Uno

150 8 0
                                    

~UNO.


"Alesha! Umuwi na tayo at malapit nang mag takipsilim." Mahinang bulong nito sa akin.


Rinig na rinig ko ang takot sa boses nya habang nakahawak ang kamay nya sa may laylayan ng damit ko na para bang isang batang paslit na takot na takot mawalay sa kanyang ina. Tiningnan ko sya at saka nginitian. Bakit ba natatakot itong babaeng ito.


Wala namang dapat ikatakot sa lugar kung nasaan kami ngayon.


"Ano ba Alesha, hindi ka ba natatakot dito sa sementeryo?" Ngumisi lang ako sa sinabi nya.


"Hindi." Malamig na sabi ko sa kanya habang nakatayo pa rin kaming dalawa sa harapan ng isang kubo. Totoong nandito kami sa may sementeryo at kung bakit kami narito ay dahil may tinulungan kaming isang matandang babae kanina na muntik ng masagasaan, kaya inihatid narin namin sya sa kanyang tirahan.


"Mga ineng, maraming salamat ulit sa paghatid sa akin. Hali muna kayo at pumasok sa aking munting kubo." Sabi ng matandang tinulungan namin. Magsasalita pa sana ang kasama ko ngunit hindi ko na ito hinayaan pa dahil alam kong tututol lamang ito. Isa pa nakakahiya sa matanda kung hindi namin ito mapagbigyan man lang.


"Sige ho, pero hindi po kami pwedeng magtagal dahil baka hinahanap narin kami ng mga magulang namin." Mahinang sabi ko sa kanya na may ngiti sa mga labi. Nakita ko naman ang nakakilabot nitong ngiti na binalewala ko nalamang at tumango ito saka kami pinapasok sa kanyang munting kubo.


"Maupo muna kayo ineng, ano ba't gusto nyong inumin at kainin at nang makabili tayo sa may tindahan." Tanong nito sa amin habang paupo ito sa may harapan namin.


Hindi masyadong kalakihan ang kubo nito, katamtaman lamang ito at saktong sakto sa pang-isahang tao. Napansin ko rin ang mga kagamitan nitong may kalumaan na. May iba ngang inaalikabok na dahil na rin siguro sa walang masyadong nag-aalaga dito. Napatingin naman ako sa matanda na nakatingin rin pala sa amin na para bang may iniisip.


"Lola, nasaan po ba  ang pamilya nyo?" Tanong ko dito. Nakita ko naman ang paglunkot ng mukha nito at saka may tiningnan na isang lumang litrato na nakalagay sa hindi kalayuang mesa. Napatingin naman ako doon at batid kong sobrang tagal na nito, noong kinuha ito dahil na rin sa kulay at textura ng litrato.


"Wala na akong pamilya ineng." Sabi nito sa amin. Dala na rin ng kuryusidad ay tinanong ko ulit ang matanda.


"Anong pong ibig nyong sabihin lola?" Napatingin naman ito ulit sa akin at ramdam ko ang tagos ng tingin nito na para bang tinitingnan pati ang kaluluwa mo.


"Patay na sila." Sabi nito sa amin.


Naramdaman ko naman ang panginginig ni Mella na nasa tabi ko lamang kaya tiningnan ko ito.


"Okay ka lang ba?" Bulong kong tanong sa kanya. Napalunok pa ito at para bang may anong nakita at kaya't takot na takot ito.


Akesha #Wattys2017Where stories live. Discover now