CHAPTER 43

16.2K 519 22
                                    


CHAPTER 43

After ng classes namin ay hinatid ako ni Ravince sa org room. Ilang araw na kaming ganito. Pero mukhang wala naman kasi talaga akong stalker. Baka nagkataon lang ang lahat. Baka mali lang ng akala. Pero imposible. Nakakatakot pa rin katulad nga ng sabi ni Janine.

Naireport naman na rin sa police ang problema lang ay walang usad. Idagdag pa na ayaw ko namang tawagin ang mga magulang ko.

"Robin..."

"Bakit?" Tumingin ako kay Ravince at huminto sa paglalakad.

"Yung mamaya?" Tanong niya kaya tinitigan ko lang siya.

"Anong meron?" I asked him. Pipihitin ko na rin sana ang pinto pero tumigil ako. Nakakita ako ng pagkabigla sa mga mata niya. "Bakit? Tanong ko rito. May gagawin ka ba mamaya?"

Dahan-dahan itong tumango at parang naguguluhan kaya maski ako ay naguguluhan na rin.

"Uhm, may problema?" Tanong ko saka mas lumapit pa lalo sa kanya. Parang ang lalim kasi ng iniisip nito. I cupped his face and made him look at me. He smiled genuinely.

"Nothing, B." He said. "Sabihan ko si Janine na hintayin ka niya, hah?" Hinawakan niya ang magkabila kong kamay at ibinaba ang mga iyon. "Hindi kita masusundo mamaya."

"Bakit? May lakad ka nga? May game na naman ba kayo? Or lakad ng mga kaibigan mo?" Tumango lang siya. "Ayaw mo akong manood?"

"Mag-iinuman kami." Nakangiti pa rin nitong sabi kaya humalukipkip ako at tinitigan lang siya.

"Sinong kasama?" Mas lalong lumaki ang mga ngiti nito sa mukha.

"Friends?" Nang-aasar nitong sagot. "And by the way, nakausap ko si Brent kagabi. He was standing in front of your unit last night." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Gusto ka niyang makausap ulit. About Violet."

"Robin, nandito ka nap ala. Kanina pa si Lindon sa loob." Kumakain ng ice candy si Jon at papasok na sa org room nang sabihin iyon sa akin.

"Susunod ako sa loob." Sagot ko rito. Napansin kong nakatingin lang si Ravince kay Jon.

"Sige, pasok ka na. Sabihan ko si Janine na sabay kayong umuwi, okay?"

"Okay. And please, huwag kang uminom ng marami."

"I won't. I'll text you later, B." Hinalikan nito ang noo ko bago siya tuluyang umalis na.

***

"As I was saying..." Tumigil sa pagsasalita si Lindon at hinintay akong maupo. I know late ako pero hindi na niya kailangang iparamdam sa akin 'yun. Umirap na lang ako at inilapag ang mga gamit ko sa table. Napuyat ako sa pagrevise at paglagay ng comments sa ginawa nilang script. Napakapangit.

"Heto na 'yung script." Iniabot ko iyon kay Lindon. "Excused naman siguro ako sa pagiging late ngayon kasi late mo naman binigay sa akin 'yan." Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya bago ito tumango. Hindi ako magpapaapi sa kanya porke't president na siya. Dati ay tahimik lang siya kaya huwag siyang abusado ngayon sa posisyon niya.

"Diba kelangan pa natin ng isang actress? Bakit hindi na lang si Robin?" Tumingin ako kay Cherry. "Bagay naman sa kanya yung role ng bida, e."

"Diba ang sabi ko hindi na ako aarte? Okay na ako sa pagtulong behind the scene." Angal ko.

"Huwag nang pilitin ang ayaw." Narinig kong sabi ng isa sa members. Hindi ko kilala kung sino dahil hindi ko naman tinitignan ang nagsalita. Pero sa boses pa lang nito alam kong ayaw nito sa akin. Halos lahat naman kasi sila plastic lang. Alam kong ayaw nila sa akin dahil maarte ang tingin nila sa akin. Choosy at pabalang lagi sumagot.

Huminga ako nang malalim at muling tumingin kay President. Pinadaanan niya ng tingin ang revised script.

"This is good. We'll use this."

"What the hell? Pinaghiarapan ko rin naman 'yung script na ginawa ko. Bakit mo pinapalitan?" Reklamo ni Cassy kay Lindon. Siya rin siguro ang nagsalita kanina. "What? Dahil may experience siya sa acting? Dahil nagworkshop siya kasama ng mga sikat na artista ngayon? Dahil nakabasa na siya ng mga actual script?" Humawak ako sa sentido ko dahil sa paglalabas niya ng sama ng loob. Napaka out-of-the-line kasi ang mga ibinabato niya.

"Ang pangit ng gawa mo." I told her. "If you want to improve edi sana tinatanggap mo yung criticisms na ibinabato sa mga ginagawa mo. I like your ideas pero sana open ka rin sa suggestions."

"Tama si Robin." Said Cherry. "In fact, lahat kami ng nakabasa ng script ay dinisapprove 'yan. Last minute lang kasi kaya pina-edit na lang namin kay Robin."

Ilang oras din kaming nagdebate dahil sa script. Inayos ang mga ayaw ni Cassy. Concept niya kaya siya ang masusunod.

Nasa labas na ng org room si Janine nang matapos kami nang tuluyan sa pagsasaayos ng script ayon sa gusto ni Cassy. Naghihintay naman si Reggie sa coffee shop sa labas ng university. Siya ang naghatid sa amin dahil kabilin-bilinan daw ito ni Ravince.

Alas onse nang i-check ko kung nagtext naba siya sa akin. Wala pa rin.

Me: Don't drink much, B. Uwi kaagad.

Ilang minuto ko ring tinitigan ang cellphone pero wala akong natanggap na reply mula rito. Siguro ay nagsasaya na 'yun ngayon kasama ang mga kaibigan niya.

Humiga ako at ipinikit na ang mga mata. Kumakabog ang dibdib ko sa 'di malamang dahilan. Gumilid ako paharap kay Janine. Tumingin ito sa akin.

"Di ka makatulog? Hindi pa rin siya nagti-text?" tumango ako. "Siraulo 'yun." Halos pabulong nitong sabi. Halata sa boses nitong inaantok na siya. "Matulog ka na. Para kapag nag-text siya naman ang magworry kasi hindi ka nagrereply." Payo pa nito bago pumikit.

Itinabi ko ang cellphone ko sa may ulunan ko at pumikit na rin. At sa pagpikit kong iyon ay naalala ko ang mukha ni Ravince bago kami naghiwalay kanina.

Something's off.



****

Patawad talaga sa pagkukulang ko sa story na iteeey HAHAHAHA! :'( XD

Just Between Me and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon