Chapter 2: Chi

Magsimula sa umpisa
                                    

“Sino'ng kausap mo?” kalabit sa akin ni Venny. “Si King ba? Umalis na, kanina pa. I bet he doesn’t want to listen to a girl like you, eh. So please save mo na lang iyang mga nonsense na lumalabas sa bibig mo.” At ang lakas pa ng loob niyang mag-hair flip sa harap ko! Humanda talaga sa akin itong konyo na ito. May araw ka din.

Nginitian ko siya. Yung ngiting plastic. “Okay lang iyon. Sanay na ako kay King. Sanay na naman tayong lahat sa kanya na hindi namamansin eh. Ikaw lang talaga ang may gustong mapansin niya.”

Nakita kong namula ang mukha niya at bigla na lang siyang umalis ng classroom.

“Wow. Gumaganyan ka na pala Sofia,” nakangiting sabi ni Inna mula sa likod ko.

“Eh namumuro na sa akin ‘yang konyong iyan eh.”

“Tsk. Gumagawa ka lang ng iskandalo eh. Speaking of scandals, anong nangyari kaninang Religion time? Pinatawa ka ni King? Hindi ako naniniwala. Imposibleng mangyari iyon.”

Napangiti ako bigla nang maalala ko iyong kanina. Kaya ikinuwento ko kay Inna ang nangyari.

“Nako Sofia hindi naman nakakatawa eh.”

“Para sa’yo,” Bilang lang naman kasi talaga yung mga bagay na makakapagtawa dito sa babaeng ito. “Tara na nga, umuwi na tayo. Mag-aaral pa ako para sa quiz natin sa Math bukas.”

Sa bahay, nagpakasubsob talaga ako sa pagsagot sa mga pamatay na equations. Pinaulit ulit ko ang pagsagot sa mga equations na hindi ko talaga makuha. Grabe naman kasi. Bakit pang kailangan maimbento ang Math?! Ito lang talaga yung subject na di ko maitaas ang grade kahit anong gawin ko. Kasi naman, kelan mo ba gagamitin ang Algebra sa totoong buhay?! Kailangan mo pa ba ng x at y kapag bibili ka ng shampoo sa tindahan? Nakakainis talaga.

Natulog na ako nang makuntento sa mga napag-aralan ko. Kinabukasan pagkagising ko, I feel refreshed. Feeling ko maipapasa ko ‘yung test namin sa Math mamaya.

Madami dami na din akong classmates pagdating ko sa room. Dahil 'di na ako makakatambay doon sa pwesto ni Inna, kinawayan ko na lang ito at dumiretso na ako sa upuan ko. Wala pa doon si Venny. Wala pa din si King. Bigla ko tuloy naisip kung buhay pa si Chi. Baka kung anong nangyari don sa mga kamay ni King.

Wala naman akong magawa ngayon kundi mag-aral na lang. Maya-maya, habang nagkakandasubsob na ang mukha ko sa pagkakapal na Math book namin, may nakatayo na pala sa harap ko. Si King ang sa isang kamay niya ay—

“Ano iyan?! Anong ginawa mo?” Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at biglang kinuha ang isang supot na may basag na itlog sa loob. “Waaahhh! Pano na iyan! Wala pang isang araw sa atin si Chi tapos ganito na?! Ano ba kasing nangyari?”

Maluha-luha na ko sa pag-aalala. Nakita ko din na pinagtitinginan nanaman kami ng mga kaklase ko. Nang binaling ko ang tingin ko kay King, namumula na ang mukha niya sa sobrang pagpigil sa pagtawa niya.

“O, at nagagawa mo pang tumawa?! Ano baaa…” Sa totoo lang, unang beses kong makita si King na tumatawa. Tao din naman pala itong mokong na ito.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon