Chapter 12: Class Activity

Start from the beginning
                                    

 

Pagkasabi ko nun, nagmadali na akong umakyat ng kwarto. Grabe talaga tong Mr. Antipatiks na’to. Pati ba naman madaling araw, binibwisit ako..

Hayss.. makatulog na nga lang..



*********


Naglalakad na ako ngayon sa corridor papuntang classroom. 6:30am  ako umalis ng bahay kanina kahit 8:00 pa ang klase ko. Ang aga ko diba?

Sinadya ko kasi talagang maaga pumasok para hindi ko maabutan gumising yung Mr. Antipatiks na yun. Baka kasi maisipan pa ni daddy na ipasabay sa akin yun sa pagpasok kung nagkataon. Eh ayoko nga. Tapos sinadya ko rin na tulog pa si daddy para di nya ako mapigilang umalis.

Nakarating na ako sa tapat ng classroom namin kaso nagstay muna ako ng ilang saglit sa labas dahil sarado pa pala yung room namin.

Maya-maya ay nakita ko si Ashley na palakad na sa may corridor. Mukhang papunta na rin siya sa room niya. (Magkatabi lang kasi halos ang room namin ni Ash) Hmmm... ma-bati nga...

“Hi BFF!”

 

“Hi din BFF! Ang aga mo ngayon ah!”

 

“Oo nga eh. Napaaga kasi ako ng gising. Sarado pa nga ang room namin eh” Sabi ko kay Ash.

Hindi ko muna pwedeng sabihin kay Ash yung tungkol kay Mr. Antipatiks. Baka kasi kung ano yung isipin nya. Kaya ayun, kailangan ko munang magpalusot. Pero konti lang. Hehehe..

Tumingin si Ashley sa room namin at sinubukang buksan yung pinto.

“Oo nga noh. Lock pa yung room nyo. Hmm.. Kung gusto mo, dun ka muna sa loob ng room namin? Wala pa naman masyadong tao dun saka for sure, wala pa yung prof namin. Dun ka nalang muna maghintay keysa naman naka-display ang kagandahan mo dito sa corridor” Natawang sabi ni Ashley

“Ah,ganun ba? Oh,sige. Dun nalang muna ako. Nang ma-experience ko yung atmosphere ng room nyo”

 

Pumasok na si Ashley sa room nila kaya sumunod na rin ako sa kanya. Pagkapasok ko palang, napansin  kong napatingin yung ibang classmate ni Ash. Siguro nagtataka sila kung bakit may naligaw na alien sa room nila, kaya ayun, nginitian ko nalang sila.

Anyways highways, pumunta ako sa lugar kung saan yung upuan ni Ashley. Inupuan ko muna yung armchair na nasa tabi nya since wala pa naman yung may-ari nung upuan.

Pagkatapos kong makita yung room, binulungan ko si Ashley..

“Uy, BFF, Malaki rin pala yung room nyo. At..... oh! Kita rin yung soccer field mula rito.”

 

 “Oo,BFF. Malaki din. For sure, ganyan din kalaki ang room nyo sa kabila kasi parehas lang naman ang room nyo at room namin. Hahaha. “

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now