CHAPTER 40

19.7K 592 53
                                    

CHAPTER 40

Nagpunta ako ng org room dahil may mga nag o-audition para makapasok sa org namin. Hindi ko rin alam kung bakit ko pinasok ang theatre. Hindi rin naman ako gaano nakakasali sa pag-act nila sa stage. Noong first year lang. Ngayon ay madalas na lang akong tumulong sa pagprepare.

Umupo ako sa harapan kung saan nakaupo sina vice pres. Wala pa ang president namin ngayon pero nandito na ang karamihan ng mag o-audition.

"Bakit hindi ka na sumama kahapon?" Tanong ni Jon, ang vice president. "Sabi mo may gagawin ka lang. Bakit hindi ka nagtext?"

"Ah, wala kasi ako nung number niyo." Sagot ko rito saka tinignan ang application papers. Ang dami nilang mag o-audition. Karamihan lang naman sa kanila ay matetengga at tatambay lang sa org. Baka nga hindi rin sila tumulong kagaya ng previous members namin tapos magquit kaagad kapag nakita nila ang work loads.

Saktong nag-vibrate naman ang cellphone ko dahil baka nagtext na naman sa akin si Ravince. Tama naman ako nang ilabas ko iyon para basahin.

B: Anong oras kita susunduin dyan?

"New phone?" Tumingin ako kay Jon, nakangiti ito sa akin ngayon pero umiling lang ako. Hindi naman kasi talaga bagong phone 'to at hindi rin akin.

"Hiniram ko lang." Sagot ko na lang saka nag-isip ng pwedeng i-reply kay Ravince. Hindi ko kasi alam kung hanggang kelan kami matatapos dito. "Anong oras matatapos ang audition?" Tanong ko kay Jon. Tumabi na rin sa akin si Cherry, ang new secretary ng org since naging President na 'yung dating secretary namin.

Tumingin sa relos niya si Jon saka sumimangot.

"Baka late na matapos, bakit?"

"Papasundo kasi ako, e."

"Boyfriend? Yung kasama mo kahapon?" Nakangiting tanong ni Cherry sa akin. Dapat ko bang sabihin na boyfriend ko si Ravince? Hindi kami gaano nag-uusap sa school dahil baka nandito lang ang sinasabi niyang stalker ko. More like texting lang kami talaga ngayon.

Nginitian ko na lang si Cherry. Nagets naman niyang ayaw kong pag-usapan.

"Start na" Sabi nito. Nag-umpisa na rin siyang magtawag ng pangalan ng mga mag o-audition. Dumating na rin kasi ang president namin na si Lindon.

Di naman sila choosy sa pagpili ng members. In fact, kelangan talaga namin ng members ngayon dahil maraming grumaduate last school year.

Nasa kalagitnaan kami ng panonood sa kanila nang hiramin sa akin ni Jon ang cellphone ni Ravince. Makikitext lang daw siya dahil lowbatt siya at hindi niya dala ang charger at powerbank niya.

"Thanks." Ibinalik nito sa akin ang cellphone. Tinitigan kong mabuti ang phone na iyon. Hindi ko namalayan kung ilang minuto niya hawak ang phone. Dalawang tao na yata ang natapos magperform.

Tinignan kong muli ang phone ko nang magflash ang B sa screen. Napangiti ako kaagad dahil sa message na napakita sa screen.

B: I'm bored. Di ka pa rin tapos? :(

Nakangiti akong nagreply ng sagot rito.

Me: Not yet. What are you doing?

B: Waiting for you. Library lang ako. Paubos na tao rito. Baka may multo. Haha!

Muntik ko ng hindi mapigilan ang sarili ko sa pagtawa nang mabasa ko ang reply nito.

"Sorry." Hinging paumanhin ko dahil mukhang nahiya ang nagpeperform ngayon sa harap ko. "Hindi siya ang tinawan ko swear." Sabi ko pa kaagad sa mga kasama ko.

"Go on." Utos ng President sa nag o-audition. Tumingin pa sa akin ang president namin. "And please, concentrate. Kelangan din namin ang desisyon mo mamaya." Tumango ako at nagreply pa rin kay Ravince sandali.

Me: Napagsabihan ako. Your fault.

Ibinulsa ko na ang cellphone at muling nanood. Okay naman sila, e. Hindi naman nila need ang desisyon ko. Ipapasa rin naman sila lahat anyway. Pero may iba kasi na may potential talaga na pwedeng isabak kaagad sa stage kapag may program.

Mag aalas nuebe na nang matapos kami. Nag inat-inat kaagad ako nang tumayo na ako. Pakiramdam ko ay sumakit ang likod ko sa kakaupo.

"Sabay ka na sa amin?" Tanong ni Jon sa akin pero umiling na lang ako.

"May kasabay ako pauwi." Ngiting sagot ko rito.

"Aww. Sige. Next time." Sabi naman ni Cherry.

"Maaga tayo bukas para i-check yung script." Sabi ni Lindon, ang president. "Mamimili pa tayo sa newbies ng isasalang natin." Tuloy niya pa. Hindi ko na nga nagawa ang assignment ko ngayong gabi, hindi ko pa magagawa bukas. "And Robin, huwag ka masyadong nali-late tuwing may meeting tayo sa umaga."

"Okay." Mas malayong strikto talaga siya kesa sa happy-go-lucky naming president last school year. Well, sana hindi nga talaga siya katulad ng president namin noon. Ang dami tuloy naming naudlot na projects dahil sa kapabayaan niya noon.

Nilabas ko ang phone at nagtext kay Ravince.

Me: We're done. Saan ka na?

Ang dami nitong text kanina sa akin habang nakafocus ako sa panonood. Binabasa ko ang mga ito habang pababa na ang elevator sa ground floor.

B: Pinagsabihan ka nino? Pakilala mo sakin! Loko 'yun, ah. JK haha

B: Busy na?

B: Busy na nga :(

B: BORED NA KO!

B: Ang creepy nung babae sa likod ng shelf. Tumatawa mag-isa. :/

B: Natapos ko na lahat ng assignment, di pa rin kayo tapos?

B: I love you. :*

B: lol flood kita.

B: Binalik ko yung book sa shelf, nakita kong naghahalikan yung magsyota. Awks.

"Tignan niyo 'tong si Robin, nangiti mag-isa." Puna ni Cherry kaya bigla akong na-conscious. "In love, yieee."

Mabuti na lang at bumukas na ang elevator at nagsilabasan na kami roon. Hindi ko na sila kelangan sagutin pa dahil kita ko na kaagad si Ravince na ngayon ay nakatayo sa lobby na ng building. Nakapamulsa ito habang suot niya ang backpack niya.

"Hey." Nakangiting bati niya sa akin.

"Mauna na ako." Paalam ko sa mga kasama ko at mabilis akong lumapit kay Ravince. "Hey. So, anong nangyari after nakita mong nagkiss yung dalawa?" Hinawakan niya kaagad ang kamay ko at nag-umpisa na kaming maglakad palabas ng building.

"Awkward, B. Pakiramdam ko ay naging sagabal ako sa kaligayahan nilang dalawa. Malay ko ba kung nagtatanggal sila ng stress? Awkward pala talaga lalo na nung yung babae pa nagyaya ng you know." Tumawa na lang ako dahil habang pinagmamasdan ko siya ay pakiramdam ko namumula na siya. Ni Hindi siya makatingin sa akin kaya alam kong nahihiya talaga siya. "Let's drop that topic, let's eat dinner. Kailangan mong magpataba."

***


A/N: Ano Ravince? Noong nahuli kayo ng ate mo hindi ka nahiya. Noong ikaw ang nakahuli, nahihiya ka. Iba ka!

Anyway highway, may fanfic ako ng daragon sa migme. follow niyo kami doon ni nay Alesana Marie. Ang pangalan namin ay ARISANA DREE nagpopost kami doon ng webtoon at fanfics. Sa ngayon may webtoon na yung character niyang si Gio sa Dear Series niya search niyo lang yung #PassTheCookies yung Fanfic ko naman ng DARAGON ay may chap 1 na. Search niyo lang din doon sa migme #DaragonFanfic

Itechi ang aming account: http://mig.me/u/arisanadree

Just Between Me and YouWhere stories live. Discover now