at napanganga sa nakita ko. Ang gwapong mukha ni King ay nakatingin sa camera. Suot niya yung trademark niyang smirk. At sa tabi niya—jusko, yung nasa tabi niya—ako. Hawak si Chi, nakatingin kay King, bakas sa mukha ang pagkagulat, nakanganga pa. Kitang kita pa yung manilaw-nilaw na pasa ko sa mukha.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang papalayong pigura ni King. Pero bago siya lumayo ng tuluyan, humarap pa siya sa akin. At saka siya tumawa. Kumaway siya at tumalikod na.

Ngayon talaga hindi ko mapigilang mainis sa kanya. Sobra. As in90% of the time.

• • • • • • • • • • •

to be continued...

LimerenceWhere stories live. Discover now