Chapter 21

172 8 2
                                    

Nang sumunod na linggo ay sumabay sa amin si Mommy dahil may kukunin daw siyang package mula sa Pilipinas.

"Galing ba kina tita Gretchen 'yun, Mommy?"

"Oo, para daw kay They. Alam mo naman yung tita mo, palibhasa walang apo kaya nakiki-apo."

Pinanood ko ang reaksyon ni Kieron pero gaya ng dati ay nakangiti lang siya na parang kinikilig.  Kung iisipin ay parang mas mahal pa niya si Theon kaysa sa mahal niya ako.

"Nga pala, hija, ayaw mo bang magbakasyon tayo ngayong summer sa Cebu? Para makapasyal naman si Theon sa Pilipinas..."

And now I know it's Kieron's turn to look at me. Good thing that I am good in controlling my emotions.

"Madami kasi kaming projects ni Kieron sa firm ngayon Ma, kaya baka malabong makauwi muna kami. Kung gusto niyo po magbakasyon muna kayo kina Tita Gretch-"

"Pero susubukan naming tapusin lahat ng projects Tita, matagal na din akong hindi nakakauwi ng Pilipinas eh, at hindi pa po ako nakakapunta ng Cebu." Nakangiting sagot ni Kieron.

Hindi na ako sumagot nang tuluyan na silang nagdiskusyon tungkol sa pag-uwi sa Pilipinas. Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa opisina.

Nang makapag-park na si Kieron ay nagmadali akong lumabas ng sasakyan kahit na tinatawag niya ako.

Halos takbuhin ko ang elevator sa pagmamadali kahit na alam kong maaabutan ako niya ako.

"A! A-aw!" agad naman akong nagsisi nang makitang naipit ang kamay niya sa elevator.
Agad kong binuksan iyon at kinuha ang kamay niya para tignan kung may sugat ba iyon.
"Ano ba naman kasi bakit ka pa humabol--"

Binitawan ko agad ang kamay niya nang ma-realize ko na galit nga pala ako. Hindi ko siya tinapunan ng ni isang sulyap dahil alam kong nakangisi na siya ngayon dahil nag-alala ako.

"A..."

Hindi ko siya pinansin at agad akong nagtungo sa opisina ko. Nilapag ko ang bag ko sa mesa at umupo sa swivel chair.

Napahinga ako ng malalim ngunit agad ding kumunot ang noo ko nang ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa bumubukas ang pintuan ng opisina ko.

Himalang hindi ako sinundan ng loko-lokong iyon ah!

I was heading for the door when he entered with his very attractive smile.

Halos madapa ako sa pagkakataranta sa pagbalik sa mesa ko. And I can hear him laughing!

"Bumili lang ako ng peace offering. Susundan naman talaga kita. No need to show how you're heels over head for me.."

Hindi ko siya nilingon at pinanatili ang swivel chair ko na nakaharap sa bintana. Nagpipigil lang din ako ng tawa dahil alam kong nahuli na naman niya ako.

Nang hindi ako kumilos ay bumuntong hininga siya. "Hay. Sayang naman 'tong coffee and cake na binili ko. Paborito mo pa naman 'to. Caramel Machiato decaf with soya milk, and blueberry cheesecake. Ibibigay ko na nga lang kina--"

"Iwan mo na lang diyan." Malamig kong sagot sa kanya. Nang marinig ko ang yapak niya at pagsara ng pinto ay hinarap ko ang upuan ko sa mesa. Only to find him at the door smiling at me.

"Two servings. Mind if I eat with you?" Bago pa ako makasagot ay nasa harap ko na siya at sinisiil ako ng halik. Ni hindi ko namalayan na naitayo na niya ako.

Marahan iyon at puno ng pagmamahal. His hand is supporting my back as he sensually kissed me. "Sorry na, A... I won't force you to go back when you're not yet ready, you know."

Stranger's BedΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα