Kabanata anim - Pangarap

58 4 0
                                    

Kabanata 6 

Pangarap

Ako'y excited ng umuwi dahil una makakausap ko na si G at matagal tagal narin kaming di nagkikita matapos ang aming pagtatalo. Pangalawa excited na kong umuwi at pasalubungan

si inay at kuya dan rey.

Sa aking pag-uwi hindi ko naramdaman ang presensya ng aking kaibigan mukhang wala siya sa kanilang tahanan.

Agad agad kong umuwi na sa bahay at nakita ko kagad si inay at kuya na nasa lamesa.

INAY! KUYA! May pasalubong ako oh!

Kuya Dan rey: WOW! Nice naman sly di ako makapaniwala at may mineral water kapang dinala para sa atin oh teka ano tong naka dyaryo na to wag mo sabihing....

Nanay grace: Anak san galing yang mga pinamili mo at may baon kapa ba bukas?

Sly: Inay yan po ay galing sa aking bagong trabaho sa water station dun po malapit sa computer shop.

Nanay grace: Ah di pa ako nakakapunta dun ah sino naman nagbigay sa'yo ng trabaho?

Kuya Dan rey: TUYOOOOOOOO!!! GASH PABORITO KONG TUYO! TUYO TUYO TUYO!

Sly: Si kuya albert po inay napakabait nga po niya eh ung unang pagkakakilala ko nga lang hindi ganun kabait -_-

Nanay grace: Hindi naman ba iligal yan anak baka nagtutulak ka lng ng bato ah nako delikado iyon.

Kuya Dan rey: O nga ha nako! Kokotongan kita kahit mukhang malinamnam sa aking bibig yang mga tuyo nayan!

Sly: Hindi po kahit kailan di ko po gagawin iyon para lang po magkapera.

Nanay grace: Tama kasi alam mo anak hindi rason ang kahirapan para gumawa ng kasamaan.

Kuya Dan rey: YUN OH! Ganyan si inay! :P

Sly: Opo :D hehe kahit mahirap pa po tayo hinding hindi ako gagawa ng masama para lang kumita(Ang tunay na gwapo nasa tuwid na daan)

Nanay grace: O Siya dan rey bumili ka na ng mantika at iprito mo na lahat iyan.

Kuya dan rey: Sige po nay kuha na lang ako sa mga naipon ko.

Nanay grace: Oppss this time I'll treat you both bumili kana rin ng coke 1.5 oha!

Sly: Aba si nanay hindi! May mineral diyan oh ok nayan tabi mo na po yan nay :D

Kuya Dan rey: Hay nako bunso wag ng umapela rak rakan na bahala ka ako uubos niyan.

Sly: Bahala karin magkakadiabetis ka pag ganun.

Kuya Dan rey: Bunso minsan lang naman :)

Sly: Osige na nga :)

Nanay grace: Oh mukhang ayaw niyo ata eh oh sige babawiin ko na la........

Sly & K. Dan rey: Opppsss! Wala na pong bawiannn.

K. Dan rey: Ako po'y bibili na sige po.

Nanay grace: Mag ingat ka!

Pagkalabas ni kuya dan rey ng bahay kami ay nagkaroon ng kwentuhan ni inay tungkol sa aming mga pangarap.

Sly: Inay sigurado ka po ba na ok lang bumili baka po wala kana po pera diyan 40 kada araw lang po ang kinikita niyo hirap na po sa pangangalakal eh.

Nanay grace: Anak ok lang wag kang mag-alala ngayon hayaan mo muna akong ilibre kita.

Sly: Sige po basta po sabihin mo lang po sakin kapag nangailangan ka po.

Nanay grace: Osige :D

Sly: Inay matanong ko lang po ano pong mga pangarap mo naisip ko lang kanina habang naglalakad ako na hindi lang po pala puso at nagpapakilos sa tao kundi ang mga pangarap din pala nating gustong matupad.

Nanay grace: Oo anak alam mo ba na ang kagalingan sa ano mang isports ay hindi dahil talentado ka o athleta ka talaga kundi dahil yan sa nag aapoy mong kagustuhan na gawin ang mga bagay bagay na iyon. At simulang mahalin ito.

Gaya ng pagtatrabaho kapag nilagay natin ang puso natin sa trabaho maaari magtatagal at magtatagal ito sa trabaho.

Sly: Ang laki po ng papel talaga ng salitang pangarap sa buhay po no? Inay ano po bang mga pangarap mo?

Nakwento sa akin ni inay na ang mga pangarap niya ay nasira na nung siya pa ay dalaga dati gustong gusto niya na mag karoon siya ng asawang mala prinsipe ang gwapo at responsableng tao na future mo ang iisipin hindi lang dahil gusto ka niyang anakan lang.

Gusto niya na ung lalakeng iyon eh tatratuhin siya na para bang prinsisa at magkaroon ng 2 anak. Ang sabi ko kay inay hindi nasira isang pangarap niya na mag karoon ng 2 anak at sabi niya rin dapat daw gwapo o maganda kung babae. NAKO!! Inay!

Mukhang ang mga kagustuhan mo ay pinagbigyan ng langit kaya ganto ako kagwapo ngayon.[haggard face]

Lahat ng iyon nasira dahil sa isang family problem nung ako'y sangol pa hindi ko rin nakilala ang aking ama ang sabi ni inay ito'y sumakabilang bahay na. Ngayon ang pangarap na lang ni inay eh makapagtapos kami ni kuya dan rey at magkaroon ng magandang trabaho

Si kuya dan rey naman pangarap niyang makapagtapos ng kolehiyo bilang seaman at mapakasalan ang minamahal niyang si ate mona. Pinapakita nga niya na hindi rason ang Long distance eh dahil akalain mo yun taga tarlac pa yun pero love na  love parin niya.

Ako ang pangarap ko lang naman eh mapasaya ko ang pamilya ko at mairaos sila sa kahirap ng buhay at maparamdam sa kanila ang ginhawa at isa pang pangarap ko na siya si athena sana siya ang makatuluyan ko at makasama ko pang habang buhay.

Speaking of that syiempre kailangan ko muna mag-aral ng mabuti  ahay pag dating ng lunes aral aral din may project panaman kami na gumawa ng story. Susulat ko na lang mga gusto ko sa buhay at tsaka mga na experience ko mas maganda mag kwento pag true to life eh.

Pamamagatan ko itong "Isang matibay na bato!" Ahay excited na me na mapakingan ng aking mga dear classmates ang storya ng isang tunay na gwapo.

Ang Diary ng tunay na gwapoWhere stories live. Discover now