Tres

93 4 0
                                    

~TRES.




Napahiga nalamang ako sa aking kama, kakatapos ko lamang puntahan si Mella, akala ko ay napano na ito ngunit dahil lamang pala sa nakita nyang ipis kung kaya't ganun nalamang ang naging reaksyon nya. Kahit kailan talaga matakutin ang babaeng iyon. Napapailing nalamang ako sa aking sarili.


Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang may maalala ako..


"Ang mga Papel!" Dali-dali akong napatayo mula sa pagkakahiga ng maalala ko ang mga naiwan kong mga papel sa baba. Pati sya ay bigla kong nakalimutan dahil sa pag-aalala ko kay Mella ng ito ay biglang sumigaw.


Madilim na kapaligiran ang sumalubong sa akin ng ako ay lumabas ng aking kwarto. Mukhang pinatay na nya ang mga ilaw. Kinuha ko nalamang ang cellphone ko at saka binuksan ang application kong Flashlight, nagsimula na akong maglakad papunta sa sala kung saan ko naiwan ang kahon na naglalaman ng maraming papel.


Hanggang ngayon ay napapaisip parin ako kung ano nga ba ang mga nakasulat sa mga papel na iyon at kung bakit ang dami. At lalo na sa nabasa ko kanina. Anong sinasabi nito na natupad na raw ang hiling-.


BLAAGG!


Bigla akong napatigil sa aking paglalakad ng may marinig na naman ako na parang may nauhulog na bagay sa kung saan. Huminga ako ng malalim at isiniwaglit na lamang sa aking isipan ang narinig ko. Kailangan kong makuha agad iyong kahon.


Sobrang dilim ng kapaligiran, at sa sobrang tahimik ay para ka nang mabibingi, maya-maya lamang ay nakita ko na rin sa sofa ang kahon kung saan ko ito naiwan. Dali-dali naman akong lumapit at akmang kukunin na ito ng makaramdam ako ng panlalamig sa sarili. Bigla akong nangilabot sa hindi ko alam na kadahilanan at bigla nalamang bumilis ang pintig ng aking puso.


"Sht." Bigla akong napamura sa sarili. Parang may bigla akong nakitang anino sa pamamagitan ng konting liwanag na nangagaling sa flashlight ng cellphone ko, pero impossible naman iyon. Dahil ako lang naman ang mag-isa dito ngayon.


Kinuha ko nalamang agad ang kahon at saka nagmamadaling umakyat ng hagdan pabalik ng kwarto ko atsaka ko ini-lock ang pintuan.


Bigla akong nakaramdam ng pagod kaya umupo nalamang ako sa aking higaan habang hawak hawak ko pa rin ang hindi masyadong kalakihang kahon. Napatingin ako dito at saka inilagay sa tabi ko.


Binuksan ko ito ulit at akmang babasahin ang isa sa mga nakasulat doon ng bigla nalamang ako nakarinig ng mga yapak mula sa labas ng kwarto ko. Siguro lumabas ng kwarto si Mella. Huminga ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang aking balak na gawin.


Kinuha ko ang isang kulay lilac na papel at ito'y binasa. . .


Sa wakas at naging matagumpay ang aking plano, na sa simula ay akala ko magiging palpak ito. Pero hindi dahil, sa tulong nya natupad ang isa sa mga inaasam asam ko sa buhay ang makasama ang matagal ko ng pinapangarap, ang aking pinakamamahal na si Cesar. Masayang-


"Teka.. Bakit putol?" Tanong ko sa sarili ko at saka hinanap ang kapiraso ng papel na kadugtong sa binabasa ko.


Sadyang nahihiwagaan na ako sa mga sulat na ito. Hanggang sa may makita akong isang sulat na nakakuha ng atensyon ko...


Alas Tres.

Kadiliman.

At

Bilog na Buwan.


Ang isa sa Tatlong bagay na hindi mo dapat baliwalain.


Akesha #Wattys2017Where stories live. Discover now