Chapter 37

317 7 0
                                    

The Proposal

"Krista?" napalingon ako at biglang napakalas sa pagkakayap kay Nicholas. nabitawan naman niya ang dala niyang bulaklak nang makita niya kami sa ganitong puwesto ni Nicholas.


Nagulat ako at parang gusto ko na kainin ako ng lupa sa nakikita ko.

Nanginginig ang tuhod ko sa nakita ko.


"B-byron?" pautal utal kong bigkas ng pangalan niya.


Totoo tong nakikita ko. Totoong nakikita ko siya ngayon at nasa harapan ko siya. Yung Byron na minahal ko at inakala kong minahal ko din.


"Krista, what is the meaning of thi--" pinigilan ko siya sa pagsasalita at agad na lumapit sa kanya.



"I- i'm sorry Byron, h-hindi ko sinasadya" Nagkacrack na talaga ang boses ko na para bang anytime pwede na kong mawalan ng boses at hindi na magsalita. Tuloy tuloy nang tumulo ang luha ko.


Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. parang hindi ako makahinga. hindi pa rin siya nagsasalita sa sinabi ko.

Nakita ko naman ang bagsak ng luha sa mga mata niya.

Napahikbi ako sa nakita ko at napatakip sa mukha ko.


Ano ba tong nagawa ko? Ano ba to? napaluhod ako sa harap niya ng biglaan. pakiramdam ko din, sobrang bigat ng katawan ko sa nararamdaman ko sa nangyayari ngayon.



"Im sorry Byron..." Hawak ko pa rin ang mga kamay niya.



"Krista? bakit ganito? Anong nangyari? may nagawa ba ko? meron ba? Sabihin mo sakin kung tama ba ang hinala ko." pigil ang luha na sinasabi ito ni Byron. napahawak siya sa ulo niya at pinunasan ang luha niya.



Ano nga bang nagawa niya? bakit nga ba ganito? bakit ba?



"Byron, Im sorry.... Hindi ko sinasady--" napatigil ako dahil sa narinig kong malakas na sigaw niya.



"SAGUTIN MO KO! TOTOO BA? TAMA BA ANG HINALA KO?... NA NILOLOKO MO KO HABANG WALA AKO?!" Napatayo ako mula sa pagkakaluhod.



Tumango ako. at patuloy na humikbi. napatakip ako sa bibig ko, para magbaka sakaling tumigil ang paghikbi ko.



Sorry byron. Im so so sorry. hindi ko sinasadya. hindi ko inaasahan na mangyayari tong mga to. Im sorry. Napakalaki ng kasalanan ko sayo na to. maling mali. na kahit na sino, mali talaga ang ginawa ko na to.


Dapat pala hindi ako nagpadalos dalos ng desisyon. dapat pala inantay kitang dumating.

O kaya naman hindi na kita muna sinagot. Sobrang mali tong nagawa ko, na kahit kanino mo itanong, totoong mali talaga tong nagawa ko.





"Sorry Byron" hinawakan ko naman ang mga kamay niya pero nagpumiglas siya.




"Mali. hindi totoo yung sinabi mo" tumawa siya. pero may mga luha sa mga mata niya. "Hindi totoo yun Krista wait lang ha?"

Pinunasan niya ang mga luha niya sa mata niya pagkatapos binuksan yung sasakyan niya at parang may kinuha doon sa loob. pagkatapos kinuha naman yung nasa lapag kanina na bulaklak.



"Krista" iniabot niya sakin ang bulaklak, nung una hindi ko inabot pero unti unti kong nilapit ang kamay ko para kunin ang bulaklak nang makita ko ang mata niyang may namumuong luha. Nginitian naman niya ko.

A sad smile.

Napahinga ako ng malalim. tsaka pumikit. may tumulo nanaman na luha mula sa mata ko.

Pagkadilat ko ng mata ko, nakita ko siyang nakaluhod ang isang tuhod, at yung kamay niya, may hawak na singsing at nakalahad ito sa harap ko.




"K-krista" napalunok siya at nagpatuloy na nagsalita "W-will you marry me?"


Parang unti unti akong natutunaw sa narinig ko. na mismong galing sa bibig niya. At paulit ulit ko itong naririnig sa isip ko.

Ilang segundo hindi pa rin ako nagsasalita. pero nagsalita nanaman ulit siya.



"Krista. please marry me" yumuko siya at nakita ko mismo sa mata ko ang patak ng luha niya.




Hindi ko alam kung tama ba ang naiisip ko. Maling mamuhay ako ng buong buhay ko kasama siya, Ang lalaking hindi ko naman talaga mahal. Maling mali.





"Im Sorry Byron" tumawa naman siya sa narinig niyang sagot mula sakin, pagkatapos nasundan ng hikbi. hikbi mula sa kanya.


Nang tumingala ako, nakita ko yung namumula at namumugto niyang mga mata. pinunasan niya ulit ang luha niya.

Nakita ko ang reaksyon nila. Si Mika, Napatakip sa bibig niya, na para bang hindi makapaniwala san nakikita niyang nangyayari. Si Nicholas naman nakayuko lang.




"Sorry Krista. Pinagpipilitan ko ang sarili ko sayo. Sorry." tumawa nanaman ulit siya. "Pero Krista, Ano bang kulang ko? Ano? May mali ba kong nagawa? May hindi ka ba nagustuhan? Babaguhin ko para sayo" umiiyak nanaman ulit siya tapos kinuha ang kamay ko.




"Krista, Please love me" lumuhod nanaman ulit siya harap ko. "Please" pagmamakaawa niya pa.



Halos gusto ko na magpakain sa lupa sa mga naririnig ko. Naririnig ko kay Byron. hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya. Halos mapahikbi nalang ako at mapaiyak sa nakikita ko.




Hindi ko intensyon manakit, Hindi ko intensyon saktan siya, Hindi ko intensyon gawin to, Hindi ko intesyon lahat. Pero bakit nagawa ko lahat to?




Alam ko yung pakiramdam ng masaktan at maloko, pero nagawa ko sa kanya. Nagawa ko mismo sa taong walang intensyong gawin yung bagay na nagawa ko da kanya, kundi mahalin lang ako at ibigay lahat ng sa kanya. Pero sinaktan ko pa rin siya.





Sinaktan ko yung lalaking nagmamahal sakin, Sinaktan ko si Byron.



"Byron Im sorry... Pinilit ko. pinilit kong mahalin ka, akala ko pag sinagot kita, baka makita ko yung totoong nararamdaman ko, na mahal talaga kita. pero hindi. nakita ko nga ang totoo, pero hindi yun yung mahalin ka" napahikbi ako sa kalagitnaan ng sinasabi ko sa kanya. "Byron ginawa ko ang lahat. pero wala talaga. Hindi ko intensyon saktan ka. Im sorry, Mas mahal ko at mas minahal ko si Nicholas. kesa sayo. Mahal din naman kita, pero pangkaibigan lang yung pagmamahal ko sayo na yun. Hanggang pangkaibigan na pagmamahal lang ang kaya kong ibigay sayo"



Masama na kung masama. pero mas magiging masama ako kung hindi ako magpapakatotoo sa sarili ko at sa ibang tao.

Mas makakagawa lang ako ng mali pag pinagpatuloy ko yung ganitong ginagawa ko, hindi pa ko naging totoo sa kanya. Mas lalo lang siyang masasaktan.




Napatayo na si Byron at pinunasan ang luha niya, at inayos ang sarili.




"Sorry Krista. Mauna na ko" Half run siyang pumunta sa kotse niya at umalis na.



Lumapit naman si Nicholas sakin at niyakap ako.

"I'm sorry Krista. Kasalanan ko to"

My Magical Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now