Chapter 25: Old school house

Start from the beginning
                                    

Sabi ko na nga ba may hidden agenda talaga 'tong si Charmaine kung bakit mag-aaya bigla ng ghost hunting eh hindi naman kami masyadong close. Gusto lang talaga nitong lumandi kay Red, e'di lumandi siya... as if may pake ako.

"Oo na, oo na." Pagsuko ko sa kanya. Wala naman akong magagawa dahil nahatak na rin naman ako rito.

Naglakad na kami pabalik sa mga lalaki na nakaupo sa gilid ng fountain. "Okay let's pair up. Tutal naman anim tayong nandito. Ako at si Red, si Jasmin at si Charly, kayong dalawa naman Klein at kuya..."

"Carlo. That's the name of the most handsome student here at Altheria." Napangiwi naman kaming lahat dahil umandar na naman ang kahanginan ng lalaking 'to.

"Yeah whatever, tara na sa old school house."

Nagsimula na kaming maglakad patungo roon sa old school house. Actually medyo malayo ang nilakad namin dahil abandonado na ang lugar na iyon sa Altheria. "Sigurado ka ba na papasok tayo diyan? Tingnan niyo may warning sign na bawal pumasok." Pagsasabi ko nung makita ko yung sign.

Dis-oras na ng gabi kami nagpunta rito at dagdagan pa ng malakas na hampas ng hangin at mga puno na walang buhay. Juicecolored! Ganitong-ganito yung mga napapanuod ko sa mga horror movies eh.

"Scaredy cat." Biglang nagsalita si Red at matalim ko siyang tinitigan.

"Scaredy cat mo mukha mo. Ako matakot? Asa ka naman!" Pagsagot ko sa kanya.

Tumalon na sila isa-isa sa bakod na nakaharang habang kami ni Red ay naiwan pa sa labas. "Hoy babae! Ano hinihintay mo d'yan pasko? Talon na!" Malakas na sigaw sa akin ni Charly at mukhang bagot na bagot na ang lalaki na 'to. Kung ano ang ikinamaldita ng kakambal niya iyon naman ang pagiging bugnutin nitong ni Charly. Seriously, pinaglihi ba sa sama ng loob 'tong kambal na 'to?

"Arte pa eh!" Bigla kong naramdaman na umangat ako sa lupa dahil binuhat pala ko ni Red.

"Ano ba bitawan mo nga ako!" Kumapit ako sa bakod at tinuntong ko ang paa ko, "Kaya kong umakyat. Without. Your. Help." Inirapan ko siya pero gumanti lang din ng irap si Red.

"Ang bagal naman ng magnobyo na 'to! Bilisan niyo! Excited na 'ko!" Sabi ni Klein.

"Magnobyo?!" Malakas na sigaw ni Charmaine at Carlo na mukhang nagulat sa sinabi ni Klein.

"Oo kanina naglalakad sila ng magkaganito..." Ipinagsalikop pa ni Klein ang kanyang kamay at sinasabing magka-holding hands kami ni Red.

"Hoy Klein kung ano-anong sinasabi mo d'yan!" Sabi ko at mahina siyang hinampas sa balikat. "Charmaine hindi totoo 'yon. Alam mo naman 'yan, may sayad." Napatango-tango naman si Charmaine.

"Tapusin na nga natin 'to. Inaantok na ko." Biglang nagsalita si Charly.

Pinagmasdan ko muna ang lumang school house. Basag-basag ang salamin nito at wala akong makita kahit isang ilaw na bukas. Panlabas na anyo pa lang nito ay sobrang nakakatakot na, paano pa kaya kapag pumasok na kami.

"Kami ang mauuna ni Red then after 5 minutes ay sumunod kayo Jasmin. Then after 5 minutes ay pumasok naman kayo kuya Carlo at Klein. Gets ba?" Pagtatanong ni Charmaine at si Klein lang ang excited na sumagot ng 'oo'.

Pumasok na sina Red at Charmaine papasok sa abandonadong school house. Kung makakapit naman 'tong si Charmaine kay Red kulang na lang pati paa isabit sa katawan ni Red. Sarap sipain ng masubsob sa lupa.

Tuluyan ng pumasok sina Red at Charmaine sa loob ng old school house at tuluyan ng nawala sa aming paningin. Pinahid ko naman ang kamay ko sa suot kong short dahil ramdam ko ang pagiging pasma nito dahil sa kaba.

"Takot ka lang pala talaga. Tss." Pagsasalita ni Charly na nasa akin at inayos niya ang salamin na kanyang suot.

Maldito rin 'tong si Charly eh pero angkop naman ang pagiging masungit niya dahil matalino naman siya, in fact nasa top 10 marsham alchemist nga siya. Si Charly yung masasabi kong may class ang pagiging maldito samantalang yung kapatid niya ay parang nakikipag-away lang sa iskwater area.

"Oh five minutes na! Pumasok na kayong dalawa Jasmin." Pagtulak sa akin ni Klein pero mahina lang naman. "Go! Hintayin mo kami sa exit sa kabila."

Noong napalingon ako sa harap ay nagsisimula na palang maglakad papasok si Charly, bwisit na lalaki 'to. Hindi man lang marunong maghintay, matalino nga! Hindi naman gentleman.

Tumakbo ako para mahabol siya, "Charly sandal lang."

Naku! Wish me luck sa pagpasok namin dito.

Altheria: School of AlchemyWhere stories live. Discover now