“ Wow naman. “

Sa sobrang tagal ni Lay mag-order. Napunta yung usapan sa past naming ni Chen.

“ Sorry nga pala Chen. Nung mga panahong yun. Di pa kase ako handa eh. “

Oo, nanligaw sakin noon si Chen. Pero hindi ko naman siya sinagot. Dahil di pa nga ko nun handa. At marami ding nag sasabi na obsessed daw sakin si Chen. At pansin ko din naman yun.

“ Okay lang. Matagal na din naman yun. “

Sa sinabi niyang yun… Medyo nabunutan na din ako ng tinik sa dibdib. Pero parang nasaktan din ako konti… Dahil bigla kong naalala yung ginawa ko sa kaniya nung binasted ko siya at dahil dun, yun na din yung araw na huli kaming nag kita ni Chen.

“ Eto naaaaaa.. “ – Sabi ni Lay at dala dala ang isang tray na puro order namin.

“ Ano naman pinag-uusapan niyo? – Tanong ni Lay.

“ Wala ka na don. Haha “ – Sagot ni Chen.

Nag simula na namang mang-asar si Lay..

“ Ayieeeee.. Pinag-uusapan ang nakaraan, noh? Nakakaistorbo ba ko? “

“ Oo. “ – Sabi ni Chen kay Lay.

“ Alis na lang ako? Joke lang! Haha. Ako nag bayad ng mga kinaen niyo noh! “ – Lay.

“ Ba’t mo ba kasi binasted si Chen. Ha, Baek? “ – Dagdag niya pa.

Sinuntok-suntok ko hita ni Lay, para manahimik na siya. Sinesensyasahan ko din siya gamit ang mata ko.

Makikita mo kasi sa mata ni Chen, na nasasaktan siya at ayaw niya ng pag-usapan pa ang nakaraan.

“ Gets kita Baek. Okay lang. “ – Sabi ni Chen.

“ Oh. Okay lang daw naman pa– “

Naputol ang pag sabat ni Lay dahil pinangunahan ko na siya amg-salita.

“ Lay. Tumigil ka na nga. Daldal mo po. “ – Sabi ko.

“ Sorry naman. Hihi. Sorry Chen ah. Shut up na po ako. “

Tinanong nila ako kung saan ako pupunta at kung bakit nasa Jeju ako.

“ Sinamahan ko si Chanyeol. “

“ Chanyeol na naman.. “ – Sabi ni Lay.

“ Chanyeol? “ – Curious si Chen.

“ Yung kwinekwento ko sayong bespren niya pre. Yung si matangkad. “

“ Ah. Di mo naman kasi nasasabi pangalan niya eh. “

“ Kwinekwento ko kaya! Nung nasabi kong Chanyeol pangalan ng bestfriend ni Baek, nakatulog ka naman! Loko ka din eh. “

Tawanan kami.

Hanggang sa matapos na namin mga kinaen at ininom namin. Umalis na kami..

Sa pintuan… Binulungan ko si Lay..

“ Lay, kelangan ko ng umuwi, yung Blue Rose nila Ms. Choi, di ko pa naayos. “

“ Di, sabay na tayo. “ – Sabi ni Lay, at hinawakan niya ang balikat ni Chen.

“ Diba Chen? Diba Chen? “ – Dagdag niya pa.

“ Ah. Oo. Pauwi na din kami. “ – Sabi ni Chen.

Dumiretso na kami nila Lay at Chen para bumalik na ng Seoul.

Pagdating naming sa Seoul. Binuksan ko ang phone ko at punong-puno ng text messages ni Ms. Choi.

Tinawagan ko sila..

“ Ma’am, sorry. I was– “

“ Let’s just meet tomorrow. “

“ Yes Ma’am. “

-          CALL ENDED –

Sa isip ko, alam kong lagot na ako. Shit. Di ko na alam gagawin.

Kinabukasan… FRIDAY, Dumating na sila Ms. Choi sa shop.

“ Ms. Choi, good morning po. “

“ Pano na order naming Mr. Byun? “

“ Sorry Ma’am. Di ko pa po kase natawagan yung nag dedeliver ng bulaklak. “

“ My God! Sa 5 days na meron ka, anong ginawa mo? “

“ Ma’am. Pwede po mag explain? “

“ No need. “

“ Ma’am please. Sorry po talaga. “

Biglang dumating si Chanyeol D_O

“ NO! “ – Sumigaw si Ms. Choi.

“ Anong nangyayari dito? “ – Chanyeol.

“ Sorry Baekhyun. Pero kailangan ko ng i-cancel ang orders ko. “

At tuluyan ng tumulo ang luha ko.

“ Sorry Ma’am. Sorry po talaga. “

“ You better be! You let me down. “

Umalis na si Ms. Choi.

“ Baek, anong nangyari? “ – Hinawakan niya ang kamay ko.

“ Chanyeol, wag muna. “ – Pumiglas ako.

“ Baek. Mag-usap tayo. “ – Hinawakan niya ko ulit.

“ Chanyeol, wag ngayon. WAG NGAYON!!!!! … Sorry, I just need some time alone. “

~ ^ ☼ GOODBYE SUMMER ☼ ^ ~Where stories live. Discover now