Natapos na ang event! Nag si-uwian na ang lahat..
“ Baek. Mag-usap tayo. Please. “ – Chen.
“ Okay. “
Nag-uusap na kami…
“ Baek. Mahal na mahal pa din kita. Alam kong mahal mo din ako Baek. Please.. “
“ Chen.. Ayan ka na naman.. “
“ Baaeeekk. Pleeeaaasseee.. “ Sinubukan niya kong halikan, pero naka-ilag ako.
“ CHEN?!!?!?!?!! Nung una pa lang, wala naman talaga ako feelings para sayo eh. Kaya nga di kita sinagot, nung nanligaw ka. Diba? “
“ Sabi mo nun hindi ka handa? Diba? Siguro naman ngayon Baek, pwede na. “
“ Hindi nga. Hindi ako handa nun. Ngayon, handa na ko. Pero hindi para sayo Chen. Sorry. “
Lumuhod si Chen at nag makaawa..
“ Baek, please. Sasambahin kita kung gusto mo. Lahat gagawin ko, para sayo. Baek, please. Lahat gagawin ko para sayo. Mahalin mo lang ako Baek. Please. Parang awa mo na. “
“ Chen, sorry. Pero wala talaga eh. Iba ang mahal ko. “
“ Sino? Yang Chanyeol nay an, ha? “ – Chen.
“ Baek! Manhid ka ba?! Hindi ka mahal ng lalakeng yun! Baek, andito naman ako eh. “ – Dagdag niya pa.
“ Chen, tama na. “
“ Baek, ako mahal kita. Ano ba nakita mo sa Chanyeol na yun, ha? Wala siyang pake sayo, Baek! Tandaan mo yan. HINDI KA NIYA MAHAL! “
Naiiyak na ko sa mga sinasabi ni Chen.. Dahil medyo totoo naman mga sinasabi niya. Na hindi naman talaga ata ako mahal ni Chanyeol :(
“ Chen.. “ Umalis ako palayo kay Chen.
[CHANYEOL’s POV]
Nasasaktan ako. Bakit? Hindi ko din alam eh. Pero bakit nga?! Bakit ba kasi ako nag kakaganito. Hindi ko talaga maintindihan eh. Pumunta na lang ulit ako sa bahay ni Lay, para bigyan siya ng prutas dahil nga nilalagnat siya. At dahil wala na din naman akong mapupuntahan.
Sa bahay ni Lay…
“ Thank you Chanyeol. “
“ Walang anuman pre. “
.. .. ..
“ Alam mo ba? “ – Tanong ni Lay.
“ Ang alin? “
“ Na nanligaw si Chen kay Baek? “
“ Talaga? “
“ Oo. At 5 years mahigit na din si Chen obsessed kay Baek. “
“ Ha? “
Bigla akong nanghina, sa sinabi ni Lay sakin. Si Chen? Obsessed kay Baek?
“ Oo. Obsessed siya kay Baek, dati pa. Ngayon nga, parang di pa din siya maka-move on eh. Kaya please, Yeol. Habang maaga pa pun– “
“ Asan siya ngayon!? Si Baek!? – Tanong ko.
“ Chanyeol, alam mo bang mahal na mahal ka ni Baek? Lahat sinakripisyo niya. Oras niya, yung shop niya, yung pangarap niya. LAHAT. Kulang na nga lang pati sarili niya eh. Lahat iniwan niya yun. Para sayo Yeol. Para sayo. “
