Chapter 3

338 11 1
                                    

Balak ko sanang manahimik buong byahe nang magsalita si Arvin.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung paano ka nakarating sa condo ko noong isang gabi?"

Hindi ko siya kinibo kahit na gustong-gusto kong malaman kung ano nga ba ang mga ginawa at sinabi ko nung gabing iyon.

"O...kung anong mga ginawa mo sa akin?"

Nanlalaki ang mga mata ko nang lingunin ko siya. The nerve of this man! "Anong ginawa? I did nothing and you know-"

"You begged me to make love to you that night. You don't remember?"

Umurong ang dila ko at hindi ko mahanap ang mga sasabihin ko. Did I really say that?

"You even tried to remove your clothes but I stopped you."

"Don't make stories-"

"I am not making stories, Elizabeth. It won't do me any benefit. I just hope that you won't just give yourself to someone who doesn't deserve you."

Uminit ang mga mata ko pero pinigilan kong umiyak. Alam kong mababa na ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko sa paulit-ulit kong pagtanggap kay Jared.

Pero ibang kaba at sakit ang gumagapang sa kalamnan ko ngayon na ibang tao ang naka-saksi ng katangahan at pagka-martyr ko sa lalaking pinaglalaruan lang ako.

Lunod ako sa pag-iisip sa gabing iyon. Alam kong may desisyon na ako. Ang kailangan ko nalang ay panindigan iyon. Kahit nang idinaan nila Josh ang gamit ko ay hindi pa din nagbago ang mood ko.

Matapos ng ilang oras pang pag-iisip ay binuksan ko ang cellphone ko para sumagot sa mga text ni Jared.

Ang huling mensahe niya ay kanina lamang alas nuwebe na nakikiusap na mag-usap kami. It's been a week since I found out that he cheated again. It's also been a week since I stopped talking to him.

To: Jared.
Yes, we will talk. I'll see you tomorrow after work.

Kinabukasan ay inulan ako ng tanong ni Ivy at Josh kung ano ba ang nangyari sakin.

"Wag kang magsisinungaling sakin Ava Elizabeth kilala kita!"

"Oo nga girl, may nakakita sayo kagabi may kasama kang Papa at hindi si Jared iyon!"

"Si Arvin."

Tamad kong sagot sakanila bago harapin ang cellphone ko na may text ni Jared at gustong makipagkita.

Napakaraming tanong ng dalawa na hindi ko na nasundan. Nagtipa ako ng reply kay Jared bago sila balingan.

To: Jared
I'll be there at 8pm.

"Hoy Ava!!! Tinetext mo na naman yang manlolokong-"

Nanlaki ang mata ko sa pagsigaw ni Josh. Mabuti nalang at tinakpan agad ni Ivy ang bibig nito. At mabuti na lang din na wala pa ang aming boss.

Pagod akong tinignan ni Ivy. "Magkikita na naman ba kayo ni Jared, Ave?"

Bumuntong hininga ako bago bumaling sa kanila. "Oo. Gusto ko nang tapusin lahat ng 'to, Ivy. Pagod na pagod na ako."

"Sasamahan-"

"At huwag ka nang mag-alala Josh. Gising na ako at buo na ang desisyon ko."

Mukhang nalimutan na din nila ang tungkol kay Arvin kaya tinigilan na ako ng dalawa.

Kinagabihan ay dumiretso ako sa restaurant na sinabi ni Jared.

Agad ko siyang nakita sa isang sofa sa sulok. Magulo ang buhok at mukhang stressed sa trabaho.

Siniguro kong maayos ang suot at itsura ko bago siya lapitan.

"Ava..." pagod niyang sambit sa pagtingala sa akin.

"Jared, ayoko na."

Nagmamakaawa niyang hinawakan ang kamay ko. "Huwag namang ganito, Ava. Please bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon. Huwag mo namang basta-basta itapon yung apat na taon."

Gulat akong suminghap sa sinabi niya. "Pagkakataon? Itapon? Pagod na ako, Jared! Sana naisip mo yang mga bagay na 'yan bago mo dalhin sa condo mo 'yung babae mo!"

"It was a mistake. I was drunk. And I know you can't give me what I need. Lalaki lang ako, Ave. I have my needs..."

Halos maikuyom ko ang dalawang kamay ko sa galit pero pinigilan ko ang sarili ko. Naghintay ako sa mga luhang maaaring tumulo ngunit walang dumating. Siguro nga ay wala na akong nararamdaman kundi galit.

"Too many chances, Jared. Noong pangalawang beses mo akong niloko, I knew I should have ended it there. Nadaig lang ako ng pagmamahal ko sayo, all this time. But right now, there's nothing left to give. There's nothing left para pagtakpan lahat ng panloloko mo sa akin."

Lumuluhang lumuhod sa akin si Jared. I pity him. Pero hindi na kayang punan ng awa ang sira ng relasyon namin. "Just one chance, Ave. I'm a mess without you. Alam mo yan. It's always been you and me. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."

I can feel everyone's eyes on us but it didn't bother me at all. Marahan kong tinignan si Jared sa mata. "It's the fifteenth time you cheated in our four years of being together, Jared. You should've realized that the first time you cheated."

Sumulyap ako sa mga taong nakatingin bago tahakin ang daan palabas. Nang makalabas ako ay saka lang ako nagpakalawa ng malalalim na hingang kanina ko pa pinipigilan.

"So you finally realized that he wasn't worth it."

Gulat kong inikot ang paningin ko sa kung sino mang nagsalita.

"None of your business. Are you following me?" Taas kilay kong baling sa kanya.

Ngumisi siya at nagsindi ng sigarilyo bago lumapit sa akin. "Don't flatter yourself too much, I was having dinner inside when you suddenly interrupted everyone with your scene."

Sinimangutan ko siya at lumayo ng bahagya. "I don't like smoke. And I'm sorry for ruining your dinner. I have to go, Mr. del Mundo."

Stranger's BedWhere stories live. Discover now