“ Oo nga naman. Isang beses pa lang naman yun Kuya, din na yun mauulit. Please, kuya! “– Sabi ko naman.
“ Hindi na nga pwede.Baka masira pa ang Club na ‘to dahil sa mga record niyo. “
“ Hayaan mo na nga Baek. Wala naman pala tayo mapapala dito eh. Tara na! “ – Nainis na si Chanyeol.
Umalis na lang kami dun ni Channie. Pero.. OUCH ‘teh! Wala na nga ko sa banda, tas kick-out pa sa Drama Club. Pero di ko lang dapat isipin sarili ko, diba? Alam kong nalulungkot si Channie. Gustong gusto kasi ni Channie eh na makasali dun eh. Hay. Kelangan ko siyang i-comfort.
“ Channie.. Okay lang yan. May next time pa.“ – Sabi ko.
“ Next time? Eh graduating na nga tayo, pa-next time next time ka pa jan! Tara na nga! “
“ Sorry.. “
Nasa loob na kami ng sasakyan ni Chanyeol. Sobrang tahimik niya. Kahit anong try ko na kausapin o mag papansin sa kaniya, walang epek talaga. Hindi niya talaga ako pinapansin.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Bigla niya na lang akong tinanong..
“ Gala tayo? Sarap mag-soju noh? “
Nagulat ako sa tanong niya.. Kasi, first time niya lang yun natanong sakin. Makikita mo talaga sa mga mata niya na sobrang siyang nabigo. Pero.. Nang dahil lang dun, mag papakalasing siya? Alam kong meron pa si Chanyeol dinadamdam. Pero hindi ko alam kung ano. Wala akong ideya.Wala akong clue.
“ Channie. Wag ka nga. Umuwi na tayo. “
“ Wag muna Baek. Mag enjoy tayo. “
Pumayag na lang ako. Kahit ayoko. Kasi kung ipagpipilitan ko pa, alam na natin kung ano mangyayari. Mag tatampo, magagalit at di mamamansin yun.Ayoko naman mangyari yun.
Sa isang Korean Restaurant kami nag palipas ni Chanyeol ng oras.
Umorder siya ng sampung bote ng soju. Para lang saming dalawa.
SAMPUNG BOTE NG SOJU, PARA SAMING DALAWA.
Grabe! So para lang samin yun? Di ko yun kaya. Fok!
“ Ahhhh!! Sarap grabe.“ – Chanyeol.
Naka-apat na siyang bote at ako nga di pa naka-half sa isang bote.
“ Baek. Pasensya na talaga ah. Natanggal ka dahil saken. Na-kick out pa tayo sa drama club nang dahil ulit saken. Haha. Sama ko noh? Sorry. “
“ Channie.. Tama na yan. Lasing ka na, huy. “
At hanggang sa nakatulog na si Chanyeol. Nag patulong ako sa mga tauhan dun sa restaurant para buhating si Chanyeol.
Pauwi na kami at ako yung nag da-drive. Ang hirap humiga, lalo na kapag nakikita ko si Chanyeol na hindi masaya. Masakit yun para sakin eh. Gusto ko lagi Makita siya na nakangiti, tumatawa, at Masaya.
Hinatid ko na si Channie sa kanila.
Habang inaalalayan ko na si Chanyeol para makahiga na siya sa kama niya, bigla niya kong hinalikan. Sa lips. At bigla na siyang nakatulog.
SPEECHLESS ako. Sobra! First love ko na nga siya, tas first kiss pa. ♥Nagustuhan ko yun. Siyempre. XD
Lumabas muna ako ng kwarto niya, dahil parang sasabog na ko sa sobrang kilig. At para kumuha na din ng tubig at bimpo para mapunasan siya. Pero bigla siyang nagising, at pinigilan niya ako at hinawakan ang kamay ko…
“ Baek. Wag mo kong iwan, please. “
“ Channie.. “
“ Please. “
“ Lasing ka na kase.. Kelangan mong mapunasan na para maging okay na pakiramdam mo.. “
1 minute..Nanahimik si Channie. Aalis na sana ako eh. Pero napigilan niya na naman ako ulet..
“ Hehehehehehe! The best ka talaga Baek! “
“ I know. “
“ I love you Baek. Ikaw na lang talaga nag mamahal sakin eh. Salamat ha? I love you Baek. I love you, I love you, I love you. “
“ Channie.. Wag ka nga mag sa– “
“ Tayo na lang kaya? “
AWTS. Yung huli niyang salita..‘ TAYO NA LANG KAYA? ‘
Waaaaaaa! I just can’t!
“ Tanga ka din naman pala eh. Ikaw lang naman inaantay ko. “
O’geez. What the fuck did I just say? Tinikom ko ang bibig ko, at nanahimik na lang.
Narinig niya kaya?Fok.
*sigh* Butina lang, nakatulog na siya. Sana di niya narinig.
Lumabas na ko ng kwarto niya at kumuha na ng pampunas.
Pinunasan ko siya, pinakain, nag suka siya, ako nag linis… NANAY BA KO NG HIGANTENG ‘TO?! XD
Nang nakita ko siyang mahimbing ng natutulog… Umuwi na ko.. 12 AM na din yun.
“ Baek? “ – Mama ni Chanyeol.
“ Ay, tita. Good Morning po. “
“ Anong oras na ah. Si Chanyeol? “
“ Andun nap o sa kwarto niya. Medyo nalasing po eh. “
“ Ha? Anong nangyari? Naku talaga! Yung batang yun! Kakauwi ko lang din eh. “
“ Ahh.. Osige po tita. Anong oras na din po eh. Mauna na po ako. “
“ Thank You, Baek! :) “
“ You’re welcome tita. “
~
^There.. ★
Start from the beginning
