BT12 : NICA KO!?

17.7K 649 17
                                    





Hi guys ! Matagal ding hindi nakapag-update. Tinapos ko pa kasi ang Field Study ko eh.

Asahan ang mga errors sa chapter na ito :)

Anyway please enjoy reading and don't forget to vote ! Jjang !

GLENN'S POV

" kasalanan mo to eh !" Atungal ni Ivan kay Dex

" bakit sinabi ko bang sumama ka? Hindi naman di'ba?" Sagot naman pabalik ni Dex at akmang magsusuntokan na nang maalala nilang nakatali pala ang mga kamay nila kaya nagbawian na lang sila ng sipa.

" aray ano ba !? Hindi ba kayo titigil ?" Lexter nang masipa siya ng dalawa

Magkakatabi lang naman kaming anim dito sa loob ng isang mini truck at kapwa nakagapos.
Pambihira ! Si sensei isinakay sa van pero kami sa truck? Nasaan ang hustiya ? Tsk ! Ang-init pa naman dito sa loob nito

" ano nang gagawin natin ngayon?" George

" ano kayang kailangan nila kay sensei??" Ako, hindi ko lubos maisip na may kaaway si Sensei.

" hindi kaya criminal si Sensei?" Dex

*boink*

" tanga ka ba o sadyang tanga ka lang Dex? Kita mong mga ninja yung nakaharap at kumuha sa kanya eh." Ivan at sinipa niya ulit si Dex na ngayon ay matalim na nakatingin sa kanya. Nakatanggap na kasi ng dalawang sipa.

" ano ng gagawin natin ngayon?" George

Tinignan ko naman si Misaki na ngayon ay tahimik pa rin na nakatitig sa isang parte ng truck at mukhang may malalim na iniisip.

" may problema ba Misaki?" Tanong ko sa kanya at gulat na napatingin bigla sa akin. Nang mapagtanto niyang ako ang nagtanong sa kanya ay bumalik siya sa dating pwesto.

" sa tingin ko ay alam ko na kung sino ang dumakip kay Sensei at pati na rin sa'tin." Sabi niya na nakakuha ng atensyon naming lahat.

" sino?" Seryosong tanong ko

" hindi niyo ba nakilala ang boses nung tatlong ninja?" Misaki

Dahil sa sinabi niya ay napaisip ako. Yung tatlong ninjang sumipa sa amin? Sa tingin ko ay dalawang babae at isang lalaki yun. Halata naman sa boses nung dalawa eh.

Hmmm

O____O

Shit ! Hindi kaya?

Napatingin ako kay Misaki na may gulat na expression. Tumango naman siya bilang kompirmasyon na animo'y alam niya ang nasa isip ko.
Ganun din ang apat pa na mukhang alam na rin nila kung sino ba ang tatlong ninja na yun.

" ano ng gagawin natin ngayon?" George

" kung tama nga ang hinala na'tin na sila nga ang tatlong yun, ano naman ang kailangan nila kay sensei?" Lexter

Oo nga naman. Mabait naman si sensei, may pagkabrutal lang minsan.

" But come to think of it, magaling makipaglaban si sensei at marami armas ang kaya niyang gamitin. Hindi kaya isa siyang ninja noon at tumiwalag siya sa grupo nila? At ngayon ay kailangan siyang parusahan?" Ako

Nagsitinginan naman sila sa akin dahil dun. Napailing naman si Misaki.

Now what??

" grabe imagination mo dude." Ivan

Tsk ! Malay niyo naman tama ako

" ano ng gagawin natin ngayon?" George

" kung sila nga ang tatlong yun, maaaring may kinalaman ito sa Mafia." Misaki

Bad-ass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon