[BAEKHYUN’s POV]
“ Baek! “ Sigaw ni Chanyeol. Kumaway at ngumiti naman si Lay sakin.
Lumuhod si Chanyeol sa harapan ko, at humingi ng paumanhin sa nangyari.
“ Sorry, Baek. Nang dahil sakin di ka nakapag-recital. Nang dahil sakin, natanggap ka sa banda. Baek, sorry. Sorry talaga best. “
“ Ano ka ba Yeol! Tumayo ka nga jan! Oo na, okay na. Tapos na yun. “ – Sabi ko kay Chanyeol.
Niyakap ako ni Chanyeol habang nag sosorry, at nag papasalamat na rin.
“ Okay na kayo ah? “ – Sabi ni Lay.
“ Magkakilala na pala kayo ha? “
“ Oo best, kanina lang. “ Sabi naman ni Chanyeol.
“ Buti naman. “
Nag ngitian kaming tatlom at iniwan naman muna kami ni Lay para makapag-usap kami ni Chanyeol.
“ Sorry talaga. “ – Si Chanyeol unang nag salita.
“ Okay na nga yun. “ Sabi ko. “ Ay teka! “
“ Bakit? “ – Tanong niya.
“ Natanggap ka diba? Sa drama club? Naku Yeol, tara na! Late na tayo! “
“ Naknampo– Oo nga pala! Tara! “
Hinawakan ni Chanyeol ang kaliwa kong kamay at nag simula na kaming dalawa tumakbo.
“ LAY! AALIS NA MUNA KAMI HA! “ – Sigaw ko, habang natakbo.
“ O’sige sige. Ingat kayo! “ – Sigaw niya rin, para rinig namin. Dahil malayo na kami sa kaniya.
Sa sobra naming madali sa pagtakbo para di ma-late sa praktis, di ko napansin na may nabangga na pala ako.
Tinitigan ako ng grupo ng mga lalaking naka-itim na T-Shirt.
“ Naku! Sorry, sorry talaga. Sorry, sorry. “ – Sabi ko.
“ Sorry? Yun lang? Niloloko mo ba ko? “ – Sabi nung lalakeng parang leader nung grupo.
To the rescue naman agad agad si Chanyeol.
“ Teka, teka. Nag sorry na nga diba? “
Bigla din naman siya sinagot ng lalake.
“ Di ko gusto tono mo ah? Kilala mo ba kung sino kinakalaban mo? “
“ Hinde. Bakit?Sino ka ba, ha?Haha.Kahit sino ka pa, wala kang karapatang di respetuhin ang iba.“ – Chanyeol.
“ Aba, gago ‘to ah. Wag kang umasa na kahit matangkad ka, eh matatalo mo ko! “
“ Oy, pandak! Suntukan na lang oh! “
Hindi na napigilan ng dalawa ang emosyon nila. Lalo na si Chanyeol. Nakisali na din yung mga ka-grupo nung lalake.
Ayun.. At nag sapakan na sila!
“ Uy, uy, uy, uy! Tama na yan! “ – Sinubukan ko silang pigilan. “ Tama na yan sabi eh. ANO BA!! “
