Cuatro

69 0 2
                                    

~CUATRO.


"Anong meron at bigla ka nalang bumili nyan Alesha?" Rinig kong tanong nya sa akin ngunit hindi ko nalamang ito sinagot at nagpatuloy nalamang ako tumitingin-tingin ng iba ko pang bibilhin. 


Nakabili na ako ng Labing tatlong kandila, at posporo nalamang ang kulang. Pagkatapos ng klase namin kanina ay bigla kong naisip na bumili ng kandila at posporo dahil gusto kong subukan iyong nabasa ko sa papel. Datapwat wala mang kasiguraduhan kung totoo nga ang nakasaad sa papel na iyon ay wala namang mawawala kung susubukan ko. 


"Mella, alam mo ba kung kailan sisibol ang kabilogan ng buwan?" Tanong ko dito habang papauwi na kaming dalawa. Nandito na kami sa loob ng sasakyan. 


"Hmm. Mukhang mamaya magsisimul ang tinatawag nilang full moon, Bakit?" Tanong ulit nito sa akin. Napangiti nalamang ako sa aking sarili. Tamang-tama. 


"Wala naman. Naitanong ko lang." Sabi ko nalamang dito at nagkibit balikat nalamang ito at saka nito pinagpatuloy ang paglalaro ng color switch sa Ipad nya.


Maya-maya lamang ay nakarating na rin kami sa bahay. Nagpaalam naman si manong na kung pwede ba syang umuwi, tumango naman ako sa kanya bilang sagot at bilang pagpayag na rin. Tahimik kaming dalawa ni Mella habang papasok ng bahay. 


"Magandang gabi po mga senyorita." Bungad sa amin ni Leila pagkapasok ng pagkapasok namin sa bahay. Binati rin namin sya dalawa ni Mella saka kami pumasok sa aming kanya-kanyang kwarto para makapag bihis na rin. 


Napadapo ang tingin ko sa kahon na nakalagay sa study table ko. Lumapit ako dito at saka binuksan. Umupo ako sa isang upuan at saka ako kumuha ng isang papel dito at binasa ang nakasaad dito. Para itong isang diary pero ang weird dahil nakasaad lang sa isang papel. Diba dapat sa isang notebook ito nakasulat.? 


Araw ng sabado at bilog na bilog buwan, sa harap ng malaking salamin at natatanging kadnila lamang ang nagsisilbing liwanag.. dito nagsimula ang lahat.. dito sa harap mismo ng salamin nangyari ang hindi ko inaasahan mangyari na akala ko ay wala ng pag-asa, pero sadyang umaayon sa akin ang kapalaran dahil dito natupad ang gusto ko.. ang Makasama ang natatanging lalaking matagal ko ng hinihintay si Gilbert. Masayang-masaya ako sa piling nya kahit alam kong hindi sya una naging akin, sadyang walang mapaglagyan ang kaligayahan na nakakamit ko.. Wala na akong maihihiling pa hang--..


"Putol ulit?" Napakunot nalamang ako sa aking sarili at hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman at pagkalito. At saka parang hindi lang iisang tao ang nagsulat nito.. Pero bakit.. bakit nawawala ang mga kadugtong nito? 


Napapaisip tuloy ako, kaya kumuha ulit ako ng isa pang pirasong papel at saka ito binasa...


Sobrang tuwa ang aking nararamdaman ng biglang umamin sa akin si Trinidad ang babaeng matagal ko ng minamahal.. Ang babaeng sa una palang ay hinagad ko ng maging akin pero hindi ko makuha-kuha dahil may minamahal itong iba at ang nakakalungkot pa roon ay kaibigan ko pa ang syang nobyo nito. Pero isang araw ay sobrang ligaya aking naramdaman ng bigla nalamang itong umamin ng kanyang nararamdaman matapos akong magsabi ng aking ninanais makamit sa harap ng salamin, isang linggo na rin ang nakaraan. Sadyang totoo nga ang sinasabi sa akin tungkol sa bagay na iyon, sadyang may kakayahan nga ang mga salamin. Kaya ngayon ay wala na akong maihihiling pa lalo na at napapasa akin na nga si Trinidad ang babaeng minamahal ko sana nga lang ay hindi magkatotoo ang sinasabi ng iba--

Akesha #Wattys2017Where stories live. Discover now