Entry 10 RED

3.7K 98 0
                                    


Andy's POV

Sumimangot ako.

Antahimik naman ni James.

I steal a glance at him.

Seryoso pa rin syang nag-drive papasok sa village namin.

Well, tampo pa ako sa kanya (pero konti na lang ^____^) kahit na binigyan nya ako ng gummy bears kasi naman...

*flashback*

Biglang lumapit sa amin si James.

"Eto gummy bears mo!" padabog na inabot sa akin ung isang balot na gummy bears.

Nagtatakang kinuha ko. Anong problema ng lalaking ito? Ansama pa ng tingin kay RED??

Tinignan ko na lang sya na as if asking kung para saan ung candies.

"Para sa kanina." pabulong na sabi nya.

Tumango na lang ako. Whatever na lang.

Tumikhim si James. Tapos nanlaki ung mata nya.

"Ah... James, si Rowel Eric Dinglasan best friend ko. Red, si James best friend ni Luke." pakilala ko.

"Hi!" Si Red, ang ever friendly BFF ko, with matching pag-abot ng kamay.

Mukhang half-hearted na inabot ni James ung kamay nya. "Nice meeting you."

Tumaas ung kilay ko. Bakit bad mood si James? Problema nito?

"Tara." si Red.

Sasamahan ko nga pala si Red sa isang shop para ibili ung girlfriend nya ng gift para sa monthsary nila. Anlaki na kasi nung utang ko sa kanya. Kasi naman, si James lagi naka-buntot sa akin. -___-

Tumango ako at susunod na kay Red.

Naramdaman ko bigla ang paghatak sa braso ko.

Si James.

Tinignan ko ng masama si James. Nakakunot ang noo nito kay Red. Ano bang problema nya?

"Ihahatid ko na sya pauwi." sabi ni James.

Ha??Di ko alam un. Tsaka di ba galit ako sa kanya? -___-

"Ah! Ganun ba?" si Red na mukhang may kalokohan na nalaman.

Pinandilatan ko sya. Ano ba, Red?!! May pinag-usapan tayo di ba? Anong binabalak mo?

"Sige, sa Saturday na lang ang date natin Andy." sabi ni Red na may kindat pa.

Kahit na hawak ni James ang braso ko, nilapitan pa rin ako ni Red at humalik sa buhok.

Adik na lalaki ito!! Anong kalokohan ang binabalak nya?

Pagka-alis ni Red, kinaladkad ako ni James sa kotse nya. At di na sya umimik.

Walang imikan kami. Wala naman problema sa akin un eh.

*end of flashback*

Isang kanto pa bago pa ang bahay namin nang huminto ang sasakyan ni James.

"Di ka pwedeng makipag-date sa Red na un!" utos ni James.

"HA?!"

"Di mo ba narinig ang sinabi ko?"

Ano bang nakain ng lalaki na ito?

"Andy!"

"Ano ba?"

"Di ka makikipagkita sa lalaki na iyon!"

"You're being unreasonable, James." simpleng sabi ko at bumaba na sa kotse nya.

Di na kalayuan ung bahay namin. Maglalakad na lang ako.

"Andy!!" sigaw nya.

Di ko sya pinansin.

"Andy!!"

Magsisigaw ka dyan, James hanggang mapaos ka!

"Andy naman!!"

Lumingon ako. Sinundan nya pala ako.

"Andy... Uy..." malambing na sabi nya habang lumapit sa akin.

Pinagmasdan ko lang sya.

"James, you're not making sense. Bakit di ba pwede?"

"This saturday, darating si Grandma."

Natigilan ako.

Sa sabado na ang dating ng lola ni James. No. Hala!!!

Wala pang girlfriend si James. Lagot na!

Kumunot ang noo ko. Umiling ako. Ang choosy ni James. Ang arte! Wala syang mapili habang nagkakandarapa ang mga babae para sa kanya.

Bahala sya sa buhay nya!!

"Wala akong pakialam!" sabay walkout!

Entry no. *****
They said distance is effective to forget. Pero di epektib sa akin un eh. Moving on na lang siguro. Past is past. At wag na i-involve ang sarili sa kanya.

My Brother's Best Friend (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat