Wattpad Original
Mayroong 21 pang mga libreng parte

Chapter 5: Polto's Forest

298K 9.5K 2.2K
                                    

HALOS alas tres na ng hapon at gagawin namin ang plano naming paglabas sa Altheria Academy.

"Sigurado kayo? Baka mapahamak tayo?" pagtatanong ni Bea habang naglalakad kami papunta sa may gate.

"Hindi 'yan!" pagpapalakas ko sa loob niya. "Akala ko, ang school lang natin ang lumulutang sa langit. Hindi ko alam na may mga lugar pa pala sa labas ng school."

"Para siyang floating country. Sabi ng iba... marami ka raw makikita sa labas ng Altheria. Pero karamihan daw sa lugar na iyon ay mga lugar na hindi dapat puntahan ng mga freshmen na kagaya natin. Masyadong delikado ang mundo na puro mahika," sabi ni Bea. Hindi naman ako natakot. Bagkus ay na-excite pa nga ako lalo dahil ibig sabihin nito ay maraming adventure sa labas ng school.

Noong makarating kami sa may gate ay agad naming natanaw ang guard na nagbabantay papalabas. "Oh anong plano natin? Mukhang mahigpit ang pagbabantay na ginagawa noong guard," sabi ko kay Red pero tiningnan niya lang ako.

"Kapag gusto, may paraan." Mapaglarong ngisi ang kumurba sa labi ni Red. Tumakbo siya patungo sa guard. Ilang beses kong tinawag ang pangalan niya ngunit hindi niya ako pinakinggan.

"Kuya! Kuya! May mga estudyante pong nag-aaway roon sa garden!" pag-arte ni Red sa harap noong guard.

"Talaga? Oh sige! Sige pupunta na 'ko ro'n! Salamat, bata." Tumakbo na 'yong guard paalis at hindi ko inaasahan na mabilis siyang mapaniniwala ni Red.

Nag-wave si Red ng kamay at inaaya kami. Tumakbo kami ni Bea patungo sa kanyang direksyon... Binuksan namin ang gate at lumabas sa Altheria Academy.

Paglabas namin ay namangha ako sa gandang taglay ng nasa labas ng Altheria Academy. Puro bulaklak ang madadaanan mo at iba't ibang kulay ng mga paro-paro ang nagliliparan.

"Ang ganda," bigkas ni Bea.

"Kailangan nating magmadali. Malapit nang kumagat ang dilim at bukas na ang pasahan ng assignment," sabi sa amin ni Red.

Nagpatuloy lamang kaming tatlo sa paglalakad hanggang sa unti-unti na kaming makapasok sa isang gubat. Hindi ito pangkaraniwang gubat dahil may liwanag na nanggagaling sa lupa nito at parang may maliliit na bituin na kumukuti-kutitap sa buong paligid. Pagkapasok mo pa lang ay may magical sensation ka nang mararamdaman.

"Sigurado ka ba, Red, na walang mga gumagalang kahit anong hayop dito?" natatakot na sabi ni Bea habang nakahawak siya sa laylayan ng damit ko. Kahit madaldal nang sobra si Bea ay matatakutin talaga ito. Kapag nalaman ng school committee na lumabas kami ng Altheria ay baka parusahan nila kami.

"Malapit lang ang gubat na 'to sa school. 'Tsaka walang hayop na gumagala masyado rito dahil maraming senior students ang nagpapahinga rito," pagsasalita ni Red habang naglalakad kami.

Napadako kami sa may isang batis at mabilis na inilabas ni Red ang isang maliit na bote at kumuha ng tubig.

Ilang minuto na kaming nag-iikot sa Polto's Forest pero hanggang ngayon ay wala pa kaming natatagpuang spinach herb o kaya naman blue petal ng rosas.

"Malapit nang magdilim, oh. Bumalik na lang kaya tayo," nag-aalalang sabi ni Bea. "Baka kapag nalaman nilang nawawala tayo sa loob ng Altheria ay maparusahan pa tayo."

"Ang pessimist mo naman, Bea. Hindi tayo mapapagalitan, ano ka ba!" natatawa kong sabi, "Oh ayon! Nakita ko na 'yong mga spinach herb!"

Tumakbo ako sa direksyon ng spinach herb at kumuha ng ilang piraso. Habang tinitingnan ko itong maigi ay dito ko nakita ang pagkakaiba ng mga spinach herb na nakukuha sa school at dito sa gubat. Mas may buhay ang mga halaman dito dahil na rin siguro may mahika ang lupa ng lugar na ito.

Altheria: School of AlchemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon