Siete

73 1 2
                                    

~SIETE.

"Aalis ka?" Biglang tanong sa akin ni Mella. 


Mag a-alas sies palang ng gabi at may lakad kaming dalawa ni Clark. Tinanguan ko lamang si Mella bago umupo sa isang sofa kung saan sya naroroon at nanonood ng Balita sa Telebisyon. Nakatutok ang kanyang mga mata dito kaya napatingin na rin ako at nakikinood habang hinihintay si Clark.


"Pinapayuhan namin ang lahat na mag-ingat dahil sa meron na namang isang babaeng walang awang pinatay sa loob mismo ng kanyang kwarto..."  Napakunot ang aking noo habang nakikinig sa isang reporter sa kanyang ibinabalita. 


"Alas Dose ng gabi ng may marinig ang isang kasambahay na sumigaw sa mismong kabahayan at ng pinuntahan nya ang silid ng biktima ay nakita nya itong nakahundusay sa sariling dugo, isang karumal-dumal ang pagpatay dito dahil sa natamo ng kanyang katawan na tila ay pinaghihiwa ito.."


"Grabe naman ang nangyari, pero alam mo parang familiar ang lugar na nasa balita." Biglang sabi ni Mella sa akin habang nakatutok pa rin ang  sarili sa T.V. 


"Lalabas ka ba ngayon, Alesha? Wag nalang kaya, parang nakakatakot na lumabas ngayon pag gabi eh, baka nasa labas lang ang may gumawa nyan sa babaeng pinatay." Sabi pa nito sa akin pero hindi naman ako tinitingnan, magsasalita na sana ako ng bigla nalamang may nag doorbell kaya tumayo ako at saka binuksan ang pintuan dahil baka si Clark na iyon. 


At tama nga ako dahil nasa harapan ko na ngayo nang taong pinakamamahal ko. Hinalikan nya ako sa aking pisnge at saka ako binigyan ng bulaklak. 


"Salamat. Nag-abala ka pa." Sabi ko dito. Nginitian nya ako. 


"Tara na?" Tanong nito sa akin. 


"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko dito habang papalabas na ng bahay ni hindi na ako nakapagpaalam pa kay Mella, dahil nakasakay na ako sa kotse ni Clark. 


"Basta." Sabi lang nito at saka pinaharurot ang kanyang kotse. 


Tumango lamang ako at saka nagpatugtog ng kanta mula sa stereo ng kotse nya. Napatingin ako sa kanya habang seryosong nagmamaneho. At hanggang ngayon sa totoo lang ay hindi ako makapaniwala na nangyayari na ang inaasam-asam ko. Ang makasama sya.


Ni hindi ko akalain na totoo nga ang sinasabi ng mga sulat na iyon. Na totoo ngang nagkatotoo ang mga nanaisin mong hilingin. Napapangiti ako habang naalala ko ang gabing iyon. Ang gabi kung saan nagsimula ang lahat. 


"We're here." Rinig kong sabi nya. Napatingin naman ako sa labas ng kotse at saka nagtaka. 


"Bakit dito?" 


"Gusto lang kitang ma solo." Tila seryoso nitong sabi sa akin. Nagkibit-balikat nalamang ako at saka lumabas na ng kotse nya. Sumunod naman ito sa akin at saka ako tinabihan habang naka sandal sa kotse nya at magkahawak aming mga kamay. 


Malamig na simoy ng hangin ang at tahimik na kapaligiran. Kami lamang dalawa ang narito sa lugar na ito. Inilibot ko ang tingin sobrang lawak ng lugar at kitang kita ko ang city lights ng boung ka-maynilaan. Naramdaman ko ang pagyakap nya sa akin at isinadal nya ako sa katawan nya.

Akesha #Wattys2017Where stories live. Discover now