CHAPTER 6

24.1K 744 63
                                    


CHAPTER 6

"Ravince, baka kasi isipin mong mayaman ako. Wala akong pambili ng bagong damit." Sabi ko nang makita ko ang presyo ng tinitignan nitong damit. Hello? Para sa ilang oras lang na gagamitin na damit, bibili ka ba naman ng naghahalaga ng three thousand pesos? Duh!

Umirap ako at humalukipkip pero parang hindi man lang ito natinag. "I won't buy that." Sabi ko pa ulit. Pero umiling lang si Ravince at nagpatuloy sa pagtingin ng damit. "May mga maisusuot ako. And siguro naman ay magmamatch pa rin ang mga damit natin. Ang stupid din ng pinsan mo, ah. Kung anu-ano ang pakulo." Sabi ko pa ulit.

"Try this one." Napanganga na lang ako ng iabot niya sa akin ang isang plunge dress na cutout pa ang waist. Seriously? Gusto ko naman kunin yung damit. Actually, style ko naman talaga yun. Kukunin ko na rin sana pero bigla niyang inilayo. "Masyadong mapapakita ang balat mo rito. Huwag pala 'to." Gusto ko na siyang sabunutan! Susubukan ko lang naman! Hindi ko naman bibilhin.

"I'll still try that one."

"Ayoko." Sabi nito saka tuluyan niyang ibinalik sa rack ang dress. "Ito na lang." Ipinakita niya sa akin ang isang bandage dress na itim. Maganda ito at mukhang hahapit sa katawan ko. Napangiti ako kaagad and this time ay kinuha ko na kaagad bago pa magbago ang isip nito. Ita-try ko lang naman, e.

"Maghanap ka na ng damit mo while I'm trying this one." Nakangiti kong sabi rito bago pumasok sa fitting room.

Agad kong sinuot ang bandage dress. Katulad ng inisip ko ay hapit nga ito sa akin. Above knee-level ito at maganda talaga. Sayang lang dahil wala akong perang pambili rito. Hindi na ako lumabas para ipakita kay Ravince. Bagay naman sa akin and there's no need na ipakita pa ito sa kanya.

Lumabas akong suot ang uniform ko.

"How was it?" Tanong ni Ravince habang nagbabayad sa cashier. Hindi ko man lang alam kung anong nabili niyang damit. Syempre iisip pa ako ng outfit ko mamaya.

"Fits perfectly fine. Anong binili mo?" Inabot ko na sa sales lady yung dress na sinubukan ko. Bye dress. Mag-iipon ako, swear!

Hindi na kami nagtagal sa mall at dumiretso na nga kami kaagad sa condo.

"Patingin ako ng damit mo para alam ko kung ano ang susuotin ko."

"No need. Match naman, e." Nanlaki ang mga mata ko nang iabot niya sa akin ang isang paperbag na hawak nito. No way.

Nang hindi ko ito kunin ay siya na mismo naglagay sa kamay ko ng paperbag.

"W-wala akong pambayad sa'yo."

"Okay lang."

"Ravince..."

"I said okay lang. Magbihis ka na." Pagkasabi niya niyon ay siya na ang naunang pumasok sa unit niya. Paano ko na siya babayaran ngayon? 6,300 yun! Doble sa presyo nang nauna!

Matagal kong tinitigan ang dress na nakaspread sa kama ko. Nakatapis pa rin ako at pinag-iisipan kung isusuot ko ba iyon. Grabe naman kasi 'tong si Yano. Edi nagkautang na naman ako sa kanya ng wala sa oras tapos sisingilin na naman niya ako.

Isinuot ko muna ang pambahay, saka ko na iisipin kung isusuot ko ba yan o hindi. Mag-aayos na muna ako at magpapatuyo ng buhok.

After kong makapagpatuyo ng buhok ay naglagay na ako ng makeup. Light lang dahil hindi ko naman kailangan ng makeup talaga. Maganda na ako, e.

Ilang sandali pa ay may kumatok na sa pinto ko. Agad ko itong binuksan dahil baka si Ravince na ito pero napaatras ako nang isang lalaking naka-cap at naka itim na mouth mask ang tumambad sa akin.

Just Between Me and YouWhere stories live. Discover now