Chapter 11: Unexpected Visitor

ابدأ من البداية
                                    

“Bwahahahahaha” * evil laugh

“Bakit ka tumawa, Marj? Ano nanamang balak mo, Marj? Tell me.”

“Oh Candice, Candice. You already KNOW what I mean, right?”

“Don’t tell me na---“

“Exactly!” 

Nicole Sarmiento, hindi pa tayo tapos! Don’t worry ,my dear. I’ll show you who’s the real queen beehere!

Nicole’s POV

6pm na ng maka-uwi ako galing school. Bukod kasi sa may meeting kami sa acting club, nakipanood muna ako ng practice nila Jasmine at Kylie sa dancing studio ng school. Sila kasi ang napili nung mga prof nila para kumatawan sa ballet contest kaya kailangan nilang magpractice. At siyempre, kailangan nila ng moral support kaya ako nandun.

Nang makahiga na ako sa kama ko, binuksan ko ang pinkish cellphone ko at bumungad sa akin ang sangkatutak na message. Mukhang naipon siya dahil matagal ko na kasing hindi nabubukas. Epal kasi yung lalaking yun eh, hindi sinauli kaagad yung phone ko. Anyways, makapagbasa na nga lang..

Inisa-isa kong buksan yung message sa phone ko at sa pinaka-huli, nakita ko na nagmessage pala sa akin si daddy.

“Princess, male-late ako ng uwi mamaya ah. Pero wag kang mag-alala, uuwian kita ng paborito mong chicken joy. Dad”

Hays, si daddy talaga oh. Chicken joy daw? Sus, ginagawa pa akong bata. Pero infairness, paborito ko talaga yung chicken joy. All-time favorite ko nga yun eh. Galing talaga ni daddy. Alam na alam kung ano ang ipangsusuhol sa akin.

After kong magbasa ng messages sa cellphone ko, binuksan ko naman yung laptop ko at nag-open ng facebook account..

1o friend request

2 notifications

Siyempre, tinignan ko muna yung friend request. Since hindi naman ako namimili ng friends sa facebook, sige lang. Accept na lang ng accept.

After ko naman tignan yung friend request, tinignan ko naman yung notifications at.. WOW! “300+ people like your profile picture”. Akalain mo yun? ^_^

Pero siyempre joke lang yun, hehehe. Kasama ko lang kasi si Kylie sa DP ko ngayon, kaya siguro madaming likes. Marami kasing fans sa school si Kylie eh.. Siyempre, maganda. =P

Anyways, siyempre after FB, automatic mag-wawattpad ako nyan. Titignan ko kasi kung nag-update na si Ms. Author at…. What? Hindi pa rin nag-update? Hayyyss.. nakakalungkot naman.. T_T

Sige na nga, matutulog nalang ako..

Zzzzzzzzzzz……

Story of A Campus Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن