^ If I could turn back the time. TT

29 1 0
                                        

SA HOSPITAL : Nasaksak si Baek..

“ Doc, kamusta na si Baek? “

“ Medyo okay na naman siya. “

“ Pwede na po pumasok sa loob? Pwede ko na po ba siyang bisitahin? “

“ Yes. “

.. .. ..

“ Ah. Wait. “ – Doc.

“ Bakit po, Doc? “

Hinawakan ng doctor ang balikat ko at sinabing.. “ Habang kaya pa ni Baek. Pasayahin mo siya. Ipadama mong mahal mo siya. “

“ Ano po ibig niyong sabihin? Akala ko po ba okay na siya? “

“ Bilisan mo na. “

Binilisan ko. Pumasok agad ako sa kwarto ni Baek.

“ Baek? Baek, andito na ko. “ – Hinalikan ko ang kamay niya.

“ Baek, pansinin mo naman ako oh. “

“ Baek! :( “ – Tumulo na ang luha ko.

Alam ko na ang ibig sabihin kung bakit hindi sumasagot si Baek.

“ Baek naman eh. Baek, gising please. Baek. “

“ Baek. Mahal na mahal kita.

“ Baek, sorry T^T “

-^-^-^_-^-^-^--------------------

Wala man lang akong nagawa para kay Baek. Hindi ko siya natulungan. Hindi ko man lang nasabi mga gusto kong sabihin. Hindi ako nakahingi ng tawad. At di ko man lang napadama sa kaniya na mahal ko talaga siya.

Dati, twing mag kasama kami. Para sakin, parang wala lang. Normal lang. Pero twing nag kakalayo naman kami, hindi ako mapakali. Ang dami kong gustong sabihin. Pero hindi ko naman alam kung ano. Dahil di ko nga alam kung saan ako mag uumpisa.

‘ Sana naman kahit isang beses lang, pinadama ko sayong mahal kita. Na kailangan kita, na gusto kita. ‘

Nung mga araw na di kami nag-kikita, nag-kakausap, nag-kukulitan. Mas lalo ko siyang namimiss. Nakakainis! Bakit ba kasi di ko nasabing namimiss ko siya? Nmahal ko siya? Bakit di ko nasabing mahalaga siya?

Mga salitang gustong kong sabihin… ‘ Gusto kita, Mahal Kita, Kailangan Kita. At PATAWAD. ‘

Pero pano ko pa yan masasabi sa kaniya? Kung wala na siya?

Kung alam ko lang na mawawala siya sakin ng ganun kabilis.. Eh di sana pinadama ko na sa kaniya na di ko kayang mawala siya at mahal na mahal ko siya. Pero wala na eh. Iniwan na ko ni Baek. Hindi ko na mapapadama sa kaniya yung pagmamahal na hinangad niya.

Hindi ako makapaniwalang wala na si Baek. Ang hirap paniwalaan. Parang kahapon lang, parang kahapon lang kami nag kakilala.

Alam kong nasabi ko kay Baek na mahal ko siya. Nung nalasing ako? May animo pa ko nun. Kaya natatandaan ko pa. Pero hindi pa sapat yun. Sana nasabi ko man lang ng maayos sa kaniya na mahal na mahal ko siya.

Nung inalagaan niya ko nung nalasing ako. Nung sinabi ko kung pwede kami na lang.

Yung sagot niya sakin..

“ Tanga ka din naman pala eh. Ikaw lang naman inaantay ko. “

“ Tanga ka din naman pala eh. Ikaw lang naman inaantay ko. “

“ Tanga ka din naman pala eh. Ikaw lang naman inaantay ko. “

Nag fa-flash back siya..

Oo, madami akong nagugustuhan noon. Pero si Baekhyun lang talaga nakakuha ng atensyon ko. At ng puso ko.

Kaya siguro ang hirap tanggapin na wala na siya.

Nung hinalikan ko siya sa kwarto ko habang inaalalayan niya ko.

Nung sinabi kong mahal ko siya.

Nung mga araw na nag seselos ako sa mga nakakasama niya.

At nung nasa Jeju Island.. Nung tumabi ako sa kama niya.

Sinadya ko yun. Pag gising niya, nakita kong nginitian niya ko. Nag panggap akong tulog. Pero kitang kita ko na ngumiti talaga siya sakin. Pakiramdam ko, umaakyat dugo ko eh. Kinilig ako nun. Sobra kong kinilig.

Hinding hindi ko makakalimutan yung pakiramdam na yun.

Kung pwede lang maulit..

Sana inamin ko na habang maaga pa.

Pero para ano pa? Wala na si Baek. Tuluyan na siyang nawala.

Kung maibabalik ko lang ang oras..

Huli na lang lahat. Nasaktan tuloy ako.

‘ Pero sana mas masaktan pa ko. Dahil kulang pa ‘to sa lahat lahat ng naramdaman ni Baek.  Dahil halos lahat, sinakripisyo niya. Para lang sa gagong katulad ko. '

~

[A/N: AKO ANG ILANG LINGGO NAG SAKRIPISYO MATAPOS LANG 'TO! Wahaha. Cheret. Ayan mahaba na ha. Madami kasing nag sasabi binibitin ko daw sila. TOTOO NAMAN. Wahaha. So sana nagustuhan niyo! VOTE, COMMENT! Salamat <3]

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Mar 05, 2014 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

~ ^ ☼ GOODBYE SUMMER ☼ ^ ~Donde viven las historias. Descúbrelo ahora