“ Chanyeol. “

“ Bakit? “

“ Channie, kailangan na nating umu– “

“ Ayan! Ayan na naman! “

“ Chanyeol, patapusin mo nga muna ako! “ – Napasigaw ako.

“ Channie, may importante akong aasikasuhin. Please naman oh! “ – Dagdag ko pa. “ Channie, please. Ngayon lang.. Intindihin mo naman oh. “

“ Tapos ka na? “ – Sabi niya na may kasamang masamang tingin.

Hindi ko na siya sinagot. Nag impake na lang agad ako ng mga dala ko, para makauwi na ko.

Pagkatapos kong mag impake, umalis na ko ng kwarto sabay hampas ng pinto sa sobrang inis.

Si Chanyeol? Wala. Hindi niya ko pinigilan. Wala eh. Ganun naman talaga yun.

“ Miss. Iisang tao na lang yung nasa room 1401. Kayo na bahala. “ – Sabi ko.

“ Okay sir, thank you. “

Papunta nas ana ako ng airport, pero may nakita akong isang cute na Milk Tea House at dun muna ako nag stay, para makapag-relax at para lumamig ang ulo.

Habang nasa kalsada pa lang ako, may nakita ako na paranggg… 2 tao na magka-akbay at parang mukhang pamilyar.

“ Lay?? “ At bigla akong na-alarma. “ Chen?! “ – Pabulong ko.

Sumigaw si Lay.. “ Uy si Baek! “ Tinawag nila ako.

Nilapitan nila ako...

“ Baek! “ – Lay.

Tinawag ako ni Lay. Inasar niya din ako, at naka-akbay pa din siya kay Chen.

“ Baaaeek. Wahaha! Kilala mo pa si perslab? Naks! “ – Pang-aasar ni Lay.

Ngumiti naman si Chen.

Inaasar ako ni Lay kay Chen. Si Chen.. Si Chen yung unang-una na nanligaw sakin noon. At sabi nila, ako daw first love niya. 3 years din mahigit si Chen nanligaw sakin.

Ngayon kaya? Ngayon na nagkita na kami ulet.. Hanggang ngayon kaya may nararamdaman pa din siya para saken? Meron pa kaya?

“ Baek, Chen. Tara palamig muna tayo. “ – Lay.

Pumasok na kami sa loob ng Milk Tea House.

“ Anong gusto niyo? “ – Tanong ni Lay.

“ Kahit ano. “ – Sagot ni Chen.

“ Bubble Tea na lang akin. “ – Sagot ko naman.

Iniwan muna kami ni Lay, dahil mag o-order siya. At siguro, para makapag-usap na din kami ni Chen.

“ Hi Baek. “

“ Hi.. Chen. “

Sobrang awkward. Dahil matagal-tagal na din kami ni Chen di nakapag-usap.

“ Kamusta Chen? Nag-aaral ka pa ba? “

“ Oo. “

“ Saan? “ – Taong ko.

“ Sa States. “ – Sagot niya.

~ ^ ☼ GOODBYE SUMMER ☼ ^ ~Where stories live. Discover now