Pati ako mismo, di ko na din napigilan pag-kabanas ko. Kaya ako napasigaw…
“ HOOOOOOOOYY! “
Tumigil na si Chanyeol sa pagsapak sa tukmol na yun. Sabay sabing…
“ Baek! Takbo naaaaaaaaaaa!! “
Tumakbo kami ni Chanyeol, para maka-iwas na sa gulo na siya din naman mismo ang gumawa!
Papalapit ng papalit yung mga lalakeng humahabol samin ni Chanyeol. At ayun nga, nahila nung tukmol yung pantalon ni Chanyeol sa bandang bewang.
BEWANG.. Ibig sabihin, hanggang bewang lang ang kayang abutin nung tukmol mayabang na lalakeng yun!
Nataranta na din ako. Hindi ko alam kung tatawa ako, o mag-aalala. Halo-halo kasi nararamdaman ko nung mga oras na yun.
Pinipigilan ko pa din sila. Awat na ko ng awat. Pero kahit anong pilit ko, natatawa talaga ko sa mukha ni Chanyeol. Yung hindi mo mawarian. Hindi mo alam kung nasasaktan na ba, o natatae lang. XD
“ Channiieeee.. Tama na yan. Ano ba!! “
Biglang may pumito.. Nakita kami nung isa sa mga guwardiya sa school.
Sa isip ko..“ Aw, tegi kami neto. “
“ Manong guard, yang mga nakaitim na yan pasimuno! Inaaway nila kami oh! “ – Sabi ko.
Mabuti naman at natapos ang pag-awat ng guwardiya sa kanila. Mabuti naman at maayos.
“ Sino may pasimuno neto? “ – Tanong ng guard.
Turuan silang lahat.Daliri nilang lahat, nakaturo kay Chanyeol.
“ Aaaahhh?!?!?!?!!?!??!! “Sa pang-ara na tono. “ Eh tignan mo naman manong guard! Magkakakampi mga yan! Inaaway nila bestfriend ko! “ – Sabi ko.
“ Anong nangyayari dito? “ Sumulpot yung professor namin sa Thesis.
“ Eh kasi ma’am, yang dalawang yan eh! “ – Tinuro nila kami ni Chanyeol.
“ Oy! Wag kanga no jan ah! Pektusan kita eh.“ – Sabi ni Chanyeol.
“ MR. PARK! Shut up. Kayong lahat, sumunod sakin papuntang Guidance. And let’s meet the principal!
Eh di sumunod kami. Wala na din naman kaming magagawa.
Nang nasa Guidance na kami…
“ What happened?! “ Tanong ng principal namin.
Sinabi lahat ni manong guard kung ano nangyari. Pati na din yung teacher naming.
Eh di ayun. Pinagalitan kami. Pero medyo… Lusot naman kami ni Chanyeol XD Yung anim na tukmol yung super lagot. Suspended sila for 2 months /throws confetti/ XD
Umalis na din kami ni Chanyeol sa Guidance Office at dumiresto na sa meeting para sa Drama Club. Pero ang saklap ng life! Hindi kami pinapasok. Alam naman nila na natanggap kami ni Channie. Pero ayaw talaga nila kami papasukin. Tinanong naming kung bakit, ang sagot lang nung mga nag babantay, “ basta. “
Lumapit samin yung president nung Club.
“ Hindi na kayo pwede dito, dahil may record na kayo. “
“ Huh?! Nabalitaan niyo agad? Ang bilis naman! Eh teka. Isang beses pa lang naman yun ah? “ – Sabi ni Chanyeol.
“ Kahit na. “– Sagot sa kaniya.
^There.. ★
Start from the beginning
