5 months later : SUMMER…
Tumawag yung umorder ng bulaklak para sa gaganaping kasal.
“ Hi Baek! Good Morning! Yung blue rose ha? “
“ Sige, sige. “
Umorder sila ng 300 pcs.ng Blue Rose. Kasal kasi ng friend nila sa susunod na lingo.
Dumating si Chanyeol sa shop. Niyaya niya kong lumabas.
“ Baek! Labas tayo. “
“ Tara! “
Lumabas ako… Sa labas.
“ Baek naman eh! “
“ Baaakiittt? Hahaha.Nasa labas na tayo! “
“ Baaaaeek! Gagala tayo! Okay? “
“ Channiieee.. “
Eto na naman tayo.. Mag-tatampo na naman ‘tong si Chanyeol -_-
“ Chanyeol… Chanyeol, may ano kasi eh. May aasikasuhin pa ko. 300 pcs.inorder nila. 300 pcs. Channie! Ayieee. Kikita na naman tayo! “
Kiniliti ko siya. Para naman mapalitan ng saya yung nakasimangot niyang mukha.
“ Stop it Baek! -_- Di ako natutuwa. “
“ Grabe ‘to! Channie. Next na lang please. Pramis ko yan. “
Umalis si Chanyeol…
Hinabol ko siya…
“ Wait! Oo na. Sige na, sige na. Aalis na tayo :/ “
“ Wag na. Mukhang mapipilitan ka lang eh. “
“ Hindi, hindi! Gusto ko, promise. “ Binigyan ko siya ng malaking ngiti, at niyakap niya ko.
Umalis na kami ni Chanyeol. Sinarado ko na din ang shop, dahil day off naman ng mga kasamahan ko dun.
“ Saan mo gusto pumunta? “ – Tanong niya.
“ Kahit saan. “ – Sagot ko naman.
Nag-aalala ako sa mangyayari. Pano kung di ko maaasikaso yung orders? Pano kung murahin ako nung buyers? Hay. Bahala na.
“ Channie. Saglit lang tayo ha? “
“ Tsk. Baek, minsan na nga lang ako mag pasama. “
Minsan? Tsk.
Medyo nainis na ko nun kay Chanyeol, kaya di ko na lang muna siya sinagot.
After 30 minutes.. Pagdating namin sa gustong puntahan ni Chanyeol.
Sa Jeju Island…
“ Waaaaaaaaaaaw! Sarap ng hangin Baek! “
“ Oo nga. Ah, Channie. Ilang days tayo mag stay? “ – Tanong ko.
Hindi niya ko sinagot.
Pumunta muna kami ni Chanyeol sa kwarto namin.
Hindi kami tabi sa iisang kama ha!
“ Channie, labas muna ko. “
“ Sige, tara. “
