BT 22 : The New Boss

12.5K 391 9
                                    



-NICA'S POV-

" You're ready to die?" Nakangising tanong ko sa mga kaharap namin ngayon. Hindi ko man nakikita ay alam kong nakangisi din ang mga kasama ko. Ikaw ba namang gangster na matagal ng hindi lumalaban hindi ka kaya sumaya sa pagkakataong makapag-exercise ng ganito? Haha

Napansin kong ang ilan sa kanila ay napaatras dahil sa kakaibang enerhiyang inilalabas namin. Magsusuper- sayan na kami HAHAHAHAHA ! Mga duwag naman pala ang mga ito eh. Ni hindi pa nga ako seryoso eh takot na sila. Tsk !

" tsk ! Huwag kayong matakot sa mga iyan. Sige sugod !" Sigaw ng leader nilang si Erson at sumugod naman agad ang mga tauhan niya. Dalawa agad ang sumugod sa akin at kapwa may mga tubong dala.
Nakatayo lang ako at hinintay silang makalapit sa akin. Nang makalapit ay agad nilang iwinasiwas ang tubong dala nila kaya todo iwas naman ako.

Atras sa kaliwa...

Atras sa kanan



Kaliwa ulit




Kendeng sa kanan !

CHACHA !



Biro lang. Agad akong nagback-flip ng tinangkang ipalo nung isang lalaki ang tubo sa mga paa ko. Agad naman ko namang inihanda ang sarili pagkalanding ko. Napatayo ako ng tuwid ng makitang nakahawak sa mga tuhod nila ang dalawang lalaki at hingal na hingal.

" pagod na kayo kaagad? Ano ba naman,naglalaro pa lang ako eh!" Reklamo ko,kita ko namang itinaas nila ang kamay nila at sinabing..

" wait lang."

Aba ! Humirit pa ? Oh siya sige makaupo na nga muna.
Uupo na sana ako ng bigla silang sumugod ng sabay.
Agad akong tumayo at umikot sabay sipa ng mga tubo nila kaya tumilapon ang mga ito.
Napatingin naman silang dalawa sa akin at nanlalaki mata kaya ngumisi ako. Napaatras sila ng dahan-dahan habang paabante ako ng paabante papunta sa kanila.

" alam niyo bang ayoko sa grupo niyo? Lalo na sa Leader ng Mafia niyo." Gigil na sabi ko sa kanilang dalawa.

" h-hindi namin tinatanong !" Utal na sigaw niya.

Aba bastos to ah ! Nagmomoment ang tao eh,basag trip !

" w-wAla naman kaming pakialam sayo !" Sabat pa nung isa

Ginagalit niyo talaga ako !
Dahil sa inis ay tumingin ako sa kanila na walang emosyong makikita sa mga mata ko.

" ganun ba? Wala rin naman akong pakialam sa inyo kaya tapusin na natin to." Nakangising sabi ko at agad na tinakbo ang distansya namin. Agad kong sinipa ang isa sa tagilirian niya at sabay suntok naman sa kasama niya kaya kapwa sila natumba. Hindi pa ako nakuntento dahil sinabunutan ko pa yung isa at isinandal sa pader. Sinuntok ko siya ng sinuntok hanggang sa dumugo ang ilong nito kaya para sa huling atake ko para sa kanya ay nag-ala symbals ang mga kamay ko at marahas na ipinalo sa ulo niya.
Pagkatapos ay humarap naman ako dun sa natitira na mukang tupang nagmamakaawa para hindi kainin ng isang lobo.

" maawa ka, inutusan lang naman kami eh." Sabi niya at lumuhod pa sa harap ko

" tsk ! Matapos mo kong okrayin kanina. Hetong sayo !" Ako at agad siyang tinuhod sa may mukha kaya nawalan siya ng malay.

" pasalamat ka may natitirang bait pa ako." Sabi ko at tumalikod na para sana puntahan sila Glenn dahil sigurado akong tapos na rin ang mga yun.
Ngunit hindi ko inaasahan na sa pagtalikod ko ay sasalubong sa mukha ko ang isang tubo.

Napaatras ako dahil sa impact ng pagpalo sa akin nung leader nilang si Erson at dahil na rin konting hilong nararamdaman ko. Ikaw kaya hampasin ng tubo sa mukha tignan natin kung di ka mahilo. Tsk !
Agad kong pinahid ang dugong dumalos sa ilong ko at tumingin sa bwesit na pumalo sa akin.

Bad-ass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon