First Kill

53 2 0
                                    

First Kill – Heart's Day Heartbreak


Late na si Cyrene para sa una niyang klase pero nakuha niya pang bagalan ang lakad na para lang siyang nagsasagala. Palibhasa kasi ay marami pang tao sa lobby. Magagawa niya na naman ang paborito niyang hobby—ang i-display ang kanyang mala-diyosang ganda.

"Ang ganda niya talaga!"

"At ang sexy pa. Balita ko kasing ganda niya ang ugali niya."

"Naamoy n'yo ba 'yong mabango? Siya 'yon di ba?"

Bahagya siyang yumuko saka tila nahihiyang hinawi ang buhok niya pabalik sa likod ng kanyang tainga. Gustong-gusto niyang nakakarinig ng mga ganoong klaseng papuri. They uplift her spirits. She's the most perfect example of the overused insult among her type—

"Gandang ganda sa sarili!"

"Sinabi mo pa!"

Of course, praises wasn't all she's getting. May mga naiinis din sa kanya.

Inggit lang kayo!

Pinigilan niya ang sariling irapan ang dalawang babaeng narinig niyang nag-uusap. Poised na itinuloy niya na lang ang paglalakad papunta sa una niyang klase. She can't let her haters get to her nerves. Masyado pang maaga para magpadala siya sa haters niya. Valentine's pa naman. She can't afford to look stressed in front of her fans.

And speaking of fans! Pagdating sa classroom ay dagsa na ang mga ito para bigyan siya ng bulaklak, tsokolate at iba pang regalo. Unfortunately, she can't take any of those gifts. Not now that she's already in a relationship with the equally famous Aquarius Mendoza. Pero dahil kahapon niya lang sinagot si Aqua, wala pang masyadong nakakaalam ng tungkol sa relasyon nila. She knew a lot of them were looking forward to this day to express their love for her, but she needed to turn all of them down.

Dinaan niya na lang sa charm ang ginawang mass rejection nang hindi naman siya kamuhian ng mga admirers niya. Kahit may boyfriend na siya, ayaw niyang mabawasan ang humahanga sa kanya. After all, she's enjoying her celebrity status in school.

"Miss Ybañez, do you realize how long had you and your fans interrupted our class? Sobrang ingay n'yo sa labas, hindi kami magkarinigan dito!" sita ni Ms. Almazan sa kanya pagpasok niya sa silid. Ginatungan pa ng mga "haters" niya ang pamamahiya ng kanilang matandang dalagang maestra:

"Buti nga."

"Ang landi kasi eh."

"Feeling maganda!"

She pursed her lips and made the most morose and apologetic expression her face could ever make. "Sorry po, Ma'am. Hindi na po mauulit."

Ipinagtanggol naman siya ng mga lalaki sa silid. Natural, puso ng mga ito ang unang nasaktan nang makita ang maluha-luha na niyang mga mata.

Mukhang tinablan din ang propesora nila. Yumuko ito saka tumikhim, mistulang nagsisi sa ginawa sa kanya. "Sige na Miss Ybañez, maupo ka na."

Pinigilan niya ang sariling mapa-yes sa saya. Maliit lang din ang ngiti niya nang tunguhin ang kayang silya. Doon siya sinalubong ng mapanghusgang tingin ng mga kabigan niya, sina Sanya at Ginger. Pero kaiba sa mga galit sa kanya, minamata siya ng dalawa dahil alam ng mga ito ang totoo.

"At ba't late ka na naman?" Bagaman nakabulong ay bakas ang katarayan sa tinig ni Sanya. Sa mismong likuran niya ito nakaupo.

"Malamang dumisplay na naman sa labas." Ang nasa kanan niyang si Ginger ang sumagot. "Kaya maraming galit dyan eh, pa-demure kasi!"

"Shaddap!" nagpipigil na saway niya rito. Ewan niya kung dahil lang magpinsan ang dalawa, pero noon pa ma'y tandem na ang mga ito sa pang-aasar sa kanya. Pikunin kasi siya. At pagdating sa mga ito ay hindi niya iyon itinatago. Hindi niya kailangang magpanggap at magpa-charming. Tanggap siya ng mga kaibigan sa kung ano pa siya.

Alas onse y media na nang matapos ang kanilang 3-hour subject. Didiretso na sana siya sa cafeteria para mag-lunch nang may mapansing criminology student sa labas ng classroom. Nakatayo ito sa isang sulok, nakasandal sa pader, nakayuko at may dalang bouquet ng Ferrero Rocher.

Nang mag-angat ito ng tingin ay ngumiti siya. Hindi sa asumera siya, alam niyang siya ang sadya nito at para sa kanya ang inayos nitong chocholate bouquet. Kung hindi ba naman ay bakit ito maghihintay sa labas ng classroom nila gayong kanina pang tapos ang klase? Huli lang siyang lumabas dahil kinausap pa siya ni Ms. Almazan. Aba't imposible naman yatang ang propesora niya ang sadya nito!

Umayos ito nang tayo nang lumapit siya. Nananatili itong nakayuko, tila nahihiyang humarap sa kanya.

"Kanina pa tapos 'yong klase namin. May hinahanap ka bang estudyante?"

Marahan itong umiling. Mas okay sana kung titingin ito sa kanya nang makita niya ang mukha nito. Guwapo pa naman ito—maputi, mapungay ang mga mata at maganda ang hugis ng ilong. Manipis din ang mamula-mulang mga labi nito. Confidence na lang ang kulang at pang-Ginoong Stadtfelt na ito. But by the looks of it, mukhang hindi ito ang tipong may lakas ng loob para sumali kahit sa isang school-based pageant.

"I-Ikaw," nauutal pang sagot nito. "Ikaw talaga ang sadya ko rito. P-Para sa 'yo," patuloy nito saka ibinigay ang dalang bouquet ng paborito niyang tsokolate.

"Uhm, okay lang namang mag-assume di ba?" aniya. "May gusto ko ba sa 'kin?"

Tumingin ito sa kanya saka marahang tumango. Hindi na niya napigil ang sariling mapangiti. Isang lalaki na naman ang nahulog sa makamandag niyang ganda! At hindi ito basta kung sino lang. Heartthrob material ito, kulang lang sa tindig at ayos.

"You know what? You're cute," she said, matter-of-factly, but the furrow which formed between her brows could tell him otherwise. "Kaso may boyfriend na 'ko eh. Kaya kahit ga'no ko kagusto, hindi ko matatanggap 'to." Simangot na ibinalik niya ang tsokolate rito.

Ngunit hindi ito kumilos. His mind must still be trying to process her confession.

"Kuya, okay ka lang?" Kumaway siya sa harap nito. Gusto niya nang matapos ang pag-uusap nila nang makakain na siya.

Pero hindi pa rin ito sumagot. Masyado yata itong nagulat sa sinabi niya. Mukhang hindi pa kumakalat sa buong university ang ibinalita niya sa mga nagtapat sa kanya kaninang umaga.

"Kuya, hello?" untag niya rito. Salamat at sa wakas ay naibalik niya ito mula sa pagiging lutang.

"Ah, ano 'yon? Anong sinabi mo?"

"Sabi ko may boyfriend na 'ko. Kaya hindi ko matatanggap 'tong chocolates. Thank you na lang." Iniabot niya muli rito ang kinatatakamang Ferrero.

"Pero para sa 'yo kasi yan eh," sagot nito. Ngayong tuwid na ito magsalita ay napansin niyang guwapo rin ang boses nito. Masarap iyong pakinggan. Mala-anghel at inosente. "Okay lang kung may boyfriend ka na. Sana tanggapin mo pa rin 'yan kasi para sa 'yo talaga 'yan. Hindi ako mahilig sa tsokolate at wala rin akong ibang pagbibigyan. Kaya sana kahit 'yan man lang tanggapin mo. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa 'yo. Pero sana—"

"Okay!" nakangiting putol niya sa sinasabi nito. "Favorite ko 'to kaya hindi na 'ko magpapapilit pa. Salamat dito ah! Sige, una na 'ko." Tinapik niya ito sa balikat. "Thank you ulit!"

Hindi niya na ito hinintay na sumagot. Basta naglakad na siya palayo. Ni hindi niya ito nilingon, hindi na rin naman siya nito hinabol. Habang naglalakad pababa ng hagdan ay pumitas na siya ng isang tsokolate. Nakangiti niya iyong kinain. Pipitas na sana siya ng isa pang balot nang mapansin ang card na kalakip ng pumpon.

Kinuha niya iyon saka tiningnan ang nakasulat.

To Cyrene Marie L. Ybañez

Happy Valentine's Day!

- Jacob Paralejo


----

No proofread.

Vote or comment if you liked the opening chapter :)

#DoubleKillRejection

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Double Kill Rejection Where stories live. Discover now