Tama si Calexy. Sariling kapatid ko pa ang nagpapahamak sa akin. Hindi ko alam kung paano to nagagawa ni Miguel sa akin. Ayoko magkaroon ng kapatid na tulad niya, at kung may gusto man akong maging kapatid...si Kuya Tan 'yon. At laking pasasalamat ko dahil magpinsan kami.



Hindi ko maiwasang maiyak. Gusto ko silang pigilan pero wala akong magawa. Patuloy lang silang nagsusuntukan. Halos masigaw ko ang pangalan ni Calexy dahil napatumba siya ni Miguel at pinagsusuntok siya sa mukha. Hindi nagpatalo si Calexy at ginantihan niya ng isang malakas na suntok si Miguel na tila may hangin na tumilapon sa kaniya.



Nagawa kong makatayo at agad akong lumapit kay Calexy na halos mataranta na ako sa lagay niya. "Calexy, umalis na tayo dito."



Bago siya magsalita ay hinaplos ang pisngi ko. "Just go.. Susunod ako."



Umiling ako. "Hindi! Ayoko!"



"Lorelei.."



Hindi ko na napigilan ang sarili ko na humagulgol sa harapan niya, na ngayon ko na lang ulit nagawa sa buong buhay ko. "Aalis na tayo dito! Halika na!" Buong lakas ko siyang inangat. Napasinghap na lang ako nang may bumaril sa likod niya. "Calexy!!"



Nilingon ko si Miguel na may hawak siyang baril! Pero imbis na harangin ko ang sarili ko ay siya pa itong humarang para protektahan ako.



"Just go, Lorelei! Hindi pa kami tapos!" Sabi niya at napakatalim ng tingin niya kay Miguel.



Napansin ko ang kamay ni Calexy na nagkaroon ng kakaibang espada doon. Pagkatapos ay may ilang lalaking pumasok dito at pinalibutan kami. Napansin ko rin ang pagtakas ni Miguel.



Hindi ako umalis sa tabi niya kahit na sunud-sunod ang pag-atake sa amin ng mga lalaking ito na may kaniya kaniya ring espada. Kailangan kong alalayan si Calexy dahil napansin ko na nanghihina na siya.



Napagbagsak ni Calexy ang dalawa kaya kinuha ko sa kalaban ang isang espada at tinulungan ko siya na talunin ang mga ito. Napasinghap ako nang mahiwa ng kalaban ang tagiliran ni Calexy kaya inikot ko siya para saksakin ang lalaking iyon.



Nang matapos naming pabagsakin ang mga kalaban ay inalalayan ko na si Calexy. Kailangan na naming makalabas dito. Pero sandali siyang natigilan.



"B-Bakit?"



"Parang narinig ko ang boses ni Mommy."



3RD PERSON'S POV

Natanaw ni Shone ang kaniyang mag-ina nang matapos ang labanan. Lalapitan na sana niya ito nang may sunod-sunod na baril ang tumama sa kaniyang likod. Lahat nagulat sa pangyayari.



"Shoooone!"



"Daddyyyy!"



Agad hinanap ni Simon ang bumaril kay Shone, at naging familiar ang mukha na iyon sa kaniya.



"Habulin niyo ang suspek! Daliaan niyo!" Sigaw ni Officer Montel.



Tumakbo na sina Jini at Shashine papunta kay Shone. Mabilis na niyakap ni Jini ang asawa bago pa ito bumigay.



"Honey, naririnig mo ba ako?! Wag mo kaming iwan, please. Ayokong mawala ka!" Humagulgol na sabi ni Jini, ganun din si Shashine.



"D-Daddy, don't give up! Daddy!"



Gustong magpakawala ng boses si Shone at masabing mahal na mahal niya ang kaniyang asawa't mga anak. Ngunit pakiramdam niya ay hanggang dito na lang ang buhay niya, at may lumabas na dugo mula sa kaniyang bibig.



Napatakip ng bibig si Lian at humagulgol na rin. "Gray! Don't leave us, please!"



Mahigpit na niyakap ni Jini ang asawa at ilang beses pinaghahalik ang noo nito.



"H-Hindi ka pwedeng mawala! Honey, mahal na mahal kita."



Lahat ay nalungkot sa hindi inaasahang pangyayari kay Shone. Lalo na, hindi pa bumabalik si Calexy.



----



Akbay pa rin ni Lorelei ang nanghihinang si Calexy hanggang sa makalabas na sila pangalawang lagusan ng gusali.



"Mali ang nadaanan natin.. Calexy, kaya po pa ba? Hahanap ako ng tulong.."



"N-No.. Don't leave.."



"S-Sige.."



Napag-isipan ni Lorelei na tumawid na ng kalsada nang masinagan sila ilaw na nanggagaling sa isang kotse na mabilis papunta sa kanila. Kaya nanlaki ang mga mata ni Lorelei, napasinghap siya ng mabangga silang dalawa ni Calexy.



"L-Lorelei..." Nanghihinang sabi ni Calexy habang nanginginig niyang inaabot ang kamay ng walang malay na si Lorelei.



Nagsimulang tumulo ang luha niya nang maabot na niya ang kamay ni Lorelei at tuluyan na rin siyang nawalan ng malay.



Masamang hinabol ni Alecsa ng tingin ang sasakyan na bumangga kina Calexy. Nanginginig at naluluha siya habang tinatapat niya ang kaniyang pana sa kotseng iyon. Mabilis niyang tinira ng pana ang kotse hanggang sa samabog ito bigla.



Samantala. Si Jeric naman ay nanginginig na nilapitan sina Calexy at Lorelei, hanggang sa humagulgol na silang dalawa ni Alecsa dahil sa takot na mawala ang dalawa.

* * *



Sorry po sa ginawa ko kay Daddy Shone.. :'(

Starnet Warriors [Next Generation]Where stories live. Discover now