Tumango tango si Jordan. "May mga ginagawa naman pala kayo sa buhay niyo. E, bakit niyo ko ginugulo rito?"

"Dude, calm down! Kahit ang layo namin sa iyo ramdam namin 'yung hate mo sa amin na nandito kami ni Andray," natatawang sabi ni Fort. "We just want to visit you. That's all."

"Yeah. Ni-hindi na nga tayo nakakapag-bakasyon simula noong natuto tayo'ng mag-trabaho."

"E 'di wag ka na mag-trabaho, Dray."

"E 'di lagot ako sa Daddy ko, Jords," nagtawanan naman sila sa sagutang iyon.

Tumayo si Fort, scanning Jordan's office. "Oh? Nandito pa rin 'to Jordan?"

"What's that? Sino 'yan Fort?" Lumapit naman sa kaniya si Andray. May tinitignan silang dalawang magkaibigan. "May I see?"

"Wait! Tangina, tinitignan ko pa!"

"Akin na nga! Patingin! Napaka-bakla mo talaga! Patingin!" Nag agawan na 'yung dalawa sa picture frame. Nakatalikod 'yung dalawa sa tingin ni Jordan kaya 'di niya makita kung ano ang pinag-aagawan nilang picture frame.

"Akin na kasi!"

Ilang segundo ay nakarinig sila ng pagkabasag. Nabasag. Ilang segundo ang nakalipas, hindi gumalaw 'yung dalawa.

Stuck like a statue.

"Hey, are you guys okay? Para kayong statue d'yan. What's the problem? Just call my secretary and tell her to clean it up."

No response. Nagkatinginan yung dalawa, "Hoy! Ano ba'ng problema n'yong dalawa? Nabasag lang e, para na kayo'ng tanga. Ano-"

"Jordan Mondelez III. Sorry dude!"

"Papalitan na lang namin! Pramis, tol! Damn. Sorry talaga!"

"Bakla na kung bakla, dude. Sorry talaga! Bobo kasi nito'ng si Andray! Inagaw pa!"

"Anong ako? E, ikaw 'tong ayaw ibigay sa akin! Titignan ko lang naman! I'm sorry bro, to the moon and back."

Tumayo na si Jordan at lumapit sa kanila para makita kung ano iyong nabasag. Kung anong picture frame ang nabasag.

Nagulat siya sa nahulog na litrato. Nakita niyang nagkalat sa sahig ang mga bubog.

"Get out."

"Dude, sorry talaga! Swear! 'Di naman namin sinasadya."

"Please."

"Sorry talaga, Jordan," they said in unison at umalis na.

Lumuhod ang binata, unti-unting dinampot ang mga bubog. Tila hindi niya iniinda kung masugatan man siya ng mga bubog na nagkalat.

Dumugo na ang kaniyang mga daliri. "I don't know what to say but I'm sorry. Papalitan ko na lang 'tong frame mo, ha? Ang gulp kasi n'ong dalawa, e. Binasag. Pero okay lang naman 'di ba, Babe? Papalitan ko ng mas maganda, ha?" Pagkausap nito sa picture ng mahal niya.

Nakuha niya itong magandang litrato na ito sa kapatid ni Fort na si Eight. Stolen shot pa 'to noong tumawa siya. Kasalukuyan noong panahon na iyon na nasa journalism si Eight, mahilig siya kumuha ng litrato sa loob ng paaralan nila. Lagi niyang dala ang DSLR niya. Ni-regalo niya 'tong picture ng isang magandang dalaga kay Jordan kahit labag sa kalooban niya, para daw lagi niyang naaalala at nakikita ito.

Kinukuha pa nga nya 'to pabalik, ang ganda daw kasi ni Eight dito. Tila naging ito ang paborito ni Eight na litrato sa lahat ng kinuhaan niya.

"Kuya Jordan! 'Yung picture na Ate Nae ha!? Kasi eh.. ayoko na nga! Akin na ulit! Baka mawala lang sa iyo 'yun eh!" Pangungulit na salita ni Eight kay Jordan, "Kuya Fort! Paki-kuha nga 'yung picture! Ayoko na ibigay sa kaniya! Kasi baka mawala 'yun! Kuya Fort! Dali na! Ganda-ganda ni Ate Nae doon e! Kuya! Don't you hear me?! Kaasar ka!" Sumbong naman nito sa kuya niyang si Fort pero tumatawa lang.

Lumapit si Fort kay Eight, "Hayaan mo na 'yun, Lil sis. I-ingatan 'yun ni Kuya Jord-"

"No, Kuya Fort! Hindi niya 'yun iingatan! Si Ate Nae nga kahit physically na nandyan na, iningatan niya ba? 'Di ba, hindi?! Kaya wala na ngayon si Ate Nae ko, kasi hindi niya iningatan!" Sigaw ni Eight at kinuha ang mga gamit at umalis.

Naiwan ang magba-barkada na tahimik. Maya-maya, tumayo na si Jordan. Naka-yuko man ito at pilit na itinatago ang mukha sa barkada, nakita pa rin ang bakas na luha sa mga pisngi niya at tuluyang tumakbo palayo sa kaniyang barkada. Naiwan ang magkakaibigang; Lewis, Fort at Andray na may lungkot dahil alam nilang nasasaktan ang kanilang kaibigan.

Sa ilang taon nilang pagsasama, sobrang malapit sa isa't-isa sina Eight at Shaznae. Kapag may problema si Eight, palaging kay Shaznae ang takbo niya.

Itinuring siya ni Eight na kadugo— nakakatanda at iniidolo. Halos pagkamalaman na rin silang magkapatid noon.

Sina Fort, Andray at Lewis ay kasama na ni Jordan lumaki at magkaisip. Naging sandalan nila ang isa't-isa simula noon. Itinuring na nila ang isa't-isa na magka-kapatid dahil sa tagal na nilang magkakasama.

Si Ysa ay kaibigan din nila noong pagkabata. Namula siya na puro kalalakihan ang nasa paligid niya kaya kung minsan, ganoon din ang nagiging ugali niya at hindi kalaunan ay nagkamabutihan sila ni Lewis.

Sa kasalukuyan, si Fort ay may magulong relasyon sa dating matalik na kaibigan ni Shaznae na si Viv.

Si Viv, ang matalik na kaibigan ni Shaznae simula bata pa lang sila. Kaya noong biglang nawala si Shaznae, siya ang una at huling nagdamdam sa kanilang lahat.

Noong una, si Viv ay hindi kasama sa kanilang pagkakaibigan marahik Kasi sa ibang school siya nag-aral, pero matapos ang pagtatapos sa kolehiyo at noong nawala na ang matalik niyang kaibigan, sila Lewis, Jordan, Andray, Fort, Eight at Ysa ang lagi na niyang kasama at naging kasandal sa anumang problema. At isa na rito ang pagiisip at umaasa rin na babalik pa si Shaz.

Si Andray na pinsang buo ng Jordan ay hindi na siya nagse-seryoso pagdating sa pag-ibig. Hindi natin masisisi dahil siya rin naman ay nasaktan na.

***

"Hoy jordan? Nandito na silang lahat! Asan kana?! Mahiya ka naman kina Ysa!"

"Tell them, I'm not going"

"Ha? E, bakit?"

"Ask the two idiots, named Andray and Fort," pinatay ni Jordan ang linya.

Alas dos na ng hapon. Iniisip ni Jordan na hindi naman niya kailangan pumunta pa roon, kaya naman niyang magpagawa ng sarili niya.

Nawala rin ito sa wisyo ng dahil sa nangyari. Pina-ikot nito patalikod ang swivel chair. He look out at his office window, and he don't know why, but he have this strange feelings that he will regret not going in the shop.

Between the two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon