Entry 8 Fast

3.8K 92 1
                                    

One fly.

Two flies.

Three flies.

Four flies.

Andaming langaw.

Andaming langaw na umaaligid kay James.

Haaaay...

Tinignan ko ung softdrink na hawak ko. Andaming bisita ni Kyle dito sa bahay niya. Ung parents kasi niya nasa Hongkong kaya kanyang kanya ung bahay nila. Nagkalat ang pagkain at drinks. Umaapaw lahat.

Pati tao.

Ganito pala lagi ang pinupuntahan ni Luke. Kinaladkad lang namin kasi ako nang makulit kong kambal papunta dito. Ayaw ko naman talaga pumunta.

Di ko kasi ito trip.

Maingay.

Madaming wild.

Party people.

I sighed. I saw James standing near the mini-bar. At andun nga mga langaw. Umaaligid lang. Si Luke naman enjoy makipag-usap sa ibang mga langaw.

Thinking of Luke...

Ansarap nyang lunurin!!

Isasama nya ako rito tapos iiwan nya ako sa isang tabi.

Well, di naman talaga ganun ang nangyari.

Ganito kasi un...

Isinama nga ako ni Luke tapos iniwan nya ako kay James.

Well...

Okay naman.

Kaso nakaisip ako ng bright idea.

Na ngayon nagsisisi na ako dun sa not-so-bright idea.

Nabubwisit na ako.

Ako kasi ang nagpakilala sa mga langaw kay James.

Well, di naman sila langaw, mga kaklase ko sila sa minor subjects ko. Mga party peeps pero good standing sa acads. Matino silang mga babae.

Un ung akala ko...

So eto na nga, magka-usap na sila James at ung mga old classmates ko na sina Betty, Nancy, Faye at Rica.

Nuong feel ko na okay na, I did my disappearing act.

Andito ako ngayon sa may sulok at pinagmamasdan sila.

I can see them...

But they can't see me.

Parang multo lang....

Hahahaha...

I watched how they want James' attention.

Dati, ganun din ako, and I can't measure how happy I was nung ngumiti sya sa akin.

Eh, iba lang level ng girls na ipinakilala ko sa kanya kasi full attention gusto nila.

I just thought na baka wala napili si James kasi ayaw nya dun sa iba talaga ang lifestyle nya na nakasanayan na. Kasi iba ung lifestyle nung mga girls na ipinakilala ko sa kanya before. Medyo kagaya ko... di ganun ka-active ang social life when it comes to party. Itong mga girls ngayon pareho sila ng social circle.

High class...

Pwedeng pwede...

Parang professional bugaw lang ako.

Hahahahaha...

I smirked at the thought.

Then I sighed.

I watched them again.

James seems enjoying himself. Ung mga girls halos bumitin na sa kanya. Napaka-liberated lang.

Di ako ganun.

Tapos nakita kong lumilinga-linga si James sa paligid pero patuloy pa rin sya sa pagngiti sa mga girls.

Tapos may ibinulong si Betty kay James. Then Betty smiled at ung mga mata nya parang gustong tunawin si James. Napa-iling si James at frantic na may hinahanap sa crowd.

Tumingin din ako sa paligid para alamin kung anong hinahanap nya. Tapos tinignan ko sya.

Nagkatitigan kami.

Ilang segundo...

Ilang minuto...

Ilang oras...

Parang...

Segundo lang un..

Seconds lang at umilag ako ng tingin.

Then I went to the garden.

Baka maging istorbo lang ako. Mabilis na akong nag-disappear.

Marami ding tao dito. I saw Luke performing his own concert.

Ang weird talaga nya.

Naupo lang ako sa isang tabi and entertained myself watching my crazy brother.

May humawak sa braso ko.

James.

I frowned.

Anong ginagawa nya dito?

"Hey"- James

"Anong ginagawa mo dito?"

He shrugged tapos umupo sya sa tabi ko

Inubos ko ung softdrink na kanina ko pa hawak.

Ang weird lang kasi....

nakatingin lang sya sa akin.

I also looked at him.

Titigan pala...

Di ako magpapatalo.

Di ako iiwas ng tingin gaya kanina. Nahuli kasi ako kanina pero iba na ngayon.

He looked away.

Hahahaha!! I won!!

"I'm bored. Tara, hatid na kita." biglang sabi nya.

Habang nasa sasakyan....

"So?"-me

Alam ko na alam nya kung ano tinutukoy ko. Ganito naman lagi eh. Evaluation.

Umiling lang sya.

"Bakit?"

Di agad sya sumagot so...

"Okay naman sila ah. They meet your initial requirements tsaka ganun din naman ang mga ka-date mo dati ah. So, anong problema?"

"Mabilis duma-moves." - James

Kumunot ang noo ko.

Di ko gets.

"Inosente ka pa!! Kaya wag mo nang isipin."sabay gulo ng buhok ko.

Tinignan ko sya ng masama.

"Mabilis silang makakuha ng lalaki at mabilis magsawa."

Di ko pa rin na-gets.

Sobrang slow ko ba??

"Basta they are fast."

Di ko pa rin sya maintindihan. I sighed.

Fast??

Ano kaya un??

Entry No. ******
Nakakapagod din pala to. Iba pa ung sakit sa ulo.... at sakit sa puso.

My Brother's Best Friend (COMPLETED)Where stories live. Discover now