Tumango siya.

Noong uwian na, ikinwento ko kay Inna lahat ng nangyari noong bumalik ako sa room para kunin yung class number ko.

“Grabe yung babaeng iyon! Ingungudngod ko yung mukha niya sa semento eh!” Aba! Yung best friend ko, naging bayolente bigla.

Natuwa naman ako sa support na ibinibigay sa akin ng kaibigan ko. “Hayaan mo na Inna. She’s not worth it.”

Kinabukasan, Religion time ay binigay na sa amin ni Sir Reyes ang last task sa pag-aalaga sa itlog namin. “Since ‘parents’ kayo ng mga alaga ninyo, kailangan ninyong ipakita sa kanila na mahal niyo sila. Bring them to some place na sa tingin niyo ay magandang dalhin ang mga bata. I’ll give you the rest of the period para pag-usapan kung saan niyo siya dadalhin.”

Ay ganon? May bonding time na. Nako Sir ah, ang korni na ng mga pinapagawa niyo.

Iniharap ko yung upuan ko kay King. Sa totoo lang, naiilang ako sa kanya kanina pang umaga. Kanina pa kasi niya tinititigan yung pasa sa mukha ko. Napatindi pa ang pagtitig niya nang ibinigay ko sa kanya si Chi kasi siya na ang mag-aalaga sa kanya sa araw na ito.

“Saan natin dadalhin si Chi?”

“Kamusta na ‘yang mukha mo?”

Agad naman akong napahawak sa pasa ko. Aray. “A-ayos lang.”

He nodded. “Sa Mall.”

“Ha?” grabe itong lalaking ito. Paiba-iba ang mga pinagsasasabi.

“Sa mall natin dalhin si Chi.”

“Hindi pwede doon. Maingay. Sa tingin mo ba pwede sa bata ang maingay na lugar?”

“Edi sa sementeryo.”

“Nasisiraan ka ba ng ulo?! Bakit ka magdadala ng bata sa sementeryo?”

“Eh ayaw mo sa maingay na lugar. Edi sa tahimik.”

“Ang labo mo naman. Mag-isip ka naman ng lugar na pinupuntahan ng bata.”

“Sa park.”

Nginitian ko siya. May matino ka din naman palang naiisip, King eh. Haha.

Saturday, 9 am, sa National Park ang napag-usapang place at time. Dahil isang family day ang napiling araw ni King, nahirapan akong magpaalam sa mga magulang ko kung saan ako pupunta. Tinanong pa nila kung sino ang kasama ko. Sinabi ko si Inna kasi siya yung kapartner ko sa project namin sa Religion. Grabe, nagagawa ko pang magsinungaling sa mga magulang ko dahil kay King.

Saktong nine ako nakarating doon. Akala ko nga male-late pa ako eh.

LimerenceWhere stories live. Discover now