Kabanata pito - Isang matibay na bato

59 3 0
                                    

Kabanata 7

Kahit napakalakas ng alon sa dagat may isang napakalaking batong hinding hindi natitinag, kahit ilang beses pang hampasin ng mga alon ang isang bato matibay at matibay parin ito.

Isang matibay na bato.

Hoy hoy ayan na pala si panget!

Mukha talagang bisugo ang mukha nito!

Bakit kaya napunta pa yang poor thing nayan dito sa paaralan na ito.

Ilabas na yang basura na yan dito susss.

Ito ang mga naririnig ko bago pumasok sa aking silid aralan. Hindi puri, pero lait. Hindi tamis pero kay pait ng aking nararanasan sa mga taong tinuturing kong kaibigan.

Sana

Sana

Sana ako'y tangapin ng mga tao dito, mahirap lang ako pero mabait naman at mapagmahal ang puso ko.

Sana'y isipin nila na ako'y nasasaktan din may pakiramdam at may damdamin.

Sa bawat hampas,

Sa bawat lait,

Sa bawat pagtanggi sa akin

Masakit. Pero kung hindi nila ako kayang tangapin tuloy parin ang buhay 

Hindi sila kundi ang Diyos

Ang Diyos tangap ako kahit ano pa ako 

Hahantayin ko na lang ang araw na matututo din silang tangapin ako

At alam ko darating ung araw na lahat ng tao makikilala ako

Dahil ito, itong taong ito ang tunay na gwapo.

Sly: Magandang umaga mga kamag-aral magandang umaga din aking guro. Eto po ang aking nagawang storya tungkol sa isang taong kahit matindi ang pinagdadaanan sa buhay eh nakakaraos parin ito ang storya ng isang batang gustong tangapin ng kanyang mga tinuturing na kaibigan.

Weh weh

Mam. Dianne: Tahimik! Respetuhin ang nagsasalita sa harapan.

Sly: Dahil sa kahirapan hindi niya mahanap ang mga kaibigang tunay bakit? Ang isang taong nasa mundo ng mga mayayaman hindi matanggap tanggap.at laging nilalait ng mga taong lunod sa salapi. Nagmamahal ngunit dahil sa walang datung siya'y hindi napapansin at nahihirapan. Ang pag-ibig sa napaka bagong generation ay sobrang nakakalungkot sapagkat marami ng taong hindi nakaka-alam ng tunay na ibig sabihin ng pagmamahal. Ang pagmamahal ay hindi binigay upang husgahan sa panlabas na kaanyuan, eto rin ay hindi binagay upang laruin ang pagmamahal ay binigay upang mahalin ang isa't isa. Bakit ganto na ang nangyare sa mundo porket ba walang laman ang aking bulsa eh hindi naba kayang punuin ng aking pagmamahal ang puso. 

Ilang beses niyang tiniis lahat ng panlalait ng kanyang mga kamag-aral labis din niyang tiniis ang buhay na ng bibigay sa kanya ng hirap pero eto'y hindi naging hadlang para sa kanya siya ay nag-aral at kumayod upang makatapos ng kolehiyo. Isang malaking bato na hindi matinag tinag siya ang bata sa inyong harapan. AT SIYA  AY MAKAKATAPOS AT MATUTUPAD LAHAT NG KANYANG MGA PANGARAP!

[Nagtawanan lahat ng mga estudyante]

Hindi mo naman matutupad yan haha

Oo nga In your dreams! hahahaha

Sly: Wag kayo mag-alala darating din yun no hahaha :)

Wala na kong magagawa kung ito ang turing nila sa akin hindi na lang ako masyado magdadrama at tatangapin ko na lang ito. Mga lait nila magiging biro na lang para sa akin. Sussss matatapos din ito magsasawa din sila. Tuloy lang ang buhay. haha

Mam. Dianne: Okay 95 ang grade mo very good.

Mag-aaral ako ng mabuti at pagdating ng araw papatunayan ko na hindi hadlang ang hirap para hindi matupad ang araw at makikilala ako ng mga maraming tao yan ang tunay na gwapo isang napaka responsableng lalake.na hindi sumusuko. hayyy uuwi na ako after ng klase at magpahinga. Darating nanaman ang sabado at linggo makikita ko nanaman ang inspiration ko.

Ang Diary ng tunay na gwapoWhere stories live. Discover now