Chapter 5⏩ MIGO

Start from the beginning
                                    

''Nope, she's not sick. Tinatamad lang yun'' paliwanag ko kay mama. Ayoko naman na mag worry sya ng husto sa bestfriend kong tigasin.

Mom just nodded ''Migo, paki kamusta ang tita Cynthia mo ha pag dating mo doon'' pakiusap ni mama sabay abot sakin ng fruit basket. San naman kaya galing to? Prepared si mama? Astig.

''Ma san galing tong fruit basket? Magician ka ba?'' Natatawang sabi ko sa kanya. A small crease formed at her forehead, looking at me na para bang tinubuan ako ng kung ano sa muka ko.

''Don't be ridiculous Migo, bigay sa akin ito ng isa sa mga suppliers ko. Kesa masayang dalhin mo na lang kela Elaine'' sabi ni mama habang niririarrange yung fruits.

''Sige ma, I have to go na.'' I gently placed a peck on her forehead while hugging her slightly. Lumabas  na ko ng bahay dala yung fruit basket.

It's a good a thing walang traffic, bibili pa pala ako ng lugaw ni Els. Baka sapakin ako pag dumating ako dun na prutas at hindi crispy baboy ang dala ko.

After having my order composed of: 4 na lugaw, isang order ng crispy tokwa't baboy,isang separate order ng crispy baboy at isang hard boiled egg. Ayos, sakto nagugutom na din talaga ako. Nagdrive pa ako ng mga 20 minutes bago ako makarating kela Elaiane, nung nasa harap na ako ng gate nila I instantly pulled over at pagkatapos ay bumababa na ako sa kotse at agad na nag doorbell.

Tita Cynthia opened the gate for me. Instantly wrapping me with in her embrace. Naamoy ko agad yung signature scent nya, amoy cookies. Napangiti ako sa naisip ko, napansin nya siguro kaya agad syang nagtanong.

''Ano naman kaya ang nagpapangiti sa gwapong bata na ito?'' Nakangiting tanong ni tita sa akin habang medyo nakatingala at nakahawak sa bewang ko.

''Kayo po tita. Wala ng iba pa'' sagot ko sa kanya habang nakangiti ng husto. Lagi namang ganito ang usapan namin ni tita. She's just so sweet.

''Bolero! Manang-mana ka sa papa mo'' pang-aasar ni tita ''tara na, pumasok ka na at kanina ka pa hinihintay ni miss Su'' natawa ako sa sinabi ni tita, miss Su kasi ang tawag nya kay Els, short term for miss Sungit. Tumawa din si tita at sabay na kaming pumasok sa bahay nila.

''Bakit ang saya nyo? Anong meron?'' Tanong ni Elaine habang bumababa sya ng hagdan. Napatingin kami sa kanya ni tita Cynthia

''Wala, dapat ba may dahilan?'' Sagot ko'. Alam kong maaasar to' lalo pag sinabi ko yung pinag-uusapan namin ng tita nya eh.

''Leche'' naiirita nang sagot ni Elaine, sabay irap.

''Elaine!'' Saway naman ni tita ''napaka ano mo talaga''

''Okay lang tita. Sanay na'ko dyan.'' Tumingin ako kay Elaine, mukang badtrip talaga sya. ''Oo nga pala tita, may fruit basket na pinabibigay si mama'' bigla kong naalala, kung nagkataon, mabubulok nanaman sa compartment ko yoon.

''Galing sa mama mo?'' Tanong ni tita, tumango lang ako sa kanya ''paki sabi sa kanya salamat ha. Maiwan ko na kayo dyan. Hijo, dalin mo na lang sa kitchen yung fruit basket ha.'' Nakangiting pakiusap ni tita, tumango lang ako at sumunod.

''Els mauna ka nang kumain, kunin ko lang yung fruit basket''

''Wala naman akong balak hintayin ka eh'' sagot ni Elaine. Looking very irritated. Di' ko na pinansin at lumabas na ako.

---------

''So..'' I started ''anong nanayari?'' Mukang di' na'ko makakapasok nito, seeing as to how Elaine is acting up today. Tumingin sya sa'kin at nagbugtong hininga.

''Migy napanaginipan ko sya'' kumunot yung noo nya at saka yumuko. Sabi na eh, may mali talaga sa kanya ngayon. Pinaglaruan nya yung natitirang lugaw s mangkok nya habang medyo nakangiwi.

''Sya?'' Tanong ko, I know, I must've sounded very stupid. ''Els, wag ka nang umasa. Ilang taon mo na ba syang hinihintay? Nagpakita ba sya? Di'ba hindi? So quit it.'' I said, coming off sounding a little harsh. Napatingin sa'kin si Elaine at napabuntong hininga.

''Migy, di mo 'ko magets no? Ang hirap kasi. Sya yung nagpapa aral sa'kin at nagbibigay ng allowance pero di' sya nagpapakita? Ang unfair lang ng sobra'' Elaine whinned

''You are just ridiculously infatuated with a philanthropist'' I said plump forward, rolling my eyes in the process

''Gago! Hindi no! Reciprocal naman ha!'' She retorted, shouting at me.

''Elaine, over a hundred letters won't prove anything'' I shook my head in disbelief. Paano nya kaya nagagawang maniwala sa hindi nya nakikita.

''Miguel, kahit anong sabihin mo, sya pa rin yung daddy long legs 'ko'' She beamed. Bipolar talaga, kala nya ba sya si Judie Abott?

Whoever he is, I swear, hahanapin ko sya. Just wait Elaine, mahahanap ko din sya.

''Fine, pero bago yan itext mo muna yung partner mo sa project'' trying to distract her. Mukang gumana dahil bigla syang natigilan.

''Hala shit! Nawala sa isip ko!''

Natawa ako sa reaksyon nya. Thank goodness at okay na ulit sya.

----

Yey! Natapos ko din. Sorry late na, I have 2 more stories I'm working on kasi kaya naman medyo talagang dinudugo yung ulo ko sa kakaisip ng plot. Hahahaha hence,sana magustuhan nyo pa lalo yung gawa ko.

Thankyou modern bookworm 😘❤

Love, Daddy Long LegsWhere stories live. Discover now