Pen #1

463 25 28
                                    

Chapter One

Myka's P.O.V

"Doc, please gawin niyo lahat ng makakaya niyo, please Save my son."

Hagulgol na iyak ng isang ina, habang yakap siya ng isang babae na sa tingin ko naman ay syota ng pasyente at isang lalaki na sa tingin ko naman din ay kapatid din ng pasyente.

The old woman keep on blabbering to save her son. Ang mga doctor at nurses naman ay ginagawa ang lahat para maisalba ang buhay ng lalaki. This scene is normal on hospitals. Hindi ata kompleto ang isang hospital kung walang ganiyang nagaganap. Kung pwede nga eh, masasabi ng iyan na ang purpose ng hospital.

Nakakairita iyung sinasabi ng ina. 

Tsk! Why do we always have to beg to doctors to save or heal a patient? They are just humans. They don't have any superpowers to heal a wound nor gave life to a corpse. They aren't the Gods.

Aalis na sana ako sa eksena nang biglang may tumunog.

The music of death ............. 

The sound of a flat line machine.

Napuno ng hagulgol ang silid. Ang mga doctor nama'y napatungo na lamang. Once again they failed. Ganyan naman talaga eh, wala silang kayang sabihin kundi.

"Sorry po Ma'am, ginawa na po namin ang  lahat ng aming makakaya."

"Time of death 1:11 pm"

Iyan. Magaling sila sa ganyang linyahan. Nakakasawa na rin minsan. I looked at each doctors and nurses. How many deaths they encounter everyday? How many life they can't manage to save? Nakakatulog pa kaya sila sa lagay na iyun? Yes, it was their specialties. They render almost 10 years on studying this career, but let's be practical, witnessing someone took their last breath in front of you, is somewhat unhealthy. Bilib rin ako sa resistensiya nila.

Pero minsan nakakapanghinayang, ilang taon ang kanilang ginugol para lamang makamit ang kursong iyan. Pero bakit kahit gaano kataas ang degree na kanilang naabot, kahit gaano ka rami ang karanasan nila sa panggagamot, may mga tao paring hindi nila kayang isalba? May mga taong namamatay parin sa kamay nila.

Magmula no'ng hindi nila naisalba ang taong IYUN nawala na ang tiwala ko sa kanila. Kahit gaano ka puti ang kanilang kasuotan, may bahid parin ng dugo mula sa isang buhay ang hindi nila kayang lunasan. Nakakapanghinayang.

Nang ilibot ko ang paningin ko sa silid, someone caught my attention and it's odd. In one corner of the room there's this nurse na umiiyak at titig na titig sa nangyayari. Kung normal na tao lang siguro ang nakakakita sa kanya he or she might think that she's being sympathetic on the scene but she can't escape my keen eyes. This nurse has something about her past that trigger her to act that way. I found her interesting. This would be a n-----.

"Hoy!" napapitlag nalang ako nang biglang may kumalabit sakin.

"Tokwa ka! ba't ka ba nanggugulat?" inis kong turan kay Lizzel. Kaibigan ko.

"Ba't kaba kasi tulala diyan? Oh siya tapos ko na bayaran yung bill mo, wag ka kasi masyadong stress, ayan tuloy bigla ka nalang hinihimatay." Panenermon niya.

"Opo nay!"sarcastic kong sagot. Psh!

" Sino ba tinitignan mo diyan?" Tanong niya. Sabay silip sa loob sa kwartong kinasasadlakan ng pasyenteng tinutukoy ko kani-kanina lang.

"Tsk! Wala." Sabi ko sa kaniya.

"Anong wala? Ano iyan? Patay na?"

"Hoy! Hinaan mo nga iyang boses mo. Baka marinig ka pa ng nasa loob. Mahiya ka naman." Suway ko.

Behind the Pen (UNDER MAJOR REVISION)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt