Chapter 12

66 1 0
                                    

Chapter 12

Girlfriend


"Oh, Gabe, sige, I'll go tell it to my staffs. Kailangan ko na kasi talagang umalis." Sabi ko sa kanya sa kabilang linya.

"No, it's okay. Thank you!" aniya.

"Okay, see you!" saka ko binaba ang telephone at tumungo na sa sasakyan ko.

Napatawag si Gabe dahil nag-suggest daw si Giya na gusto nito ng photobooth. 'Yong promo kasing kinuha ni Gabe ay hindi kasama 'yong photobooth so he need to change everything para maisama na 'yon. Pina-asikaso ko na lang sa mga staffs ko 'yon dahil kailangan ko nang umalis. I have a gig tonight, Friday ngayon at laging maraming tao dahil week-end kinabukasan.

Mabilis ko lang din namang narating ang bistro. Hindi nga ako nagkamali dahil madaming tao ngayon ang bistro. Aside from the camera, kinuha ko naman sa gilid ko ang acoustic guitar ko. No'ng una medyo nahirapan ako, nagka kalyo pa ang mga daliri ko para lang matuto then now, gamay ko na ang bawat strings ng gitara.

Sinalubong naman ako ng owner ng bistro.

"Good you came a bit early tonight, Mr. Donovan. Kanina ka pa kasi nila hinahanap." Aniya.

"Talaga po?" hindi ko makapaniwalang tugon. Hindi lang naman ako ang nagpe-perform dito. Madami kami, all though out the night papalit-palit kami para naman hindi magsawa ang audiences sa iisang performer lang.

Tinapik naman ako nito, "kaya tara na sa loob."

Pumasok naman ako sa loob. Inayos ko naman ang sarili ko sa gilid hanggat sa tumungo na ako sa stage. Madami ngang tao ang bistro ngayon. Nang makuha ko naman ang atensyon nilang lahat ay tumingin sila sa akin at nakatanggap naman ako ng palakpakan mula sa kanila. Kanina pa nga siguro nila ako inaabangan.

"So, tonight, I'll be singing this song for the girl I love before, for the girl I've wanted so much but I can't do anything because she's already owned by somebody. So, this is for her..."

They took an applause, I started to strum my guitar.

'Aren't you something to admire, 'cause your shine is something like a mirror
And I can't help but notice, you reflect in this heart of mine.'

Whenever I think of her, I always regret the feeling of losing her. Wala akong idea kung nasaan siya ngayon. Ano kayang ginagawa niya? Sila pa rin kaya ni Jiro o baka naman may bago na siyang boyfriend? Masaya kaya siya ngayon?

''Cause I don't wanna lose you now
I'm looking right at the other half of me
The vacancy that sat in my heart
Is a space that now you hold.'

When I finished the song, I get a standing ovation from the audiences. Humirit pa sila ng isang kanta sa akin pero sabi ko babalik ako mamaya. Bumaba naman ako ng stage at 'yong isang performer naman ang umakyat doon. Nilapitan naman ako ni Akiko—ang owner ng bistro na siya ring kumuha sa akin dito.

"A better way to start the night, Caelan." Aniya. Hindi naman niya maalis ang ngiti sa labi niya, syempre as the owner of the bistro, ngayon na nakikita mong maraming tao ngayon at nagugustuhan nila ang mga performances ay tiyak na babalik-balikan ang bistro. "Oh, what do you want?"

"Ha? Hindi na, okay lang ako."

"No, okay, sit there, ako na lang magbibigay sayo." Aniya.

"Okay," ngisi ko pa.

Isang Saglit, Isang Tingin -A Novel-Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin