"Zoe, ikaw? Kamusta?" a look of concern crossing her face. "No offense.You look like a mess."

"I'm fine. Yung lalaki, kamusta? Malala ba? Kailangan ba ng surgery? Ate Alexi...." hindi ko nanaman mapigilang mag alala. Bukod sa nakakaawa yung Ace, I'm also in a very deep sht. 

"Sa ngayon hindi ko pa alam. Maya-maya lang lalabas na rin yung results ng x-ray."

Mga ilang saglit lang tinawag na rin kami ng isang nurse. Pumasok kami sa office ng isang pa doctor. Nanduon na rin sa loob si Ace pagpasok namin.

"Okay, may isang good news at may isang bad news," sabi agad ni Doc. "Ang good news hindi naman natin kailangan ng surgery. In fact, sprained lang ang nangyari sa kaliwang paa mo, hijo. And, the bad news is kailangan mong magcrutches for 3-5 weeks and kailangan natin i-cast yung paa mo."

Pagkasabi ni Doc ng ganun para na rin akong na nabunutan ng tinik. Nakahinga hinga rin ako ng maluwag.

"So, ready ka na?" tanong ni doc kay Ace.

Napatingin kami lahat kay Ace. Napansin kong laging neutral lang yung expression ng mukha niya. .

Para ngang hindi siya nagaalala na kailangan niya magcrutches.

Tsk. Ang gwapo pala talaga niya. Parang may half-something siya eh.

Parang.....half German Sherperd. Hahaha. Fil-Am siguro 'to.

"Half-British ako , hindi aso. And, are you done checking me out? Kung hindi pa, take a picture it will last, " nagulantang ako nung nagsalita siya.

Hala! Nasabi ko ba ng malakas? Hindi ko rin napansin na nasa kabilang room na rin si doc at may kausap naman si Ate Alexi sa phone niya.

Tsk. Nakakainis. Mga gwapo nga naman kung hindi conceited masungit naman.

 Ang tagal ko na palang nakatitig. Meh  :3

Tinignan ko siya ng masama, "Ah..Talaga naman..." kinuha ko nga yung phone ko at pinicturan ko talaga siya. Mukhang nagulat di siya sa ginawa ko.

"Akala mo hindi ko gagawin no? FYI, Photography ang hobby ko :P" childish na kung childish. "buti na lang gwapo ka," sabay bulong ko. Then, he smirked at me. 

Psh. Sabi ko  na eh, hindi ko alam pwede palang dalawa. Conceited na masungit pa.

Tapos ang pandinig. Winner!  Siguro nga may lahing German Shepherd. Meh.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

10:30pm na nung hinatid ko siya sa isang hotel na pamilyar na pamilyar ako. Yup, sa hotel siya nagpahatid. Hindi na lang din ako nag usisa kung bakit. Nung nandun na kami sa harap nung hotel, tska ko lang naisip na kuhanin ung contacts niya.

"Give me your phone." utos ko sa kanya

"Why?" kunot noo niyang tanong

"Duh. Ilalagay ko yung number ko. Para ma co-contact mo 'ko kapag magpapacheck up ka na. Ako bahala sa medical expenses mo di ba?"

"No need. Ako na lang bahala," after niyang sabihin yun binuksan na niya yung pinto.

"Wait!" sinara naman niya ulit yung pinto pero kalahati lang. "Okay, ganito na lang. Ibibigay ko sa'yo yung number ko pero you will call or text me kung okay na yang paa mo. Ayoko magkaroon ng cargo de conciencia. "

Nagisip pa siya ng kaunti tsaka sinabing, "Fine." iniabot din naman niya yung iPhone niya na latest model.

Wooh. Big time. Sosyaling bata. Hindi nagpapahuli sa kung anong latest.

Love Next DoorWhere stories live. Discover now