"I know right."

"Good night."

"Good afternoon."

Pagkapatay ko ng tawag, tinry ko namang tawagan si Vivian.

"Hmm... hello?" And again, nakalimutan ko na namang madaling araw sakanila ngayon.

"Viv?"

"Mavis? What's up?"

"I just want to ask you if may.. may nasabi ba si Prim na ka-kambal niya?"

After a moment of silence, nagsalita na rin siya.

"So you met Paige."

"Uhm, its, uhm, yes. Earlier."

"Sorry di ko nasabi."

Bumaba ang dalawa ko'ng balikat na may dinadalang pag-asa. Na parang meron talagang siya. Na posibleng buhay pala siya. Pero wala. Bestfriend niya na 'to, wala talaga. Wag nalang pilitin pa.

"So totoo nga."

"Yup. Depends on you kung maniniwala ka. But that's the truth. Nakatira siya diyan for years already. With his Lolo actually. Wala kasing kasama Lolo niya kaya sakanilang dalawa ni Prim, siya ang kinuha."

"Why her?"

"Nasabi sakin ni Prim dati na ayaw na ayaw sakanya ng Lolo niya dahil sa ugali niya. And he adores Paige because of her pleasant attitude."

I wonder how painful it is for Prim. Yung pati Lolo niya ayaw sakanya. For sure, masakit rin.

"I see. May pinakita siyang picture nilang dalawa."

"May pinakita ring pic samin si Prim dati. Hindi naman sila gaano ka close."

"Hindi ba? But Paige told me na may naku-kwento si Prim dati."

"Ay di ko na alam. Basta ang alam ko di sila gaano ka close. Hindi masyado."

Oh. "Pasensya na sa abala, Vivian."

"No, ayos lang. Hindi ko naman kasi akalain din na mapupunta kang Netherlands. At sa totoo lang, nawala na sa isip ko. It's been 8 years. Damn that girl." Normal lang yung tono ng boses niya noong nagsasalita siya. Noong sinasabi niya na 'yong it's been 8 years.... dahan-dahan na yung pagsasalita niya at may lungkot ang boses niya.

"I feel you, Vivian."

"Namiss ko na kasi 'yon. Kahit bitchy siya, she's a true friend."

"It's okay, It's okay." Sabi ko ng naririnig ko na ang mga mahihinang hikbi niya. "Sorry, Mav. Naalala ko lang kasi yung mga panahong buhay pa siya. And it's 3am for fuck's sake."

"Kaya dapat matulog ka na. Baka mamaya dalawin ka pa."

"Ikaw sana." Natatawa niyang sabi.

"How I wish, Vivian."

Natulog na siya at ako naman, heto, naglakad-lakad na naman. Trying to take pictures of everything na makita ko. No matter how little or big, how ugly it is for other's eyes or how beautiful that thing gets. Sinusubokan ko'ng bigyan ng kwento ang bawat makita ko. From the lampposts, the streets, the clouds, the houses, the stores. The people passing by. Lahat 'yon. And I'd be lying if I say that I'm not doing this because of the thoughts I have inside of my head.

I put my camera down and stared at the people passing by. At the different persons walking in a busy street of Amsterdam.

Pinagmasdan ko sila.

LIKE THOSE MOVIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon