Chapter 10

235 7 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?"

Hinawakan niya ang kamay ko pero mabilis kong binawi iyon. "Babe please mag-usap na tayo. Hindi ko na kaya 'to."

Umismid ako at humalukipkip. "Ano ba sa break na tayo ang hindi mo maintindihan? Tapos na, Jared, wala na. I'm sorry pero wala na talaga akong maramdaman para sa'yo."

Babalik na sana ako sa loob nang hawakan niyang muli ang kamay ko.

"Ava, please naman. Isang buwan akong nabaliw kaka-antay sayo. Pumunta ako ng Palawan pero anong naabutan ko? Yung boss mo na ayaw mo daw makipag-usap sakin? Sino ba yon, ha? Kayo na ba? Kaya ba ayaw mo akong harapin ha?" Pansin ko ang pagod sa mga mata ni Jared. Hindi din ako makapaniwala sa sinabi niya. Pumunta siya ng Palawan? At pinaalis siya ni Arvin?

Bago pa ako makasagot ay may bumawi na ng kamay ko kay Jared. Matalim ang tingin niya sa lalaking nasa harap ko. "Arvin." Iyon lang ang nakayanan kong sabihin.

"Umalis ka na pare, ayokong magkagulo at matakot ang mga bata." May autoridad na sambit ni Arvin.

Tinignan ko din si Jared at nakiusap. "Jared, please. Umuwi ka na. Babalik na ako sa mga bata."

"Uuwi na ako sa ngayon. Pero hindi tayo dito natatapos, Ava. Alam mong akin ka lang. Hindi ako titigil hanggang hindi ka bumabalik sakin."

Sasagot pa sana si Arvin pero pinigilan ko siya. Pinanuod namin pareho ang pag-alis ng sasakyan ni Jared.

"Bakit nandito ka?" Taas kilay kong tanong sakanya.

Inilagay niya ang kamay sa bulsa at sinimangutan ako. "Tsss. Bakit yung ex mo pwede, pag ako hindi?"

Pinigilan kong ngumiti sa sagot niya. "Hindi ko din naman ginustong--"

Natigilan kaming pareho nang nakarinig ako ng batang umiiyak.

Hindi na ako nagpaalam pa kay Arvin at agad nang lumapit sa umiiyak na si George, ang isa sa mga batang pinaka-tinututukan ko. Halos pareho kami ng pinagdaanan. Hindi niya nakilala ang tatay niya dahil hindi pa siya ipinapanganak ay iniwan na sila. Ang nanay niya naman ay namatay habang nililigtas siya sa sunog noong 6 years old siya.

Agad kong dinaluhan ang bata at pinatahan. Sinulyapan ko naman si Arvin na ngayon ay nakikipag-usap na sa mga volunteers ng orphanage. More like nakikipaglandian. Umirap ako sa kanya na siya namang ikinatawa niya. Bwisit!

Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at nagpatuloy sa pag-alalay sa mga bata sa pagpinta. Hindi na din ako umalis sa tabi ni George dahil hindi pa din siya tumitigil sa pag-iyak. It must have been really terrifying to experience those things at such young age. Sa pagkaka-alam ko pa ay wala na ang ibang kamag-anak niya.

"Huwag ka nang umiyak George. Babalik dito si Ate Ava mo. Sasamahan ko pa siya. Magdadala ako ng madaming chocolates." Lumiwanag ang mukha ng bata at niyakap si Arvin. Pinunasan niya ang luha ng bata at ibinigay pa ang isang bulalak sa bouquet na dala niya.

Matapos kong magpaalam ay umalis na kami ni Arvin. Sumabay na din ako tutal ay mapilit siya.

Sus Ava, mga dahilan mo!

Napairap na lang ako sa sarili ko. Tumatawang nilingon ako ni Arvin. "Kanina ka pa umiirap diyan, Elizabeth. May problema ba?"

"Makikipaglandian ka lang pala, sa orphanage ka pa nagpunta."

Ngumisi siya sa akin. "I'm not flirting with them. Tinatanong ko lang kung anong mga ginagawa mo sa orphanage."

"And are you surprised?"

Stranger's BedWhere stories live. Discover now