Chapter 16

68 1 0
                                    

Chapter 16

Photoshoot


Maaga akong dumating sa office, nagkaroon kasi ng conflict sa ibang schedules kaya kailangan ko agad ayusin. Ngayon na 'yong photoshoot ni Lyra, sabi niya whole day daw ang photoshoot nila doon. Gusto ko pa nga sumama pero sabi niya bawal daw magsama pero I remember na may iniwan siyang address sa table ng office ko. Agad ko namang hinahanap 'yon and luckily, I found it.

May agad naman kung anong pumasok sa isip ko, puntahan ko kaya siya? A surprise visit on her photoshoot? Wala namang masama doon diba? Hindi naman ako manggugulo, papanoorin ko lang siya. I just love her.

Pagkalabas ko naman ng office ko ay nakasalubong ko si Elly na kakapasok pa lang ng shop ko. Pansin kong madalas siyang pumunta dito ah?

"Saan ka pupunta?" tanong naman niya sa akin.

"Sa photoshoot ni Lyra."

"Oh," nguso pa niya. "Can I come?"

Hindi ko alam pero bigla na lang din akong napatango sa kanya. Wala na naman akong nagawa, ayoko namang bawiin pa 'yon. Sinabihan ko naman si Pelma na siya munang bahala habang pupunta kami sa photoshoot ni Lyra.

Hindi naman gaanong kalayuan 'yon kaya makakarating din naman kami agad doon.

Tahimik lang si Elly sa buong biyahe namin. Pero kapag kinakausap ko naman siya ay sumasagot naman siya sa akin kaya hindi naman naging awkward ang buong biyahe namin. Hindi ko na tinanong kung bakit siya madalas siya shop dahil baka iba na ang dating sa kanya no'n.

"Anong minomodel ni Lyra?" tanong niya.

I shrugged, "hindi ko alam pero sabi niya ay sa isang magazine daw siya magmo-model ngayon."

"Oh, great. Sikat pala girlfriend mo eh."

Napangisi na lang din naman ako, "hindi naman."

Muli bumalik 'yong tahimik sa paligid naming dalawa. Mabuti na lang ay narating din namin kaagad ang location ng photoshoot nila Lyra. Bumaba naman kaagad kami sa sasakyan. Hinarang naman kami ng guard papasok.

"Sino sila?" aniya.

"Boyfriend ako ni Lyra, 'yong model." Sabi ko.

"Sige sir." Saka ako pinatuloy.

"Ma'am, ano po kailangan nila?"

Bumalik naman ako sa guard, "ah, kaibigan ko po 'yan." Sabi ko pa.

"Ah, sorry sir kasi limitado lang talaga ang mga taong pwedeng makapasok sa loob. Pinagbigyan lag kita sir dahil kilala mo 'yong isang model namin." Aniya. "Bawal po ma'am pumasok." Sabi pa nito kay Elly.

Lumapit naman ako kay Elly at inabot 'yong susi, "just wait in the car, mabilis lang ako."

"Sure." Ngiti pa niya. Alam kong bakas sa mukha niya 'yong disappointment pero wala naman akong magagawa dahil panuntunan nila 'yon. Buti nga nakapasok pa ako sa loob eh.

Hinanap ko naman kaagad 'yong room kung saan sila nagpo-photoshoot ngayon. Mabuti na lang din ay nakita ko ang manager ni Lyra.

"Oh, anong ginagawa mo dito Caelan?" halatang gulat pa nang makita ako. "Paano ka nakapasok dito?" aniya.

"Pinapasok ako ng guard, saka bawal ko na bang bisitahin ang girlfriend ko sa photoshoot niya?" ngisi ko pa.

"Hindi ka ba sinabihan ni Lyra na bawal ang outsider dito?" aniya pa.

"She's my girlfriend."

"Oo nga, boyfriend ka niya pero bawal pa rin."

"Bakit ba? I want to see my Lyra."

"Bawal, busy siya."

"No, I can watch her."

"Caelan ang kulit mo!" aniya pa.

Pero hindi ko na lang siya pinansin kundi pinuntahan ko 'yong room kung saan sila nagpo-photoshoot. Pagkapasok ko pa lamang ay nanlamig kaagad ako sa paligid. Nakita ko naman agad sila pero mas nanlaki ang mata ko nang makita ko si Lyra nan aka hubo't hubad kasama ang isang lalaki na wala ring saplot habang pini-picturan.

Mabilis na kumuyom ang palad ko sa inis.

"Caelan!" mabilis na natuon ang atensyon ng lahat sa pagtawag sa akin ni Lyra. Inabutan naman siya ng robe at binalot ang katawan doon. Nanatili ang kasama niyang lalaki sa posisyong iyon. Napailing na lang din ako. "Anong ginagawa mo dito?" hihilain pa sana ako ni Lyra palayo doon pero pumiglas ako.

"You promised me, Lyra that you wouldn't ever do that pero ano 'to? You lied to me."

"Pero it's an art, Cae!"

"I don't care if it's a fucking art or anything, you lied to me Lyra. At hindi ko masikmura 'yong nakita ko kanina, kasama mo 'yong lalaking 'yon? Tinatago mo 'yong private niya ng kamay and versa?! What the fuck are you doing Lyra!"

She pushed me away, "you're just my boyfriend, Caelan!"

"I'm just your boyfriend pero may karapatan ako sayo dahil girlfriend kita!"

"Hey stop!" lumapit ang lalaking nude, hindi pa rin ito nagsusuot ng robe. Pucha!

"Uuwi na tayo, Lyra." Pagkuha ko sa kamay niya.

"I'm not coming with you, Cae." Pagpiglas naman niya. "I'm working can't you see? Pag ikaw ang busy, pinapakelaman ba kita? Hindi diba?! Leave me alone."

"Oh, you're breaking up with me."

She smirked, "if that's what we need, yes." She said.

"Okay, I'm fine with that."

"Thank you." She smirked. Agad naman niyang nilapit sa kanya ang lalaking kapareha at hinalikan niya iyon. "Thank you for wasting a girl like me, Cae."

"You're nothing, Lyra." I smirked. "It is better to be without you 'cause the girl I love is back."

Lumabas na ako ng room na 'yon. Dali dali naman akong bumalik ng sasakyan at dahil sa puno ng galit ko ay kung ano ano na ang ginawa ko sa manibela.

"Easy, Cae, anong nangyari?" pagpahinahon niya pa sa akin.

Huminga naman ako ng malalim, "she lied to me, isang nude photoshoot ang pinuntahan niya and we're off."

"Huh?"

I breathe, "she kissed someone, that nude guy. Hindi ko pinagsisihan 'yong nangyari, she lied and she did all of this."

Hinawakan naman ni Elly ang kamay, "bukas na ang 2nd anniversary niyo pero nangyari pa 'to."

"Yeah, sucks." Ngisi ko pa.

Mayamaya na lang ay nagulat ako ng bigla akong halikan ni Elly. It lasted for how many minutes, lumayo lang kami sa isa't isa para muling makakuha ng hangin.

"What was that for?" I asked.

"For wasting my years of not being with you Cae..." she smiled, her tears starts to fall off. "Maybe this is not the right time but I can finally say it... I love you Cae, I never forget all about you."

I smirked and reach her face, "you never lost in me, Elly..." I'm slowly lean on her and our lips met. "I love you..."

Isang Saglit, Isang Tingin -A Novel-Onde histórias criam vida. Descubra agora