Entry 1 Girlfriend

9K 209 0
                                    

Entry No. *****
Masyado na bang childish ang pagtatago ko ng diary?
10 years ko na ginagawa ito eh...

I sighed. Tiningnan ko ang collection ko ng journals. Di ko naman inakala na seseryosohin ko ang pagsusulat ng journals. Since 9 years old pa lang ako, nagsimula na akong magsulat. Ngayon na 19 years old na ako, patuloy pa rin ang pagsusulat ko... I wrote everything... Random thoughts at ang ...

Nakarinig ako bigla ng papasok sa library namin dito sa bahay. Currently, nakaupo ako sa ilalim ng study table ni Daddy. Ayoko kasi na makita ako ni Luke na pinagpapatuloy ko pa rin ang pagsusulat after nya makuha ang journal ko before. Napagalitan sya ng bongga ni Daddy dahil dun.

Narinig ko si Luke na tumatawa.

Magpapakita ba ako.. 

Nang biglang...

Nakita ko na may kasama si Luke...

Omo!!

Sumiksik pa lalo ako sa ilalim ng table...

Kasama ni Luke si James.

Si James Gabriel Villanueva.

Ang childhood friend naming dalawa ni Luke.

Best friend ni Luke.

At....

ang first love ko. Alam ko na sya ang mahal ko simula pa nung 9 years old ako at dahil doon, tsaka ako nag-umpisang mag-journal.

Hay...

Matagal na panahon ko syang di nakita. Dalawang taon syang nawala. Tumira sya sa lola nya sa Tarlac. Samantalang kami ay  dito lang  sa Makati.

Sumilip ako kina James.

Nakita ko na lalo syang nagmukhang mature. Nawala na ung pagka-round nung face nya at naging mas lean ung body.

Sa pagsilip ko nun, bumilis ang tibok ng puso ko. Feeling ko nagblush na ako sobra!! Umuusok na ata ung mukha ko...

Nagtago ako bigla sa ilalim ulit ng mesa. Nauntog nga ako... ARAY!!! huhuhu.

Umupo sa lounge si James samantala si Luke ay tumawag ng maid para kumuha ng merienda.

Maya-maya dumating ung maid na may dalang juice at biscuits

"Luke, sorry. Bigla-bigla ung pagbisita ko." sabi ni James.

Napatawa si Luke, "Nukaba?? Nahihiya ka pa rin ba? Dito ka na practically nakatira simula nung mga bata pa tayo, ah!"

"Hahaha... kahit na, pasensya..."

"Wala nga, sabi yun..."

Kumain sila ng konti,

"So, dito ko na?" -Luke.

"Yup.. sa St. Marcus ako mag-aaral.." -James

"Talaga? Dun kami nag-aaral ni Andy!"

"Really?"

*silence

"anong problema?" tanong ni Luke

"Si Lola..." sagot ni James.

"anong problema sa lola mo?"

"she wants me to find a bride..."

Narinig kong nabilaukan si Luke.

BRIDE?? Hala!! Anong meron??

"Ba-bakit naman??" -luke

OO!! BAKIT??

"Because she's a crazy old hag? hahahaha..." sabi ni James na may kasamang sarcastic na tawa.

My Brother's Best Friend (COMPLETED)Where stories live. Discover now